Ian's P.O.V
Nandito kaming tatlo sa canteen nakatingin lang ako kayla christa at kenneth na nagtatawanan at habang nagtatawanan sila nakafocus lang ung mata ko sa ngiti ni christa napaka ganda.. kahit nagmumukha nakong 3rd wheel naiinlove parin ako sa ngiti ni christa "oh ian baka matunaw si christa" natauhan ako sa boses ni kenneth. Nakatingin na pala silang dalawa sakin
"Hahaha" patay malisya.. ang weird mo ian ginagawa mo?
"Psshh ikaw ian ah makatitig ka ah" nagtawanan silang dalawa sa pagkasambit ni christa habang ako nakangiti lang sakanila.. ngiting 3rd wheel
"Nakatingin lang ako hindi nakatitig noh.." palusot ko sakanila pagkasabi ko nun tumawa lang sila at bumalik na sa usapan nilang dalawa
Oo nga noh parang hanggang titig nalang ako kay christa ngayon .. hmm
Habang nagtatawanan sila, naguusap, nagkukwentuhan kinuha ko nalang ung sketchpad ko at pencil, patago ko silang kinokopya at dinodrawing
Ang sweet nilang dalawa oh, nakakainggit naman! Nakita ko sa mata ni christa parang focus na focus syang makipagusap kay kenneth, sana ganyan yung mga tingin sakin ni christa
*ringg*
Hay salamat! Naputol nadin ung kasweetan nila este.. usapan nilanf dalawa kasi kanina pako nilalanggam dito! Binalik ko na sa bag ko ung sketch pad at ung pencil naman nilagay ko nalang sa aking bulsa
Tumayo nako at ganon din silang dalawa si christa kinuha na nya mga gamit nya sa lamesa at nagpaalam na kay kenneth "sige bye na bukas ulit ah manlibre hahaha de joke lang haha"
"Sige bye hahahha"
Hindi nako nagsalita pa, tinignan ko lang silang dalawa kung pano magpaalam sa isat isa.. sabay na kaming tatlo lumabas ng canteen si kenneth dumaan na sa ibang dereksyon palayo samin. Habang kami ni christa magkasabay papuntang room
Nang di na namin matanaw si kenneth nginisian ako ni christa at napatingin nalang ako sakanya.. nagtinginan nalang kaming dalawa at nagulat nalang ako bigla nyakong pinalo sa braso at tumalon talon sya na para bang kinikilig "hahaha thank you ian!!" Bigla nya akong niyakap sa sobrang saya nya
Napangiti nalang ako sa yakap nya.. so warm and I like it "for what?"
Bumitaw sya sa pagkakayakap nya sakin "ano kaba? Tinatanong pa bayan?" Sinamaan nya ako ng tingin hahaha ang cute nya talaga "basta thank you! Dahil sayo magkalapit na kami ni kenneth!! Aaahh!!" Tumili sya ng mahina sa sobrang saya
Napatingin nalang ako sa relo ko.. hala late na kami "tara na nga" pagkasabi ko nun naglakad na kaming dalawa patungong classroom namin
Habang naglalakad sya may kasama pang patalon talon ganto talaga mga babae kinikilig noh? Mga abno
---
"Okey class bring out your notebook and copy this module" nilingon ko si christa at nakalabas na agad ung notebook nya at parang may sinusulat sya.. di parin mawala ung ngiti sa mukha nya hay nako baka hanggang ngayon si kenneth parin iniisip nun
Nilabas ko na ung notebook ko at nagsimula ng magsulat
---
Tinignan ko ung oras at nagoover time na kami.. nakikinig lang kami sa teacher naming nagdidiscuss sa harap pero di ko maiwasang tumingin sa labas ng room namin nakita ko si kenneth parang may hinihintay..
Napakunot noo nalang ako.. teka pati ba naman uwian? Luh! nilingon si christa at di nya napansin na nasa labas ng room si kenneth nakafocus kasi sya sa teacher namin
Hayss ikakalma ko nalang ung sarili ko di ako nagseselos!!!
"Okey maglinis na ung mga cleaners.. see you tomorrow class" agad ng lumabas ng room ung teacher namin at lahat kami nagtayuan para lumabas at ayusin ang mga gamit
Inaayos ko palang ung gamit ko lumabas na agad si christa para kausapin si kenneth
Habang naguusap sila sa labas nakatingin lang ako sakanilang dalawa na naguusap.. at ung mga ngiti ni christa hindi peke.. halatang masaya syang kasama si kenneth
Nang papasok na si christa sa room para kunin ung mga gamit nya umiwas nako ng tingin at kunyare nagaayos lang ako ng gamit "ian! Tara sabay ka samin?" Yaya sakin ni christa
Tsk kung pwede lang talaga eh kaso cleaners din ako.. ayoko silang ipaghintay ng matagal ng dahil sakin
"Sige mauna na kayo.. ingat" i smiled at her and she smiled back at me. Tumalikod na sya sakin at lalabas na sana sya ng room pero tinawag ko ulit "christa!" Lumingon sya sakin at tinaas nya ang kilay nya na nakangiti "stay safe kay kenneth ah!" Binaba nya ung kilay nya at ung balikat nya sakin
Tumakbo sya papunta sakin at niyakap ako.. and I hug her back "mabait naman si kenneth eh dont worry ill be safe.." bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at tinapik nya ng dalawang beses ung likod ko at umalis na
Habang palabas sya ng room nakatingin lang ako sa likod nya.. miss ko na agad sya di ko sya kasama ngayon pauwi:< hmm
Tamang sakripisyo lang.. gusto nya eh kahit nasasaktan nako
_END_
hey guys!
Sorry for the late update
I like to thank YourTalkingAngela for this chapter!This chapter is written by YourTalkingAngela
_OneEyedKing_
BINABASA MO ANG
When the Time Comes
Teen FictionThe Unrequited Love Disease is a deadly illness where 1out of 10 population of humans died because of this disease. After unwittingly catching the disease, Ian is given the choice to confess his feelings to Christa... or not to tell her and regret i...