CHAPTER 1

27K 542 27
                                    

A/N: Annyeong~~ 😂 Ang timeline po nito ay halos kasabay lang po sa kwento ni Keith at Mary Grace.😊

CHAPTER 1

“MELODIA, araw- araw ka na yata dito. Baka nakaka- istorbo na kami.” Mahinang sambit ni Nika habang pinapatulog ni Melodia si Reese.

They were friends since college and became closer when Nika applied as music teacher in her academy. Pero sandali lang ito doon dahil lumala ang sakit nito.

“Niks, kailan ba kayo naging istorbo? Saka nami- miss ko si Reese kapag hindi ko siya nakikita.” Sagot niya.

Tipid itong ngumiti. Nanghihina na ang matalik niyang kaibigan dahil sa lupus nito. Lalo itong lumala ng mamatay ang asawa nitong si Fred. Naaawa siya sa anak nitong si Reese.

Reese was a miracle baby. Akala nina Fred at Nika ay hindi na sila magkakaanak dahil sa sakit ng kaibigan niya.

“Mel, can I ask you a favor?” Kapagkuwan ay tanong nito.

Nagkibit- balikat lang siya. “Sure. Ano ‘yon?”

Tumikhim ito. “I’m getting worse every passing day, hindi ko na alam kung bukas magigising pa ako,”

“Niks.” Putol niya sa sasabihin nito. “No. Huwag kang magsalita ng ganyan.”

“Let’s be realistic Mel, we both know na hindi na ako gagaling. Kaya nga hindi na ako nag- stay sa ospital di ba?” Mataman siya nitong tinitigan. “Gusto ko lang sanang hingin sa’yo na kahit ano’ng mangyari, huwag mong pababayaan si Reese ko. Kahit na gusto ko siyang alagaan, wala akong magagawa.” Namalisbis ang mga luha sa mga mata nito. “K-kung s-sakaling ma-mawala man ako, please, ikaw na ang b-bahala sa b-baby ko. Mapapanatag ako kung…kung ikaw ang mag- aaruga sa kanya.”

“Niks naman eh.” Sansala niya. Ayaw niyang naghahabilin ang kaibigan. Masakit pakinggan at mabigat sa dibdib.

“Please, make her feel that she is loved. Ayokong maramdaman niya na mag- isa siya dahil ulila siya. Naramdaman ko ‘yan noon, and that was hell. Oo, inaalagaan kami sa orphanage, pero iba pa din talaga kapag may nakagisnan kang tahanan, hindi orphanage. Ayokong maramdaman din ‘yan ni Reese. Please, Mel. Promise me that you will be there for my Reese. Please?”

“Stop begging, Niks. Alam mong hindi ko rin kayang pabayaan si Reese. And yes, I promise. Hindi ko siya hahayaan sa orphanage. So, please, just be okay. Reese still needs you.”

She timidly smiled. “I’m trying, Mel. But I’m getting tired. My illness is slowly eating me. But I will fight until I can. I promise.”

Inayos niya ang kumot nito habang karga si Reese. “That’s the spirit. Now, sleep and rest.” Inilapag niya si Reese sa tabi nito na mahimbing ng natutulog. “Dito lang ako sa sofa.”

Nahiga na siya sa sofa at pinatay na ang ilaw. Tanging dim light lang malapit sa pinto ang natirang nakabukas. Tinanggal na rin niya ang salamin niya.

Nahiga siya sa sofa at humarap sa mag- ina na nasa kama. Hindi niya lubos maisip kung bakit ito pinagdadaanan ng kaibigan niya.

“Nga pala, Melodia.” Tawag sa kanya ni Nika na hindi pa pala nakatulog.

“Yes?”

“Nagtanong sa’kin si Andre kanina kung pwede daw ba kayong mag- usap. Ibibigay ko sana ang number mo sa kanya, okay lang ba?”

Kumunot ang noo niya sa narinig. “Tungkol saan ba ang pag- uusapan namin?”

“Ayaw niyang sabihin sa’kin eh. So, okay lang ba? Ibibigay ko bukas sa kanya ang number mo kung papayag ka.”

Branded Series Book 2: Melodia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon