CHAPTER 16HALOS PALIPARIN ni Andre ang Maserati niya pabalik ng Manila. His mom is in the hospital! Buti na lang at nagpatuloy sa pagkalap ng impormasyon si Jiro kaya nalaman nitong nasa ospital ang mommy niya.
“Dada..” Narinig niyang tawag sa kanya ni Reese mula sa back seat kaya nahimasmasan siya at bahagyang binagalan ang pagmamaneho.
Nakalimutan niyang may kasama pala siyang bata.
Hinawakan ni Mely ang kamay niya. Hindi ito nagsalita pero kahit papano ay kumalma siya.
Pagdating sa ospital, agad siyang nagtanong sa information at sinabing nasa private room na ang mommy niya. Naiwan naman sa kotse si Mely dahil tulog si Reese.
Tinakbo niya ang kwartong sinabi sa kanya at ganon na lang ang gulat niya nang makita doon ang papa ni Mely na nakaupo sa upuan katabi ng hospital bed. Walang malay ang mommy niya.
“Mr. Lopez?” Puno ng pagtataka ang mukha niya. “Bakit.. ano’ng..” He can’t make a decent question.
Tumayo ito at tinapik siya sa balikat. “Na- mild stroke ang mommy mo.”
Hinawakan niya ito sa braso. “I need an explanation kung bakit kayo po ang nandito.”
Kaya pala wala ito sa Obando pagkatapos ng parada.
“Saka na. Iwan muna kita at ang mommy mo. Sa labas lang ako.”
“Nasa parking lot si Melodia.” Imporma niya. “Maybe she deserve an explanation, too. Hinahanap ka niya kanina pa.”
Bumuntong hininga ito at lumabas na ng kwarto.
Gulong- gulo ang isip na lumapit siya sa mommy niya. Hinawakan niya ang kamay nito. “Mom..”
Pinakatitigan niya ang mommy niya. Hindi gaanong tumanda ang mukha nito. Just a little bit of wrinkles and white hairs. Maganda pa rin ang mommy niya. Pero parang sinasakal siya nang maalala ang impormasyong nalaman niya mula kay Jiro. Nakulong ito ng limang taon at dahil wala itong mapasukang trabaho kahit pa tapos ito ng kolehiyo, namasukan itong katulong ng tatlong taon at naging janitress paglabas nito sa kulungan.
“Mom… Wake up.. Dito na ako.” Umupo siya sa upuan sa tabi na hospital bed at hindi binitawan ang kamay nito.
Hindi na niya napigilan ang mga luha niya. “I miss you, mom. Sorry, ngayon lang ako dumating.”
Napayuko siya sa kama habang umiiyak nang maramdaman niyang may humaplos sa buhok niya kaya mabilis siyang nag- angat ng tingin.
Nakangiti ang mommy niyang nakatitig sa kanya.
“Mom!”
“Andre. Baby ko.”
Tumayo siya at niyakap ang mommy niya. “Mom! Thank God you’re awake.” Tinitigan niya ito. “May masakit po ba sa inyo? May gusto po ba kayo? Kamusta ang pakiramdam niyo?”
Mahina itong natawa. “Ayos lang ako.”
“Tatawag lang ako ng doctor.” Aniya at tumakbo palabas para ipaalam na gising na ang mommy niya.
NAG-AALALA SI Melodia na palakad- lakad sa harap ng nakabukas na kotse ni Andre. Sana ayos lang ang mommy nito. Kagat- kagat niya ang kuko niya sa daliri habang naglalakad nang makita niyang lumabas ang papa niya.
Bakit nandito ‘to?
“Pa!” Kuha niya sa atensyon nito.
Agad itong napabaling kanya at naglakad palapit.
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 2: Melodia (COMPLETED)
RomansaWhen a baby plays cupid, can you resist it? SPG WARNING/ R-18