Chapter III

2.9K 51 2
                                    

"Bahay mo 'to?" tanong ni Aeon. 

Hindi kasi siya makapaniwala na ganito kalaki ang bahay ng lalaki. Frankly saying, hindi mukhang mayaman ang lalaki. Palihim siyang tumingin sa lalaki. Napaka-simple lang kasi nito manamit. Although nakikita naman niya na maganda ang kutis nito ... Napapikit siya at napailing-iling. Kung saan-saan na kasi nanaman naglalakbay ang mga mata niya. It's not that this is the first time she sees a handsome man, but Chuck's sight is so pleasing. Also, he looks intelligent. Hindi kagaya ng ibang mga kalalakihan na kilala niya na kaedaran niya lang. Maganda lang ang katawan ng mga iyon pero hindi naman gwapo. Unlike the man before her - matipuno na parang character sa mga nobelang nababasa niya. 

Hindi niya akalain na may ganitong lalaki sa totoong buhay. And here she thought chivalry is dead ... there she met Chuck. Biglang pumasok sa isipan niya ang sinabi nito.

'You look like some lost rich kid on the road.'

Dahil ba mukha siyang rich kid kaya siya nito tinulungan? May posibilidad kaya na naghihintay ito ng pabuya mula sa pamilya niya? Maybe he doesn't know her, yet he gambles the possibility that he can use her. She cuts her thoughts off. Sa ngayon ay hindi niya muna dapat iniisip iyon.

Humugot siya ng buntong-hininga at ibinaling na lang ang tingin sa kabahayan. Halos mamangha siya sa disenyo ng bahay na bagama't contemporary lang ay lutang ang karangyaan. 

Nakahilera naman ang mga katulong nito sa bukana ng spiral stairs nito. Lahat ay nakatingin sa kanila at nakangiti. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang mga uniporme ng mga ito - gaya ng mga maid sa kanila. 

Kung ikukumpara sa mansiyon nila sa Cebu ay natitiyak niya na mas maliit lang ito ng kaunti. And to think na pag-aari ito ng lalaki, this man must be really something. 'Di bale, malalaman niya rin ang source of income nito. Natitiyak niya kasi na medyo magtatagal pa siya rito.

Nakumbinse rin siya na hindi nga talaga siya nito kilala. He didn't give any slightest glint of recognizing her. At mukhang wala rin itong interes na kilalanin siya maigi. Sa buong byahe kasi ay ni isang tanong tungkol sa pagkatao niya ay 'di nito tinanong. Well, nagtatanong pala ito noong una pero hindi niya sinasagot. Kaya marahil ay hindi na ito nagtangka pa muli. Sumama siya rito para may matuluyan siya pansamantala tutal naman ay nag-alok ito ng tulong sa kanya. And besides, her instincts are telling her that she can also have a good use of him.

"Ikaw lang ang mag-isa rito?" patuloy na tanong niya habang iginagala ang mga mata sa buong kabahayan. "Besides your maids." dugtong niya. Marahil ay inaakala nito na namamangha siya sa bahay nito. Kung alam lang nito na sa ganito rin siya nakatira pero syempre, 'di niya sasabihin.

"Yes. I bought this last month to get away from my parents," sagot nito.

Mabilis siyang napatingin dito.

"Tumakas ka rin?" tanong niya. If they are in the same shoes, that is the reason he can relate on her. Tila na-justify ng ginawa nitong pagtulong sa kanya. Sa dami ng gumugulo sa isipan niya, hindi niya alam kung ano na ang paniniwalaan niya.

Ngumiti ito. "No. Gusto ko lang huminga sa pangbubuyo ng magulang ko na magpakasal."

'Just like her,' sa isip niya. They have both escaped from their fate. But the man can handle his situation well enough to not worry. Mabuti pa ito ay may kalayaan kahit papaano. May alam kasi ito sa pagnenegosyo, habang siya ay wala. Sana ay nag-aral din siya kahit kaunting kaalaman. Matuturuan naman siya ng Kuya Ryukah niya. But then, she spent most of her time reading books and watching films. Nagba-bar din naman siya paminsan-minsan kapag kasama ang mga pinsan. She is a stagnant woman clinging to her family's fortune while dreaming her own fate. Pero ngayon? Her fate is being controlled and has been decided by her father. May magagawa ba siya? May nagawa ba siya kung hindi tumakas?

Vows with LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon