Chapter XI

2.3K 41 1
                                    

"Good afternoon sir!" bati ni Mia na napatayo sa kinauupuan. Bakas ang kaba nito na napatingin sa kanya. Napatingin din siya sa babae na tila nanghihingi ng tulong kung paano siya magpapaliwanag sa lalaki.

Mahigpit kasi na bilin ni Chuck na bawal siyang gumawa ng kahit anong gawaing bahay dahil ayon dito ay bisita siya.

Pero heto siya, naabutang masayang naglalaba. Hindi niya alam kung anong oras na pero batid niya na hapon na base na rin sa araw na nasa kanlurang bahagi na. Hindi niya naiwasan na mapakagat ng ibabang labi. 


Tumayo rin siya at binati rin ito.

"Good afternoon," nakangiting bati rin niya. "May nakalimutan ka?" maang na tanong niya pagdaka.

Maaga kasi itong umalis kanina. Nananghalian lang yata. Ilang oras pa lang yata ang nakakalipas ng bumalik ito. Inaasahan niya kasing babalik ito ng gabi na kaya nagpakakampante rin siya sa oras.

Hindi ito sumagot. Napa-arko ang kilay nito pagdaka'y napadako ang tingin nito pababa sa braso at kamay niya. Sinundan niya rin ang tingin nito. Bahagya niya pang itinago ang braso sa likod nang makitang puro sugat ito.

Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis nang muli itong tumingin sa mukha niya. Ngayon ay nakakunot na ang noo nito. Muli silang nagkatinginan ni Mia. Napayuko na lang ang babae pagkatapos. Pwede naman siguro niyang ipaliwanag sa lalaki sa siya naman ang nagpumilit na tumulong dahil bored siya.

Tama. Bored siya. Nabasa na niya ang lahat ng librong binigay nito. Nagsasawa na rin naman siya manuod ng Netflix. Ayaw na rin naman niyang humiling dito na mamasyal nang mamasyal. Kritikal ang sitwasyon niya. Baka matagpuan nanaman niya sina Dino sa daan. 

Batid niya rin na may haka si Dino na siya ang babaeng kayakap ni Chuck. Tiyak na nakapag-report na ito sa ama. At tiyak na gumagawa na ito nang aksyon upang makuha siya. 

"Pwede ba kitang makausap, Aeon?" mas pautos na sabi ni Chuck kaysa patanong.

"Okay," Bumaling siya kay Mia. "Saglit lang ha? Babalikan kita." Lumakad na siya papunta sa lalaki.

Nabigla pa siya nang hinablot siya sa braso ni Chuck papunta sa sala. Pagkapasok ay pabalibag siya nitong iniupo sa sofa.

"Ano ba?" inis na tanong nito. 

"Anong-ano ba?" naguguluhang tanong niya - kahit pa alam naman niya ang tinutukoy nito.

"Bakit ka gumagawa ng gawaing-bahay? Hindi ba binilinan na kita? Binilin ko na rin 'yan sa mga tao rito."

"Don't blame them. I forced them to let me help them. Wala lang silang magawa," kaagad niyang sabi upang mailigtas sina Mia. Which is totoo naman dahil siya naman ang nagpi-prisinta na tumulong. Kung alam lang ng lalaki kung bakit kailangan niya itong gawin.

"Should I lock you up in your room then?" tanong nito sa mahinang boses. Nakikita niya na kinakalma lang nito ang sarili.

Naalarma siya sa gusto nitong gawin. It can't be! Paano siya makakatakas kung ikukulong siya nito.

"Wala kasi akong magawa. You should understand me, Chuck. I have nothing to do here," pangangatwiran niya. "And besides why would you lock me? Para hindi ako makatakas at maibigay mo ako kay daddy anytime?"

Sinubukan niyang i-reverse psychology ito. Although, her last statement might be possible - kung gugustuhin ni Chuck.

Hindi ito nagsalita. Tahimik lang siya nitong tinignan. Maya-maya pa ay humugot ito ng buntong-hininga. Pumunta ito ng kusina at kinuha ang first aid kit.

Vows with LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon