Chapter V

2.5K 51 3
                                    

Abala sa pagbabasa ng diyaryo si Aeon nang may marinig siyang ugong ng sasakyan. Alam niyang si Chuck iyon. Mula sa kinauupuan ay tumanaw siya sa bintana. Nakita niya ang kakaparada lang na sasakyan ng lalaki.  Hindi niya mawari kung bakit bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang lalaki na lumabas ng sasakyan.

Mabilis niyang iniiwas ang tingin at itinuon ang atensyon sa hawak na pahayagan. Kanina pa siya sa pahina ng classified ads. Tumitingin siya ng mga trabahong kahit kaunti ay may kaalaman siya. Subalit wala siyang makita. Sa dami ng nakalagay na job opening ay ni isa ay wala siyang alam gawin.

Napabuntong-hininga siya. Hindi pa sapat ang natutunan niya ngayong araw para makakuha ng trabaho. Tinuruan siya ni Inang Nita kung paano maghugas ng pinggan at kung paano magwalis-walis sa palikuran. Ani ng matanda ay gagawin nila muli bukas iyon hanggang sa matutunan niyang gawin.

Tuluyan nang nawala ang konsentrasyon niya sa ginagawa nang marinig ang mabibigat na yabag ng sapatos. Alam niyang si Chuck iyon na papasok. Hindi nga siya nagkamali ng pumasok na ito sa salas.

Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Nagkunwari siyang abala sa pagbabasa at hindi napansin ang pagdating nito.

"Hi, Aeon! Kamusta na?" bati nito na nakangiti. Kaswal niya itong tinignan.  Pinipilit nitong ngumiti kahit na halata ang pagkapagod sa mukha.

"Okay lang," tugon niya. Ibinaba niya ang hawak at tumingin dito. "Ikaw? Halatang pagod ka ah?"

Alas-singko na nang hapon. Bahagya na ring madilim sa kapaligiran. Abala noon ang lahat ng katulong sa pagluluto ng hapunan.

"Nag-job opening kasi ang kompanya namin ngayon. Nangailangan kami ng three hundred six workers, kaya madaming nagdagsaang job seekers."

Dumiretso ito sa three-seated sofa na kinauupuan niya at umupo sa kabilang dulo.

"Job opening?" ulit niya na humarap ng upo rito.

Tango lang ang itinugon nito sa kanya. Pabagsak itong umupo sa sofa at sumandal. Napatingala ito at napapikit. Talaga nga yatang napagod ito sa ginawa.

"Kumpleto na ba kayo? Hindi na ba kayo nangangailangan?" sunod-sunod niyang tanong dito na tuluyan nang binaba ang diyaryong hawak sa center table.

Wala naman siyang makitang trabaho na akma sa kanya. Subalit kung sa kompanya siya ng lalaki papasok, marahil ay may tsansa siya na matuto pa ng ibang trabaho. At isa pa, ito ang isang paraan para makilala pa ito ng lubos. Alam niya na matuturuan siya nito.

Nais sana niyang tanungin ang lalaki kung nagmamay-ari ito ng isang kompanya o sadyang parte lang ng management team. Nahihiya naman siyang magtanong dahil baka isipin nito ay inteteresado siya malaman kung mayaman ba ito o hindi. That makes her look like a gold-digger.

Umaasa siya na makakapagbigay si Chuck sa kanya ng trabaho na naaayon sa kakayahan niya. Dahil sa tingin niya ay may posisyon ito sa kompanya.

Nag-angat ito ng ulo at tumingin sa kanya.

"Bakit? Balak mong mag-apply?" tanong din nito.

"Oo. Kung may bakante sana. I'm willing to be trained," walang gatol na sagot niya. She shows him her enthusiasm to convince him to hire her. Sana lang ay maging epektibo.

"What's your job specialty?" tanong nito na umahon sa pagkakasandal at tumingin sa gawi niya. Ngayon ay nasa kanya na ang buong atensyon nito.

Bahagya siyang nag-iwas ng tingin at hindi naiwasang mapalunok. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nailang. Dahil ba nakatingin ang lalaki sa kanya? Hindi niya alam. O baka dahil tinatanong nito ang kakayahan niya?

Vows with LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon