Simula
One Sided
Nagliligpit ako saking gamit at nong natapos na ako, lumabas na ako saming classroom. Nong naka limang hakbang palang ako papalayo sa classroom namin narinig ko agad na may sumigaw sa pangalan ko.
"Clare!" Bumaling ako sa kung sino yun, at nakita kong si Mira lang pala at sa likod nya ay si Nika na tumatakbo papalapit sakin.
"Clare! Uuwi kana?" Hinihingal na tanong ni Mira. Kumunot yung noo ko sa mga inaakto nila, bakit parang nagmamadali sila? at kitang-kita ko sa mga mukha nila yung pagka-praning.
"Oo, hinihintay na ako ni manong."
"Ahh ganon ba, san ka dadaan?" Tanong ni Nika na parang hindi mapakali.
"Sa 1st gate." Pagkasabi ko palang non bumilog agad yung mga mata nila.
"Wag! A-ah, I mean sa 3rd gate nalang tayo!" Hinigit nila ako pa-opposite sa dapat kong dadaanan. Nagugulohan talaga ako sa mga inaakto nila kaya naman hinigit ko yung kamay ko sa kanila.
"Sandali nga! Bakit bawal sa 1st gate?" Wala ni isa sa kanila ang sumagot kaya naman tumakbo ako patungo 1st gate at mas binilisan ko pa nong narinig ko yung mga tawag nila.
Nong dumaan ako sa quad nakita kong maraming tao ang nandon at parang may pinapalibotan..
"Clare!" Narinig ko yung tawag nila Mira at Nika pero natakpan agad yun ng mga tili'an ng mga tao, kasi sumiksik na ako sa mga tao dun.
Nong nakita ko na ng mabuti ang mga nangyari parang gumuho yung mundo ko.
My long-time-crush Kyrious hugging a girl, at nakita ko sa likod ni Kyrious ang mga salitang 'Will you be my girlfriend?'.
Kaya pala ayaw nila Mira at Nika na sa first gate ako dadaan kasi masisilayan ko 'to. They know that I strongly like Kyrious since the first day I layed my eyes on him and that was 5 years ago. And no doubt he's the only guy I'ved admired eversince. Tho walang kami pero napakasakit tignan, na may iba syang babaeng gusto at hindi ako yun, at hinding-hindi magiging ako yun.
Naramdaman kong uminit yung mata ko. Kaya bago pa bumagsak yung luha ko, lumabas na ako at tumakbo papalayo sa kanila. Narinig ko yung tawag nila Mira pero hindi ko nalang pinansin yun at mas binilisan yung takbo ko.
Tumulo na yung luha ko pero wala na akong paki-alam, wala din namang makakakita sakin kasi busy sila sa panunuod ng "proposal" ni Kyrious.
Pero nagkamali pala ako, may naka bangga akong lalaki sa hallway! Tumingin ako sakanya pero hindi ko naklaro yung mukha nya 'cause my vision is blurry because of my damn tears!
"Sorry." Sabi ko sabay yuko at mabilis na nilagpasan sya at pumunta na sa 1st gate. Wala na akong pake kung sino yung nakabangga ko, basta all I need to do right now is just escape.
Run and escape..
YOU ARE READING
Inevitable Fall
RomansaSa langit, nakikita natin ang magagandang kislap ng mga bituin at tila inaagaw ang ating mga atensyon. Kung gaano natin ito kagustong abutin, pero pano yun? Kung isang milyong milya ang layo natin? Magiging kontento ba tayo sa hanggang tingin lang...