CHAPTER 5~This is the beginning

27 1 0
                                    

late ang update ko. haha. busy much e. haha. SALAMAT much sa mga nagreread pa neto. hehe. :)

osya. eto na ang update. :p

--------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 5~This is the beginning

~Chie's POV

hay. first day class pa lang dami ng nangyare samin ni bhezy. kala ko pa naman, mga 1 week pa bago kami magkakaroon ng close friend dito kaso ayun nakilala namin si jester at pati yung red na yun.

at eto namang bhezy ko sobrang angas. takot na kase syang makita ng iba ang kahinaan nya.

oo, takot sya. panu ba naman, sobrang dramatic ang life ng bhezy kong yan. galing sya sa isang simpleng pamilya, hindi mahirap, at hindi rin mayaman ang katayuan nila sa buhay. nagiisang anak lang sya kaya talagang mahal na mahal sya ng mga magulang nya. pero isang araw...

-- FLASHBACK

high school kami nun nung may nangyaring masama sa papa nya.

"alam mo ba bhezy, grabe talaga yung itsura ni sir kanina. haha. laughtrip lang shet! haha. " sabi ni blue sakin habang naglalakad kami pauwi galing school noon.

"oo nga e. haha. grabe langss. haha." sagot ko naman sakanya at nagtatawanan na kaming dalawa.

"tapus eto pa, yung--" naputol yung sinasabi nya nung biglang nagring yung cellphone nya. tumawag ang mama nya.

"oh ma! bakit napa--" putol nya.

"anu!! bakit?! anu nangyare? sige sige. papunta na po ako dyan!" dugtong nyang sinabi.

"blue anung nangyari?!" taranta kong tanung sakanya. grabe. nagalala ako sa itsura nya. talagang takot na takot sya. paiyak na nga e.

"si papa, chie. hik! si papa! huhuhu. hik!" sabi nya habang umiiyak. oo, tuluyan na nga syang umiyak. hayss.

pagkarating namin sa ospital, nakita na namin ang mama nya na taimtim na nagaantay sa dun sa corridor.

"ma! anung nangyari? kamusta na daw si papa?" nagaalalang tanung nya.

"di ko pa alam anak. basta bigla na lang syang nahimtay kanina. inaantay ko ang doktor para sa resulta." sagot naman ng mama nya na naiiyak pa.

maya maya, lumabas na ang doktor.

"mrs. lim, ok na po ang mister nyo. kaya lang di pa sya nagising. at inatake po sya ng sakit sa puso, kalahati po ng katawan nya ay paralyzed na ngayon. kaya po ingatan nyo po sya. " sabi ng doktor at umalis na rin naman agad.

para namang binagsakan ng mundo si blue noon. kahit na sinabi ng doktor na okay na ang papa nya, di pa rin mababago na paralyzed na ang papa nya.

-- END OF FLASHBACK

at magmula nga noon, lage na lang syang malungkot at problemado. hanggang sa pinilit nyang maging malakas sa paningin ng iba, at para di rin panghinaan ng loob ang mama nya.

~Jester's POV

economics class namin ngayon. hays. boring lang, boring lang talaga sagad. yung iba ko ngang classmate, nagdadaldalan na lang e.

at ang pinaka malupet, si blue. grabe, ang sarap ng tulog nya. kulang na lang humilik na sya e. tsk. kakaiba talaga tong babaeng to. weirdo din e. -___-

"MS. LIM!!" naku patay! nakita na sya ng prof namin na natutulog.

lagot ka talaga ngayon blue. anu kya gagawin nya?

blue meets redTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon