Chapter 1: Aica

346 8 2
                                    

-charbux-

Anung petsa na ba? Nasa isang maliit akong coffee shop ngayon at hinihintay yung tropa ko. Male-late na naman kame sa raket namin dahil sa kanya. Buti na lang at hindi ako mahilig sa kape at mabuti na lang kilala ko si Aling Charito na may-ari ng coffee shop na ito. Sa totoo lang ako ang nagpangalan dito na CharBux para sosyal pakinggan hehe. So ayun na nga, hinihintay ko si Pete, pupunta kase kame sa Divisoria para bumili ng raw materials para sa raket namen. Meron kase kaming Online Souvenir Shop at meron kaming kliyente na ikakasal na next week. Ngayon din namin immeet yung kapatid ng ikakasal para mapag-usapan yung transaksiyon kaya hindi kami pwedeng ma-late! Since sa Manila nag-aaral yung kapatid ng kliyente pumayag siyang sa Lucky China Town Mall na lang kami magmeet.

Pasado 12 ng tanghali na at wala pa rin si Pete, nasaan na kaya yun? Pagdungaw ko sa labas ng coffee shop, nakita ko si Pete at ang GF niyang si Sara na nagmamadaling tumatakbo papunta dito.

"Sorry Rain! Nahuli ako ng dating, eto kasing babaeng toh ayaw pang sumama." sabe ni Pete habang hingal na hingal.

"Eh baket mo nga ba sinama si Sara? Anu toh The Voice at kelangan mo si Coach?" at nagawa ko pa talagang magbiro kahit late na kame. Hindi ko kase magets kung baket kelangang kasama ang babaeng ito.

"Hindi ko ren alam diyan sa lalakeng yan. Wala naman sa usapan na kasama ako ngayon." hingal na sabe ni Sara saken.

"Adik ba kayo? Babae yung kapatid nung kliyente naten diba? Tapos tayong dalawang lalake ang kakausap? Baka mailang saten yun!" pasigaw na hirit ni Pete kaya nagtinginan yung mga tao sa shop.

"Hmmmn, may point ka eh! Pero umalis na tayo baka di tayo umabot sa pinagusapang oras." sabe ko habang iniisip yung sabe ni Pete. Ngayon lang kase kame kakausap ng kliyente ng personal at babae pa. Madalas kase Bank Deposit lang ang pinapagawa namin dahil ONLINE SHOP nga diba? Ewan ko ba kung bakit gusto makipag meet ng kapatid netong kliyente ko.

-----

-lucky chinatown mall-

Maigi na lang at nakarating kami dito on time. Pero ang malala nito, yung kapatid nung kliyente yung late. Baket ba lagi na lang akong pinaghihintay ng mga tao? Di ba nila naisip na sayang ang oras? Napaka-particular pa naman ako sa oras kase ayokong nara-rush. Nakakainis kase yung nappressure ka dahil wala ng time. 1PM kasi ang usapan pero 2:48PM na wala pa rin siya. Ang huling text pa ay 1:30PM na nagsasabing MALE-L8 AQ. Peste eh late na kaya siya, tapos male-late pa lang daw? 

Nakatunganga lang ako habang pinagmamasdang maglampungan itong magsyotang ito. Minsan parang naiinggit na ako eh. Minsan naiisip ko sana ako na lang ang minahal ni Pete... CHAROT! Actually Bestfriends ko na ang dalawang ito since Grade School. Crush ko si Sara pero matagal na niyang gusto si Pete. Nung 2nd year sa High School, sabe ni Pete na parang nagugustuhan na niya si Sara kasi nagdadalaga na. Eh ayun, naging sila the same year. Kung ako ang tatanungin, nanghihinayang ako kase lalong gumanda si Sara ngayon lalo at natuto na siyang mag-ayos. Kung tutuusin sa tingin ko mas-guwapo at matalino naman ako kesa kay Pete pero ok na ren atleast masaya sila. Medyo bitter lang ako ng very very light.

I checked my phone at nag-open ng wattpad library ko, binabasa ko yung My Imaginary Love eh astig kase yung story nakakainlove. Hanep naman talaga si Author ee, naisingit pa yun. Nung pagcheck ko, wala pa ren yung special chapters na hinihintay ko. Nagdesisyon akong uminom na lang ng coke sa sobrang boredom. Sakto namang lulunukin ko na eh biglang may sumigaw...

"IRINEO!!!!!!!!!!!!"

WTF! Lumabas sa ilong ko yung iniinom kong coke! Angsakit badtrip! Sino naman ang sisigaw ng mabantot kong pangalan sa gitna ng maraming tao?

In a Split of a SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon