Chapter 5: The Gift

227 7 1
                                    

-sa isang isla-

*day 3

Hindi ako naktulog kagabi dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko. Anghirap naman ng ganito, yung OFFICIALLY kayo na... ANG MAGBESTFRIEND. Nakakaloko lang pero at the back of my mind I am saying na sana higit pa dun ang marating ng relasyon namen. Lalo lang madadagdagan yung awkwardness ng lahat. Hangga't maaari parang ayoko na muna siyang lapitan masyado kase baka lalong lumalim yung feeling. I am praying na sana lumipas din toh at sana infatuation lang ang lahat. I am trying to act as normal as possible. Pero useless din kase tulog pa siya. Malayo ako sa kanya pero siya lang naman din ang iniisip ko kaya bale wala lang ang ginagawa ko ngayon.

"GOODMORNING!!!!"

"AY JUSRIO DE LATA!" ang-aga namang manggulat ng babaeng ito. Hindi ko siguro napansin na nagising na siya dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Bespren, do you wanna build a snowman?" anu daw? Anung trip toh?

"Adik lang? Asa isla tayo, alang snow. SANDMAN pwede pa!" at nangiti siya sa idea ko. Gets ko na, gusto nga niyang gumawa ng SANDMAN.

"Hihihi, alam na agad niya... Bespren talaga kita, magka-wavelength tayo!" then she grabbed my hand at hinila papunta malapit sa shore. 

Noong una, inaatake pa ako ng katamaran pero nung nakikita ko na nag-eenjoy siya sa ginagawa niya, for some reason, nageenjoy na ren ako. Anggaling nga ee, para kameng nagcoconstruct ng sand castle pero ang inaachieve niya ay isang sand structure na kamukha ni Olaf. Maigi walang carrots dito kundi napagtripan pang ilagay yun as ilong nung sandman kesa maging pansahog sa ulam mamaya. Habang magkatulong kaming nagkokorte ng basang buhangin, di talaga maiwasang magkabunggo ang kamay namin. Nakakainis yung ganito, konting skin contact lang naiilang na ako. Spell AWKWARD!!! Hindi ko pinapahalata pero alam ko na iba na ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi lang ako sigurado kung LOVE ba ito. Umaasa akong lilipas din ito kaya hindi ako masyadong magpapaapekto.

"Natapos naten bestie! Angsaya ko!" sabay yakap na naman sa aken ng babaeng ito. Masyadong mahigpit yung yakap. Oo na, inaamin kong gusto ko ang nangyayari ngayon at talagang humihiling na ako na wag na siyang bumitaw.

"Siyempre bestie, gawa yan ng magagaling na artists kaya malamang sa alamang na masterpiece ang lalabas diyan." sabe ko habang aktong kumakalas na sa pagkakayakap niya pero imbis na mag let-go ay lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya sa aken. Grabe naman, papaano namang mawawala ang kakaibang nararamdaman ko ngayong lalo niya pa akong tinutulak para mahulog sa kanya.

"Kung alam mo lang kung gaano ka-memorable sa aken ang araw na ito bestie. Sobrang naging masaya ako dahil naranasan ko yung mga bagay na hindi ko talaga naisip na gawin before." sabe niya at nagsimula nang pumatak ang mga luha niya. Alam ko namang tears of joy yun kaya hinayaan ko na lang siya.

"Ako ren naman best, naranasan ko ngayon ang never ko pang naranasan ever." yun ay ang mainlove. Pero hindi pa ako sure, ayokong masaktan. Ayoko reng makasakit kaya kailangan kong makasiguro. Kapag sure na sure na, sasabihin ko sayo at sana sa panahong iyon, pareho tayo ng nararamdaman para sa isa't isa.

"Tara bestie, magswimming naman tayo. 3rd day na ngayon kaya sulitin na natin!" may point naman siya, sa ilang araw namen dito di talaga kame nag-attempt na magswimming. Kung itatanong niyo kung baket yun ay...

-sa medyo malalim na part ng dagat-

"AICA!!! BUMALIK NA TAYO! MALALIM NA DITO OH!!!" sobrang nerbiyos ko habang nakakapit lang ng mahigpit sa braso ni Aica.

In a Split of a SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon