Carley's POV
Pagkatapos naming magkabanggaan ni Zeyd kanina ay naglakad na ako papunta sa locker ko ng biglang may nakabanggaan nanaman ako, babae naman.(Ano toh? Araw ng banggaan?)
Diretso lang syang naglakad ng animo'y walang nangyari, nasigawan ko sya ng bigla.
"Sorry ah!" ani ko
"Ayos lang." nakakabuwisit na sabi nya ng may kasamang ngisi
Binuksan ko ang locker ko, kinuha ang libro ko, ikinandado iyon at umalis.
Pumunta na ako sa next subject at parang itinadhana na magkatabi kami ni Ms. Yabang, at dahil wala nang ibang bakanteng upuan, napilitan na akong pumwesto sa tabi nya... Ang daldal ng isa pang katabi nya, bestfriend nya ata yon?
Tumunog na ang bell, which means Lunch Break na, nagmadali akong pumunta sa Science Lab para mag-Last-Minute Preperations para sa ipapasa kong project mamaya nang biglang...
"BAAM!!"
Biglang may lumagabog sa labas ng Science Lab, lumabas ako para tingnan ng nakita kong binubugbog ni Zeyd ang babaeng mayabang, puro pasa na ang mukha nito at may dugo na sa kanyang labi, nagdalawang-isip ako kung tutulungan ko ba sya o hahayaan nalang na bugbugin sya ni Zeyd. Napilitan akong saluhin ang susunod na sapak ni Zeyd at bigla syang nagulat! May dugong tumulo sa labi ko at bakas sa mukha ko ang kamao nya.
"Oh f*ck, Carley, I-I'm sorr--" di na nya natapos ang sasabihin nya nang bigla ko syang sampalin.
"You piece of sh*t! Pati babae papatulan mo?!" natahimik syang bigla nang magsalita ako. Tinalikuran ko sya at pinunasan ang dugo sa labi ko.
"Let's go." sabi ko sabay hatak kay Ms. Yabang.
BINABASA MO ANG
Road To Forever
RomanceNagsimula lang lahat sa isang araw, ang araw na nagpabago sa buhay nila Scarlet Gonzales at Zeyd Montefalcos.