CLARIFICATIONS TUNGKOL KAY CECELIB

570 9 1
                                    

Cecelib : Totoo 'to, wala talaga akong work 😅
Hindi po ako nurse, hindi rin po ako kindergarten teacher or teacher sa elementary or secondary. Hindi po ako nagtuturo. Seeing my sister na super stress sa dami ng ginagawa ng teacher, medyo may pag-aalilangan akong pasukin ang mundong 'yon. Kailangan passionate at dedicated ka sa pagtuturo para makaya mo. Kaya saludo ako sa mga Teacher eh 💪🏻
Yes, I'm an LPT pero hanggang doon lang ako sa ngayon. Wala pa po akong balak na mag turo.
Ang gusto ko talaga ay 'yong magsulat ng magsulat ng magsulat ng magsulat ng maraming-marami. Doon ako masaya eh.
And for those who are asking, yes po, BSBA Major in Management Graduate po ako. 2012 ako nakapagtapos. Then i started my carreer in writing way back 2013. At nuong 2014 yata 'yon, kumuha ako ng TCP (Teacher Certificate Program) and nag-take ako ng exam nitong 2018 lang 😅Tinamad kasi ako. Buti naawa ang maykapal sa akin 🙏🏻
Since 2012, nagsusulat na ako. My first ever finished story is "JUST ONE NIGHT" Hindi ko alam kung nabasa niyo na 'yon. Nasundan ng "LOVING AN ASSASSIN" and then "THE FALLING SERIES"
First pasok ko sa mundo ng mga berde ay ang "ONE NIGHT WITH MY BOSS" yan ang debut ko sa
Gen Fic. Saka sinundan ng "MINE"
Tapos nabuo ang "MEN IN TUX" na sa Gen Fic. Tapos sabi ni friend, parang hindi bagay yong Series name sa kaberdehan na binabalak ko kaya doon nabuo ang "POSSESSIVE SERIES" 💕
Sinulat ko ang PS1: Tyron Zapanta habang sinusulat ko rin noon ang Creed's Lover. 😅 2015 yata 'yon.
Ilang taon na rin pala ang lumipas. From 2013-present. Pero 2014 ang nag wattpad.
P.S. Magkaiba po ang Just One Night at ONE NIGHT WITH MY BOSS 😅
Nasaan na kaya yong Just One Night na 'yon?.
CeCeLib: Dati kong work ay sa Hospital pero hindi Nurse ☺️Nasa Philhealth ako before. LPT ako pero hindi po ako nagti-teach.
As of now, no work ako kasi gusto ko munang mag focus sa pagsusulat.
Pero huwag niyo akong tularan na walang trabaho.
Sino raw ang (pinaka)mayaman sa PS Men? 😂
Syempre ako, ako ang ina ng mga 'yan eh 😅 Kung hindi dahil sakin, wala silang kayamanan, ui! 😅 Kaya manahimik sila. Kaya ko silang tanggalan ng yaman sa pamamagitan lamang ng isang paragraph 😂
Kidding aside, ayokong lagyan ng labels. Tingnan niyo si Lysander, iba siya kasi may label at napapahamak ako kasi palaging 'yon ang bukang-bibig ng ibang mambabasa. Kesyo size na ganito at ganiyan kaya yong ibang hindi pa nakakabasa ng gawa ko, hinuhusgahan kaagad nila ang buong kuwento.
Pero please lang po, refrain from posting or commenting about sa size ni Lysander bebe kasi nagba-backfire siya palagi sakin.
Lahat ng sinasabi niyo (tulad ng alagad, XL, 9 inches o kahit na ano pa na negatibo sa pandinig at mata ng iba, sakin ang bagsak niyan at ako ang bina-bash)
Hindi ba puwedeng si Lysander ay kilalanin natin bilang tamad na boss at nagmahal sa tent? Si Evren, puwede bang hot na drummer at Atty. na mahilig mag sue?
Minsan kasi naiisip ko kung may sense ba ang sinusulat ko kung ang nakikita naman ng iba ay 'yong kaberdehan lang ng kuwento. Hindi niyo ba nakikita yong, pakikipaglaban, hindi pag-urong sa hamon ng buhay, paghihintay ng tamang panahon, pagmamahal sa kaibigan, etc etc etc?
O baka talaga wala lang aral ang kuwento ko kaya kaberdehan ang nakikita niyo 😅
Imagine, sa Desiring Her, umabot ako ng Chapter 19 bago may berdeng naganap 👏🏻👏🏻 achievement 'yon sakin at pinush ko talaga kasi gusto kong hindi mabigla si Berry at makita niya ang halaga niya.
Pero dahil SPG writer ako, talagang iniisip ng iba na bawat chapter may kaberdehang nagaganap. Wala po. Pero puwede pong isang chapter na berde. 😅
Anyways, yon lang naman 😅 Basta THINK BEFORE YOU POST OR COMMENT. Kasi sakin ang balik niyan. Ayoko sa negativity. Ayokong ma stress. Gusto ko love-love innocent lang. 😘

Wattpad LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon