Jammy's Pov
"Jam paabot ng glue" ani ng kaibigan ko. Binigay ko naman sakanya ang glue na nasa tabi ko.
"Jam, yung gunting nga" utos ng president namin. Binigay ko ulit.
"Jam—" putol ko.
"Ano na naman? Lahat nalang ng nasa sa akin kinukuha niyo? Ano pa bang kulang? Ha?" pagd-drama ko. Tinawanan lang ako ng mga loko loko. Ang harsh ah? Nasa bahay ako ng kaklase ko. Group Study or gawa ng project para ma pass na agad ng walang hassle pag deadline na.
"Sige tawa lang. Tae di ko kayo kilala balakayodiyan (Bahala kayo diyan) " dagdag kong drama.
"Tatanungin ko lang naman kung tapos kana sa first part? Titignan ko lang kung anong kulang ko. Ang drama mo" ani ni Alexis. Kaklase ko pang isa. Napa smile with peace sign naman ako. Siyempre pahiya ako ano bang dapat gawin ng napahiya? Mag twerk. Lul
"Tapos na dae. Ayan oh. " binigay ko sakanya. Siyempre sharing is caring. Charot.
***Alas siyete na ng gabi ng natapos kami sa project namin at kasalukuyan naman akong nagliligpit ng mga gamit ko para maka alis ng maaga at maka sabay kila Alexis. Siyempre alangan naman lakarin ko ang buong lugar na'to. Edi pag dating ko sa labasan nito. Haggard at mukhang ginahasa na ako? Sa sobrang laki ba naman ng subdi or villa na'to sadyang di mo kakayanin ang lakaran besh. Nandito nga ang mga Hari at Reyna ng iba't ibang bansa namamalagi eh kaya sobrang malaking privilege ang makatapak sa lugar na'to and yes yes. Mayaman ang kaklase namin.
Si Sandra. Mayaman ang pamilya niya kaya't sobrang swerte namin na naging kaklase namin siya. Hindi sa pera niya kundi sa kalooban niya dahil kahit mayaman di siya nagdadamit mayaman. Tipid din siya pero di sa point na di na siya mang lilibre haha. Halos araw araw nga eh. May libre kami nahihiya na nga kami pero kahit ganoon nanglilibre din naman kami sakanya kaya kwits na.
Papasakay na sana ako ng kotse nila Alexis. Isa ding mayaman pero mas mayaman si Sandra ng nagtext saakin si mama at sabi na nasa ospital daw si papa. Kinabahan ako at sinabihan si Alexis na dun kami dideretso sa ospital kung nasaan si papa.
***
Nasa hospital na kami ni papa at nadatnan kong puno ng mga tao ang entrance. ( Loving the Nation's Idol : Stage 26 Yearning ) sa mga fans siguro ni Fafa Liam. Siyempre fan niya din naman ako kaso mas bet ko yung kapatid niyang si Isaac na dating model. May magazine pa nga ako kung nasaan siya eh.
So paano ako makaka pasok nito?
May nakita naman akong isang kotse sa gilid at lumabas dun ang isang lalaking gwapo. Sige gwapo naman talaga. Tinitigan ko lang yung lalaki ng may lumapit sakanyang babae at tinawag siyang Prince Dylan.
So Dylan palang pangalan nito? Kaso ang ganda ng babae. Pang royalty ang mukha tas red-haired pa. Hay nako. Di ko nalang sila tinitigan ng uber. Sayang may gerlpren na pala si kuyang gwapo.
Lumapit naman ako sa entrance at sinabihan ang guard na naka admit papa ko dun. Di pa naniwala ang guard na'to. Batuhin ko naba 'to ng selpon? Wag nalang sayang pera.
"Wala miss, luma na yang style mo. " ani niya. Kumunot ng bongga ang mukha kong super sa ganda. Alangan namang i-down ko sarili ko diba? Kahit totoo namang panget talaga ako. Choss. May mukha lang ako sa salamat sa diyos di mukhang unggoy.
"Kuya. Baka gusto mong samahan pa kita sa room ng papa ko? Ikaw na din magbayad ng hospital bills niya no? Kaloka. Sipain kita diyan eh." sabi ko pa sakanya with matching napipikon tone.
"Wala wala. Umalis kana."
Lumapit naman ako kay manong guard at bumulong sakanya.
"Kuya. Alam mo bang pag di mo ako pinapasok ngayon ay pupuntahan ako dito ng mama ko at kukunin? Lagot ka saakin pag nakapasok ako at ipapatanggal kita. Bisita ng pasyente di niyo papasukin ha?"
Natakot naman si kuyang guard at pinapasok ako.'Very good kuya' ani ko sa isip ko at pumasok.
Papasok na sana ako sa elevator ng may sumigaw. Pagka lingon ko ay nakita ko si Ms. Red hair habang nasa sahig si Mr. Gwapo. Lalapit sana ako kaso nagbago isip ko. Ang feeling close ko naman kung tutulong pa ako dun pero kahit na gusto ko wag nalang. Baka masabihan akong pakilamera. Madami pa namang mayayaman na kahit konting hawak lang ng mga poor na kagaya ko ay biglang susuka na or magpapahid ng alcohol kaya nevermind nalang.
Pagka dating ko sa kwarto ni papa ay nakita ko si Mama na may kausap na isang lalaking naka business suit. Umupo naman ako sa tabi ni mama habang may nagtatanong na mata. She looks at me and told me na e-explain niya mamaya. Tumayo naman yung naka business suit at nagpa alam kay mama na aalis na siya. Tinanguan naman niya ako at naki tango rin ako. Pa korean peg lang.
"Alam mo naman siguro na nag trabaho ako sa ibang bansa bilang maid diba?" tanong ni mama at tumango naman ako. "Maid ako ibang bansa pero nag t-trabaho ako kung saan nakatira ang mga maharlika doon. Sa Kingdom ng Peirum. An Arabian Country. " huminto siya at nagpatuloy.
"May Cancer sa baga ang papa mo at tanging magagawa ko ay ang manghingi ng tulong sa dating amo ko. Pero ang kapalit ay ang pagiging maid ko kaso ayokong mawalay sa ana mo anak. Kaya't i-ikaw ang sinabi kong papalit saakin" iyak niya. Nanigas ako at napa tungo. Naka punta na ako sa pinagt-trabahuan ni mama nung bata pa ako at siyempre ilang araw lang ako dun. Di naman kasi pwede na nandun ako ng matagal lalo na at nagt-trabaho si mama. Ayokong bumalik dun kasi nandito sila mama at lalong lalo na at may sakit si papa. Lung Cancer.
Napabuntong hininga ako at napatungo. Para naman 'to kay papa diba? Ako ang papalit kay mama bilang katulong. Kaya ko naman ang mga gawaing bahay pati pagluluto. Kaya siguro kakayanin ko naman. Para kay papa.
"Katulong ako dun mama diba?" Nagsalita ako."Paano ang pag-aaral ko? Graduating na ako m-ma. " dagdag ko.
"Ginawan na ng paraan ng amo ko ang papers mo. Pina graduate ka nila anak. Wala mang recognition pero may patunay naman na graduate kana" sabi niya. Napatawa ako ng mahina. Iba talaga pag mayaman ang gumalaw.
"Wala bang ibang paraan ma?. Mag t-trabaho ako para mabayaran ang bills ni papa."
"May utang ako anak. Malaki sa pamilya ng amo ko. Nung nagkasakit kayong dalawa ng kapatid mo. Walang wala kami ng papa mo kaya humiram ako sa amo ko. Nung nalunasan kayo ay sinubukan naming bayaran pero ang laki ng interest ng utang. Kaya't nung humingi ako ngayon. Eto ang kinalabasan"
Nanlumo ako at napasulyap kay papa na natutulog. Wala akong choice.
"Pero anak..." dagdag ni mama. "Hindi ka sa labas ng bansa magsisilbi,kundi sa anak ng amo ko. "
BINABASA MO ANG
Beside the Crown Prince (COMPLETED)
RomanceShe wanted to be beside with him but the circumstances doesn't allow her. Will be able to be beside him? photo not mine, credits to the owner.