Kabanata 1

1 0 0
                                    

Alas kuwatro palang ng umaga, tahimik ang buong paligid, rinig ang mga kuliglig at nakikita ang mga alitaptap na nagliliparan sa gitna ng dilim. Ngunit sa kabila ng magandang tanawin ay ang mga bulto ng mga taong nagtatakbuhan at may hawak na mga baril.

Umalingawngaw sa buong kagubatan ang mga putok ng baril at sigawan.

"HULIHIN SILA" sigaw ng isang lalaking may katandaan na na may hawak na rebolber.

Kumapit ako ng mahigpit sa lalaking aking kasintahan at sinabayan siyang tumakbo ng mabilis.

Nauuna siyang tumakbo kesa sa'kin kaya hinihila niya ako para mas mabilis ang pagtakas namin.

Tumatagaktak ang pawis mula sa noo ko at humihigpit ang paghinga ko.

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak.

Patuloy parin sa paghabol sa amin ang buong opisyal ng aming tribo.

"Bilisan mo Aida!" Sigaw sa'kin ni Tonyo habang hinihila ako sa pagtakbo.

Sinunod ko naman ang utos niya at mas binilisan ang pagtakbo.

Parang bumagal ang lahat sa paligid ko nang bigla akong tamaan ng bala sa likod. Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ko ang kamay niya, dahan dahan akong bumagsak sa lupa.

Napatulala lang si Tonyo sa'kin, nakaawang ang mga labi niya at halatang nagulat sa biglaang pangyayari.

Papalapit na sa amin ang mga opisyal pero nasa gitna parin kami ng gubat at nabigla sa nangyari.

"T-Tonyo!" sigaw ko.

Natauhan naman siya at lumapit sa akin. Natatarantang binuhat niya ako at nag-umpisa na namang tumakbo.

"P-patawad m-mahal ko. Nang dahil sa akin ay n-nasira ang lahat ng paghihirap mo." Wika ko.

Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko at nahihirapan akong huminga.

Hinawakan niya ang kanang kamay ko at patuloy parin sa pagtakbo. Napalingon ako sa likod namin, humahabol parin sila sa amin at alam kong pagod na rin si Tonyo.

"Kahit anong mangyari sasamahan kita saan ka man magpunta, nangako tayo sa isa't-isa na walang iwanan, kung iiwan man kita ngayon at papabayaan, parang sinira ko na din ang pangako ko at tinapakan ang sarili kong puso."

Tipid na napangiti nalang ako, unti-unting nanubig ang mga mata ko, nahihirapan na akong huminga at nauubusan na din ako ng dugo. Pinikit ko ang mga mata ko at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Mabilis ang bawat paghinga niya at napapalunok siya minsan.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang isang putok ng baril na tumama sa tuhod niya. Napaluhod ang isa niyang paa pero tumayo agad siya at nagpatuloy sa pagtakbo.

Sunod sunod na pagputok ng baril ang narinig ko pero iniilagan niya lang ang mga 'yun.

Napatingin ako sa labi niya na nakaawang, nahihirapan na siyang tumakbo dahil sa tama niya sa tuhod. Napaiyak nalang ako at hinawakan siya sa pisngi. Patuloy lang siya sa pagtakbo kahit na nahihirapan na siya. Isang mainit na likido ang tumama sa pisngi ko at alam kong hindi iyon galing sa'kin, umiiyak siya. Pinunasan ng hinlalaki ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi niya. Napalunok ako at kinontrol ang boses ko.

"I-ibaba mo na ko." Buo na ang desisyon ko. Kahit mamatay man ako ngayon dito ay ayos lang. Ang importante sa'kin ay ang maging ligtas siya. Nadamay lang siya sa gulo ko at wala akong karapatan para idamay siya.

The Destiny's Nasty TrickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon