Kabanata 2

0 0 0
                                    

Hindi ko maipaliwanag kung bakit may kung anong pakiramdam ang namumuo sa puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit, dinama ko ang mabilis na pagtibok nito.

"Yo Alhana." Bati sa'kin ni Marco at hinalikan ako sa pisngi. Tinignan ko siya ng masama at sinampal ng mahina sa pisngi. Marco Fortalejo is my childhood bestfriend, but a kiss is still a kiss.

Natawa lang siya at inakbayan ako.

"Ang lalim ng iniisip mo ah, ako ba yan?" Ngumisi siya at tinaas baba ang kilay.

Inirapan ko lang siya at tinanggal ang kamay niya.

"Sumusobra ka na Marco ha, baka dumating ang araw isipin ko na na may gusto ka sakin."

"Eh baka meron nga."

"Huh?"

"You're sometimes numb Alhana."

Nanggigigil na kinurot kurot niya ako sa pisngi at ngumiti ng labas lahat ng ngipin.

"Ouch! Stop it Marco, machaket!" Tinanggal ko ang mga kamay niya sa pisngi ko. Napangiwi ako at hinimas himas ang nasaktan kong pisngi. Ang kawawa kong pisngi huhuhu.

Umayos kaming dalawa ng upo nang biglang pumasok si Prof. Trevor sa pinto. Dala niya ang mga libro niya at may laptop na nakapatong sa mga libro.

"Good morning class." Bati niya sa aming lahat.

Tumayo naman kami at binati siya pabalik.

"Good morning sir."

"You may now take your seat."

Nagsi-upuan naman kaming lahat at nilabas ang notebook ko sa history.

Nagsimula akong magtake down ng mga sinasabi niya. Sinulat ko ang mga importanteng bagay pati ang mga nabanggit na date kung kailan natatag ang katipunan, kung kailan natin nakamit ang kalayaan at iba pa.

Malumanay na natapos ang lecture namin sa history, ang mga iba ay nakayuko lang at humihikab. Malapit nang pumikit ang mga mata ko nang biglang magring ang bell.

"San tayo? Libre ko." Muli na naman akong inakbayan ni Marco at dinunggo ako sa bewang.

"Ano ba Marco! Ang hilig mo sa akbay." Ginalaw galaw ko ang mga balikat ko para matanggal ang kamay niya na napagtagumpayan ko naman.

"Grabe naman to napaconservative, hello~ nasa 21'st century na kaya tayo, hindi na uso ang pagiging Maria Clara ngayon."

"So what? I'm not like them, ibahin mo ako sa lahat."

Binuksan ko ang pinto ng cafeteria at humanap ng bakanteng table.

Walang bulungan o ano mang parinig na naganap. In this school I'm just an ordinary student. Hindi ako ganun kagandahan at higit sa lahat hindi ako famous.

May dalawang table pa ang bakante kaya pinili ko ang table na nasa bandang gilid.

Umupo naman siya sa harap ko.

"Yun oh! That's my baby love!" Kinurot niya ako sa ilong at tumayo para pumila sa counter.

"Gawin mo nang limang kanin at tatlong ulam!." Sigaw ko bago pa siya tuluyang makalayo.

"Grabe ang takaw mo!" Natatawang sigaw niya pabalik habang umiiling-iling

Tumingin ako sa labas ng bintana ng cafeteria. Nasa 3rd floor ang cafeteria kaya makikita mo ang school garden na nasa gilid lang.

Nabaling ang atensyon ko sa dalawang bulto ng tao na nasa bench. Umiiyak ang babae at niyakap ang isang lalaki. Inis na kumawala sa yakap ang lalaki at kinuha ang isang singsing sa daliri niya. Tinapon niya ito sa babae at naglakad papalayo. Nakaramdam ako ng awa sa babae, why many people fell inlove and cry. Hindi ba pwedeng magmahal nalang at maging masaya silang dalawa? Bakit kailangan pa nilang mahalin ang maling tao tapos masasaktan sa dulo? I don't really get destiny, pero meron nga ba talaga?

The Destiny's Nasty TrickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon