Kabanata 3

0 0 0
                                    

I am laying at my bed and the moonlight reflecting in my windows. Natatamaan ng buwan ang mukha ko, pinatay ko ang lampshade at napatitig sa mga nakasabit na plactic butterflies sa kisame ko. Para silang lumilipad dahil sa pagdala ng malakas na hangin.
Tinitigan ko ang kamay ko, nahulog ako sa isang malalim na pag-iisip.

Mula bata pa lang ako, madalas akong magkaroon ng panaginip tungkol sa dalawang magkasintahan na pinaghiwalay ng tadhana. Hindi ko maintindihan kung bakit masyado akong naaapektuhan sa pagmamahalan nilang dalawa. Nailagay ko sa dibdib ko ang mga kamay ko at dinama ang init na binibigay niyon. Ramdam ko parin hanggang ngayon ang init ng palad ni Titus. Nakakapanghinala na sa oras na kailangan ko siya ay lagi siyang sumusulpot para tulungan ako. Kung stalker ko man siya, well I don't care, as long as wala siyang gagawin sa'king masama.

Biglang may kumatok sa pinto kaya nagmamadali akong tumayo sa kama at binuksan ang pinto.

Bumangad sa akin ang mukha ni kuya na nakabusangot. Magulo ang buhok niya at halata ang pagkaburyo sa mukha niya.

"Ba't ang tagal mong buksan ang pinto?" Tanong niya.

"Nagpunta ka ba dto para i-check ang bilis ng pagbukas ko ng pinto?"

"May itatanong ako." Tinulak niya ang pinto kaya gumilid ako. Pumasok siya sa loob at naupo sa gilid ng kama.

"Ano yun?" Humalikipkip ako at nanatiling nakatayo sa harap niya.

"Sino 'yung kasama mong lalaki kanina?" Nakakunot ang noong tanong niya.

Napataas ang kilay ko, ano namang pake niya kung sino ang mga lalaking kasama ko.

"Hindi mo na kailangang malaman."

"Hindi ko kailangan, pero gusto kong malaman." Diniinan niya pa talaga ang salitang "gusto" sa pananalita niya.

"Kung ayaw kong sabihin?"

"Isusumbong kita kay Papa."

"Edi magsumbong ka, I don't care and besides I am already 19 years old. I can handle things in my own."

"Then, I will tell Marco that-" Pinutol niya ang sasabihin niya at ngumisi.

"That?" Naiinip na tanong ko. Lakas mangbitin eh.

"That you like him." Tumunog ang pagngisi niya. Tumayo siya at naglakad papalapit sa akin.

Nanigas ako dahil sa sinabi niya. How? Pano nalalaman ng mga taong nasa paligid ko na may gusto ako sa kanya?

"H-how?"

"It's obvious my dear sister."

"B-but--" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Now, tell me who's that guy or I will tell Marco that you like him. You know that your friendship will ruin if I will tell him."

"Okay fine!" Padabog na naglakad ako papunta sa kama ko at naupo. Kinuha ko ang isang unan ko at pinaglaruan.

"So?" Naiinip na tanong niya.

"I don't know him." Nag-aalangang sagot ko.

"What? Sumama ka sa taong hindi mo kilala?" Halatang nagulat siya dahil sa sagot ko.

"Pero magaan ang loob ko sa kanya." Nagpahalumbaba ako at tumingin sa buwan.

"Pano nalang kung may binabalak pala yun sayo?" Naihilamos niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha. "Ghad, nag-iisip ka ba Alhana?" Naipamewang niya ang kamay at hinihilot naman ng isang kamay niya ang kanyang sintido.

"Pamilyar siya sakin, pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon. Parang isa siyang malaking parte sa buhay ko."

"What? You don't even know him, Ghad baliw ka na Alhana." Umiling iling siya at naglakad palabas ng pinto.

The Destiny's Nasty TrickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon