Miggy messed up big time by cheating on his wife, Francine, with her best friend, Vera. They thought they could keep it a secret, but their affair was exposed. Now, Miggy's life is a mess, filled with regret and a damaged reputation.
'SINFUL HEAVEN'...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"V-vera, maawa ka sa 'min! Pakawalan mo na kami! Hindi mo ba nakikita na nahihirapan na si Miggy?" pagmamakaawa ni Francine.
"Ano'ng akala mo sa 'kin, tanga?" Tumawa-tawa si Vera. "Matapos kong paghirapang dalhin kayo rito, pakakawalan ko na lang kayo ng ganun-gano'n na lang?"
"Vera, please. I'm begging you. Alam kong may natitira pang kabutihan d'yan sa puso mo. Maawa ka sa 'min. Maawa ka sa 'min ni Miggy."
Bumaba si Vera sa kabaong at dahan-dahang lumakad papalapit sa kanila. Mas humigpit ang pagkakayakap nina Francine at Miggy nang dahil sa takot.
"Vera, itigil na natin ito. Kung mahal mo talaga si Miggy, hindi mo gagawin ito!"
"Vera, h-huwag mong sasaktan ang asawa ko! Ako na lang ang saktan mo! Ako na lang ang patayin mo!" pagmamakaawa naman ni Miggy.
"E, paano kung ayoko? May magagawa ba kayo!?"
"Veraaa"
Biglang dinakma ni Vera sa braso si Francine at hinila. Ayaw namang bitawan ni Miggy ang asawa at magkayakap pa rin sila sa isa't-isa.
"Vera! Huwag! Please! Veraaa!"
"Bitawan mo ang asawa kooo!"
Humigpit ang kapit ni Vera sa braso ni Francine. "Ano ba? Huwag mo 'kong pahirapan, Francineee!"
"Ayoko! Dito lang ako kay Miggy!"
"Vera, tama na! Bitawan mo na si Francine!"
"Talagang ayaw mong bumitaw kay Miggy, ah. P'wes, tignan na lang natin kung hindi ka pa sumunod sa gagawin ko!"
Bumalik si Vera sa kabaong.
Nanlaki ang mga mata nila nang kumuha ito sa loob ang isang baril. Dali-dali siyang lumapit muli sa mag-asawa at itinutok ang baril sa ulo ni Francine.
"V-vera! Vera, huwag!" nangatal sa takot na pagmamakaawa ni Francine.
"Halika rito, mang-aagaw ka!"
"M-miggyyy!"
"Huwaaag!"
Bigla nitong hinila sa buhok si Francine at dinala sa kabilang sulok ng mosoleyo. "D'yan ka!" Sabay tulak nito. "Hindi mo na pag-aari si Miggy kaya wala kang karapatan para magdidikit pa sa kanya!"
"Nababaliw ka na, Vera!"
"Hindi ako baliw!"
Sa galit ay inihampas ni Vera ang baril sa mukha ni Francine. Napahiga na lamang ito sa sahig nang dahil sa sakit.
"Arghhh!"
"B-babeee!"
"Ikaw ang baliw, Francine! Alam mo kung gaano ko kagusto si Miggy, pero inagaw mo siya sa 'kin! Mang-aagaw!"
"H-hindi ko siya inagaw!"
Dahan-dahan siyang bumangon at pinawi ng kamay ang dugo sa kanyang pisngi.