CHAPTER ONE•

22 2 2
                                    

*Alexa POV*
Ang ganda na ng school days ko ng biglang makatabi ko siya...

Nagsimula kasi yan ng nagbookwork kami sa MATH ang tahimik ng buong klase pero biglang nagingayan yung mga boys.

Nasa left side kasi kami ng classroom tas yung kalahati ng boys nasa right habang yung iba nasa may bandang gitna 34 kaming lahat 17 boys and girls. Katabi ko yung bestfriend ko si Emma.

Tahimik kaming naka upo dahil tapos na kaming mag answer. Yun nga biglang nagingay yung boys kaya biglang sumigaw si Ms.Eliza, ang adviser namin.

"Huwag kayong maingay! Hay tutal matagal narin kayong magkakatabi ng mga kaibigan nyo ililipat ko na kayo"

what??

Samantalang 1 week palang naman kaming magkakatabi kasi start palang ng klase. Noong una ayaw naming sumangayon ngunit napilitan rin kami kaya pinatayo kami ni Ms.Eliza sa harapan dala ang mga gamit namin. May 5 rows sa unang 3 rows may 4 tables at sa last 2 rows may tig dalawang table lang. (Dalawang taong uupo sa isang table)

"Alexa magtabi kayo sa harap ni Cayden kahit saan diyan"

ok

"Chris! Amelia! doon kayo sa dulo"

Buti pa sila magkatabi. Para naman sakin ok lang naman kasi P.O (Peace Officer) naman ako at hindi naman masyadong maingay si Cayden. Matagal ko narin siyang kaklase simula kinder kaya di naman ako masyadong annoyed sakanya.

"Emma tabi kayo ni John"

Si John naman siya yung isa pang P.O heto kasi yung mga Officers~~
President: Daniel
Vice President: Amelia
Secretary: Isabella
Treasurer: Ray
Auditor: Liam
Srgt. At Arms: Aaron at Olivia
Peace Officers: John at Alexa (ako)
Muse: Lexi
Escort: Chris

"Noah at Lexi" sunod na sabi ni Ms.Eliza

Nakita ko namang nagblush ng konti si Noah. Matagal na kasi niyang gusto si Lexi simula pa grade 6 eh Grade 10 na kami. Pero noong Nagbobotohan kami sa muse and escort at napili si lexi as muse at si Chris sa escort napansin ko na hindi satisfied si Noah maybe because hindi nga niya nakapartner si lexi pero sabi niya ok lang daw. Sino namang maniniwala doon?

Pinag patuloy ni Ms.Eliza yung mga magkakatabi, napansin ko na girl and boy lahat ng magkakatabi. Pansin ko rin na kontento silang lahat sa mga katabi nila kasi tong school namin hindi typical na school na may mean girls and bad boys. Oo may nag aawayan pero hindi tulad ng mga iba. Kaya kahit maiingay yung mga katabi nila hindi man sila nagreact.

"Oh ayan iba na yung katabi niyo siguro naman hindi na kayo magiingay. Girls paki bantay yung mga maiingay diyan pati kayo boys kung maingay katabi nyo bawalan niyo ha"

Tumingin ako sa wrist watch ko.

Lunch na.

"Oras na pala itago niyo na yung mga books niyo. Class dismiss"

Nagsitayuan na kami. Dumiresto ako agad sa mga kaibigan ko. Nakita ko kasi sila hinihintay ako sa labas.

"Tara na gutom na ako"

"Tara!" Ang sabi ni Chris

Pumunta ako sa may round table kasi anim lang naman kami. Sila Chris, Emma, Lexi, Amelia at Noah lang naman ang palagi kong kasama. Simula bata palang magkakaibigan na kami.

Kinuha na namin yung pinareserve namin na pagkain kaninang recess at nagsimula na kaming kumain.

"Noah.." Bulong ko sakanya
"Ano nanaman ba?"
"Nagblush ka kanina Noh?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.

Bigling nagsalita si Chris
"Alexa"
"Yes??"
"Sino katabi mo?"
"Si Cayden" maikli kong sagot

"Ikaw Emma?" tanong uli ni Chris
"Si John"

Natapos kaming naglunch at pumasok ulit sa classroom dahil naka bukas pa yung ac nagusap-usap at nagcellphone doon dahil lunch time panaman at wala pang teacher.

Dumating rin yung iba naming mga kaklase at si SirAxel kaya umupo na kami sa mga sarili naming upuan.
______________________________________
Authors note:
Sorry po kung konti lang simula palang po kasi hahaba rin po yung mga chapters💜

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon