CHAPTER TWO•

24 1 10
                                    

*Alexa's POV*
Bagong araw nanaman papunta na ako sa school ngayon, nakikinig lang sa music dahil medyo matagal-tagal rin ang papunta doon. Nakakabored kasi ang tagal tapos ang lamig-lamig pa dahil nakakotse plus madaling araw.

Ayan na pala, malapit nako sa school tinanggal ko na yung earphones ko at jacket. Pagkadating ko sa classroom nadoon na agad yung iba kong kaklase.

Bigla nagsalita si John.

"Alexa heto yung script mo"

Oo nga pala mayroon kaming roleplay sa English, ang galing no? Halos mag 2 weeks palang kaming pumapasok mayroon agad project.

"Sige salamat"

Kinuha ko na yung script at binasa, medyo mahaba pero ok lang sanay naman ako. Simula kasi grade 3 nag ro-roleplay na kami pero ngayon kailangan daw bigay na bigay ka lalo na yun mga 'dramatic' scenes. Nang nagbell na at umupo kami sa assigned seats namin. Si Ms.Carille ang unang teacher namin dahil history unang subject namin.

"Class mayroon tayong group project tungkol sa history ng Pilipinas at yung katabi niyo ang kagroup niyo, kayong dalawa ang magprepresent sa harapan"

Kala koba group bat biglang naging pair? Minsan magulo rin si Ms.Carille. At least matalino ka partmer ko, pang 5th kasi itong lalaking ito sa achievers. Not to brag pero pang 3rd akotsaka panibagong project nanaman 'to ano ba naman yan.

"Sige na mag usap na kayo sa project niyo" dugtong pa ni Ms.Carille

"Uy Cayd--" asaan yung lalaking yun? nasa tabi ko lang kanina yun ah.

"Oh Cayden dalian mo at mag-usap na kayo ni Alexa sa project niyo"

"Opo Miss" sambit niya habang pumapasok sa room.

"By the way class, hanggang friday lang yan you still have 3 days to finish that" naku 3 days lang bakit dati 1.

"Alexa simulan na natin 'tong project"

"Sige ikaw nalang magdala ng illustration board at cartolina ako nalang sa bondpaper at glue" sabi ko tutal mayaman naman siya. Well to be honest, sa school na ito lahat mayaman at oo masasabi ko na mayaman kami pero di kami careless sa pera. Kahit yung mga kaklase ko, minsan nga dimo masasabi na nag-aaral kami sa ganitong school at mayayaman dahil sa ugali at suot.

"Magsesearch nalang ako tapos bukas pagsamahin nalang natin yung mga info." Sabi ni cayden. Tumango nalang ako dahil tapos narin yung klase.

Lunch na pumunta na kami nila Emma sa canteen nasa may bandang entrance ang table namin para makalabas kami agad. Kumain lang kami as usual at nagkuwentuhan

"Alexa ok na ba yung project niyo"
Tanong ni Amelia

"oo naman" sagot ko

"Kayo Noah?"

"Good"

"aba ano yan may pa english ka nang nalalaman bro" sabi ni Chris

"Sira. Good lang sinabi ko" kasabay ng tawanan namin

"Emma ang tahimik mo yata" nagtatakang tanong ni Amelia

"Oo nga Em ok ka lang??" nagaalala kong tanong

"Wala may iniisip lang" maikling sagot niya

"Natural alanganaman nagsasalita ka" sabi ko sabay tawa. Napangiti rin naman siya. Ganyan talaga kami minsan pilosopo, minsan maingay, nagiiyakan, nagtatawanan, at minsan kapag seryoso ang usapan tahimik lang kami walang gustong umimik tulad noong grade 7. First year highschool kami at nagkaroon ng away sa kabilang section at nadamay kami. Sila Chris at Noah ang sinisi kasi malapit raw sila sa kabilang section. Noong naglunch na nagtanong kami kung totoo ba ang sinasabi nila pero hindi sila nag salita kaya buong hapon kaming tahimik. Ngayon kapag maynangyayaring ganoon si Lexi at Amelia ang nauunang nagsasalita para walang pikon at sisihan.

Pagka-balik umupo agad sa mga seats namin biglang tumayo si Daniel, class president namin at sinabing "oh guys pinapasabi ni Ms.Eliza wala daw yung teacher natin ngayon at nagbigay lang ng note kung anong gagawin, ang nakasulat lang dito ay kopyahin ang isusulat ng secretary" copywork nanaman. Puro nalang copywork wala nabang iba?

"i guess may isusulat ka Isabella?" Tanong ni Daniel
"Oo heto na magsisimula na ako tutal konti lang naman" Nagsimula na kaming magsulat at nang matapos dahil wala kaming teacher nilabas ng mga kaklase ko ng kanilang mga cellphone yung iba nagbabasa iba nagkwe-kwentuhan. Ako naman kalaro ko si Cayden sa snakes and ladders at alam ko pambata pero isip bata kami minsan eh.

kapag kasi wala kaming magawa naglalaro kami. Siya kasing humahamon sakin baka daw manalo siya eh siguro limang beses palang siya nanalo -

"Oy Den! Ikaw na!" Oo Den tawag ko sakanya kapag tamad ako sabihin ang Cayden.

"Oo na heto na! ano bayan kala ko ano nang nangyari ×_×" natawa ako sa reaction niya.
Natapos ang buong hapon. Pauwi na kami ngayon at hinihintay ako ng mga kaibigan ko sa labas kasi lilibot raw kami sa school since matagal na naming hindi nakikita ang buong school dahil sa laki nito. Nahiya tuloy ako dahil ako lagi ang hinihintay. Inaayos ko ang bag ko ng biglang nagsalita ang lalaking nasa harap ko.

"Alexa tandaan mo yung ise-search mong info. Sa project natin" paalala niya
"Oo na kala mo naman makakalimutan ko" natatawa siyang pumunta kay John na nasa labas ng pintuan.

*Cayden's POV*

"Uy pre message mo nga ako mamaya na huwag kalimutan yung project namin ni Alexa" sabi ko kay John para sigurado minsan kasi makakalimutin ako.

"Sige, oo nga pala ano na balita katabi mo P.O.??" Tanong niya

"Ayos lang di man nga ako binabawalan kapag maingay eh maingay rin minsan yun" sabi ko

"Buti ka pa... si Emma ang sungit palagi ako binabawalan samantalang ako yung P.O." naka pout niyang sabi na ikinatawa ko.

"Ok lang yan John lalabas rin ang masayahing ugali niyan" nakatabi kona kasi dati yun. Una sungit tapos masayahin kahit 2weeks kolang siyang nakatabi.

Nagsimula na kami sa pagpractice ng basketball kasama sila John, Luke, Ray at Nate. Pagkatapos noon, pawis na pawis kaming nagsiuwian.

"Mauna na ako" paalam ni nate
"Ako rin ingat" nagpaalam na rin ako

*Alexa's POV*

Naglilibot pa kami nang mapansin kong tahimik parin si Emma.

"Em ano ba talang iniisip mo kanina ka pa tahimik" imik ko
"Your not usually like this Em" sabi ni Amelia lahat kami worried sa kanya

"Wala, wala kailangan kolang ng tulog... Mauna nako" malumay niyang sagot. Nagsiuwian na rin kami dahil tapos na kaming maglibot. Pero bakit kaya anglungkot ni Emma.

______________________________________



Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon