CHAPTER THREE•

19 1 1
                                    

*Alexa's POV*

Pagka-uwi ko sinalubong agad ako ni Sophia ang nakababatang kapatid ko na grade 3 palang. Masigla nanaman siya at ako pagod na pagod kaya hindi nanaman ako makakapaglaro.

"Ate!Ate! Pasalubong ko?" Oo nga pala nakalimutan tsk.
"Ah wala sorry ha bukas bibilhan kita" sabi ko nalang.
"Ate manood nalang tayo movie yung the book of life!" Ilang beses na nating pinanood yan di ka pa ba nagsasawa? Kapag nanonood memorize na yung susunod na sasabihin kaya nakaka-irita~_~
"Sophia pagod ako pwede bukas nalang?" Pagod na talaga ako ugh.

"Sige ate bukas nalang Goodnight!"
Ay salamat makakapag pahinga narin.
Hihiga na sana ako ng maalala ko na may isesearch nga pala ako kaya pumunta agad ako sa study table ko at binuksan ang macbook ko.

Kasalukuyan akong nagsusulat ng info. Sa paper ng biglang bumukas ang pintuan na iniluwal si Sophia. Naku bakit nanaman kaya nandito toh sabi ko pagod ako.

Asar naman.

"Ate last na toh..... Paturo sa homework ko pleassseeee" kanina pa ito umuwi ngayon lang nag hohomework? At talagang saakin pa nagpaturo. kitang-kita naman niya yung sinusulat ko hayy.
"Kay mommy nalang nakikita mo naman mayroon din akong homework oh"

"Eh ayaw ko kay mommy gusto ko ikaw" jusko naman ohh

"Sige na nga ano ba iyan?"
"Math" typical homework
"Multiplying by 2" dagdag pa niya.
"madali lang pala....tandaan mo nalang ay i add molang sa sarili yung number or i memorize mo yung multiplication table" grabe Alexa galing mong magpaliwanag talagang maiintindihan niya yan.

Hinding hindi niya maiintindihan.

"Ano ate pakiulit?" Hay naku sabi ko na nga ba maiintindihan niya ehh.
Natapos ko narin siyang turuan kaya tinapos kona yung sakin. Pagkasarado ko ng laptop ko ay dumiresto ako sa banyo para maligo.
"Hay salamat makakahiga narin" pagkabagsak ko sa kama dahil yata sa sobrang pagod diko namalayan nakatulog nako.

*Cayden's POV*
Sumakay na ako sa kotse ko at nagsimula ng magdrive. Tumutugtog ngayon ang isang KPOP song na hindi ko alam. Makalipas lang ng limang minuto nakita ko na ang malaking arch na nagsasabing International Science University o mas kilala bilang ISU ewan ko nga ba bakit science eh well sabagay focus kami palagi sa subject na science.

Pshh duh Cayden. Ngayon mo lang naisip yon?

Agad ko namang nilagay yung gamit ko sa table at pinuntahan si John sa likod ng classroom.

"Pre salamat"
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya.
"Anong bakit?"
"Huh? Nuh bayan John-_-
"Dahil pinaalala mo yung info. Kagabi buti nalang kundi wala akong naisulat" kailan pa naging makakalimutin tong lalaking toh?
"Ah wala iyon" ganyan naman palagi sinasabi mo.
"Emma!!" Napatingin ako sa likod ko dahil kumakaway si John
"Goodmorning :)" bati ni Emma
"Bakit John?"
"Yung project nakapagsearch ka" ahh kaya pala kala ko kung napano
"Ay sorry nakalimutan ko" natatawa niyang sabi
"Emma naman -_-" tsk tsk tsk
"joke lang eto na oh" sabay bigay ng isang papel. Makaalis nga dito nilalanggam lang ako dito sa likod. Matagal na naming shiniship tong dalawang toh pero hangga ngayon kaibigan lang ang turing sa isa't isa ano yun walang nabubuong feelings?
Kakaiba.

Naglakad lakad ako sa may field dahil 7:00 palang naman 8:00 yung simula ng class. Hindi parin ako makapaniwala kung gaano lumaki tong school na ito. Noong grade 1 palang kami wala pa itong field na toh
maliit na playground lang ngayon isang malaking university na. Kaya minsan ang taas ng tingin ko sa aming mga magkakaklase kasi parang kami yung mga original students nitong school dahil walang nabawasan o dumagdag sa amin from preschool to highschool kami parin yung magkakasama. Pero siguro sa college maghihiwa-hiwalay na kami. Ang saya-saya kayang isipin yung mga dating maliliit na bata na nag-aagawan sa coloring book na ngayo'y binata at mga dalaga na.

"Cayden!!!" Sigaw ni Ayesha habang hawak-hawak ang pencil case.
"Oh?!?" Ano nanaman kaya
"kinuha mo ba yung pencil ko dito yung blue?!?!" Ang ingay sigaw ng sigaw
"Ayesha huwag ka nang sigaw ng sigaw baka marinig ka ni teacher" sabi ko habang nakalagay ang hintuturo sa bibig.
"Ikaw ba?" Syempre hindi

"Hindi" palagi nalang nawawalan ng gamit toh tapos sinisisi yung kaklase hayyy.
"Akin nanga patingin ng pencil case mo" sabi ko baka nalagay lang sa pinaka ibaba.

"Ayun!! Sigaw ka ng sigaw diyan nasa pencil case mo lang pala"
"Ahhh salamat" napahiya ka noh?
"Maghanap ang mata bago ang bibig"
"Oo na salamat" atleast nagpasalamat.

Di ko naman namalayan na napangiti ako sa naisip ko noong nasa grade 2 palang kami dahil sa kulitan namin dati. Bumalik na ako sa classroom at nandoon na halos lahat ng kaklase ko.

*Alexa's POV*

Asan na yun? May nagbukas ng pintuan pagkalingon ko si Cayden atsaka ibinigay ang isang papel na puno ng sulat. Kinuha naman niya yon at binasa napatango pa nga at ibinalik sa akin ang papel. Mayroon nanamang bumukas ng pintuan at si SirFridle.

"Goodmorning sir!!" at sabay upo.
Naglecture nanaman kami. Pagkatapos ng subject na ito yung subject naman namin sa History pumasok si Ms.Carille at bumati. Sinimulan na naming ipagsama ang mga sinulat namin. Ang weird kasi di ako sanay na seryoso si Cayden kahit ilang beses kona tong nakagroup ngayon lang siya nagseryoso ng ganito. Sana ganito palagi kapag may project hindi yung tatayo bigla tas makikipag kuwentuhan ganyan iyan eh.

Matapos namin yung mga info. Kailangan nalang niyan ay iprint tapos idikit sa construction paper na kahit anong kulay at idikit ulit iyon sa illustration board and lastly idesign yon. Tuesday palang naman ngayon so may 3 days left pa not counting friday para tapusin toh.

Natapos ang oras ni Ms.Carille ng hindi namin namamalayan.
"Ok you may now dismiss" nagsitayuan kami at lumabas. Sa wakas hindi ako ang hinihintay nila ngayon, ako naman ang naghihintay sa kanila.

"Ay wow hinahanap pamo kita sa loob nasa labas ka na pala" sabi ni Lexi.

"Oo nauna ko masama?"
"Wala naman akong sinabing masama" nakapout pa siya. Nakakilang subo palang ako sa burger na kinakain ko ng biglang tumunog ang mga speaker dahilan para matigilan ako.

"All grade 10 students in the cafeteria must go to there respective classrooms immediately for there is an announcement to make" sabi ng principal. Ano nanaman kaya ito.....

Pagkabalik namin sa classroom nanduon ang principal at si Ms.Eliza.
"All of you please sit down" nagsiupo naman kami. Nagsalita na ang teacher namin.
"Kaya namin kayo pinatawag ay dahil magkakaroon kayo ng prom next week."
Nagulat kaming lahat. Next week so ibig sabihin kailangan na namin magprepare. Hala omaygash.
"Yes Mr.Davies" nakataas pala yung kamay netong si Cayden di ko man namalayan.

"Miss matanong lang po...Paano po yung mga project namin??" Oo nga naman. Thats a good question den.

"Ah well you are all exempted. We will stop those because we need to practice your dances but for only a week since you already had your prom last year" ahh k. Sino naman kaya yung makakapartner ko ngayon last year kami yung pumili sa mga kapartner namin ngayon baka si Teacher.

"Thats it sorry if i disturbed your recess" at lumabas. Sabi ni Ms.Eliza bukas daw kami magsisimula mag practice at bukas rin sasabihin ang mga pair.

Nakauwi ako ng may ngiti sa mukha. Pagka pasok ko sa bahay agad kong ibinigay ang pasalubong ko kay Sophia at isang hug kay mommy. Mas ngumiti ako ng malamang uuwi daw si daddy kasama si kuya. Doon natapos ng pag-aaral sa states si kuya dahil doon ang company ni daddy habang kaming dalawa ni Sophia dito sa Pilipinas. Saktong-sakto acquaintance party namin hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon.

Naligo, kumain, at nakatulog ako ng masaya dahil sa balitang iyon.
______________________________________

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon