CHAPTER FOUR•

22 0 2
                                    

*Alexa's POV*

Ang aga pa pero nasa school nako. Ewan ko ba kung anong sumapit sa akin. 6:30 AM palang mamaya palang 8:00 AM ang klase kaya nagpasya akong magbasa muna ng isang pocketbook. Habang nagbabasa nagulat ako sa biglang pag vibrate ng phone ko na nasa bulsa ng aking palada.

Pagkatingin ko si mommy nagtext
From: MOMMY❤❤

Anak go home early ok.....
Were going to go to the airport later to pick up your dad and kuya.
Ingat ka diyan bye LOVE YOU!!❤

Napangiti nanaman ako sa sobrang saya dahil sa sinabi ni mommy. Nagtext back ako sa kanya para alam niyang nabasa ko.

To: MOMMY❤❤

Ok :) ingat din kayo diyan sa bahay

Pagkatapos nagpatuloy lang ako sa pagbabasa. Kinikilig ako sa pocketbook na ito di ko alam kung anong gagawin ko kung tatawa, tatalon, basta ewan na i-imagine ko tuloy yung story.

*Cayden's POV*

Pagkapasok ko sa room nakita ko
si Alexa nakangiti dahil sa librong binabasa niya para tuloy siyang baliw. Ang hilig niyang magbasa ng libro wala na yata siyang ibang ginagawa kundi magbasa.

"Lexa nakangiti ka nanaman. Para kananamang baliw diyan"

"Pake ko" -_- palaging yan ang respond pag pinagsasabihan ng ganyan. Kinuha ko yung libro na binabasa niya para makita kung ano yun.
"3words 8letters"
ang title ng storya. Di ako mahilig sa ganyan kaya binalik ko yung libro sakanya.
"Tungkol naman saan yan?"

"Sa isang babae na hindi inaasahang mapamahal sa di inaasahang tao na sasaktan lang pala siya dahil sa katotohanang hindi sila para sa isa't isa"
ang sakit naman yata nun yung mamahalin mo yung isang tao na hindi ka naman pala mahal.

Dumating na si Ms.Eliza na may dalang wireless mic at sinabing tumayo na kami para pumunta sa basketball court para makapag practice na at sabihin ang mga pairs. Pagkarating natanaw ko agad ang 2nd section ng grade 10 na naghihintay rin tulad namin. Umupo kami sa sahig at nag indian seat na parang bata.

Pumunta na si Ms.Eliza at si Sir.Axel sa harap dahil sila ang advisers ng 1st and 2nd section ng 10th grade. Nakahawak parin sila sa wireless mic at nagsimulang magsalita.

"we will start the pairing of partners, first is the advisory class of Miss Eliza Rivera" sabi ni sir. syempre kami una kahit magulo kaming section 1. ^_^

"Thank you, sir first pair....." Sino kaya kasayaw ko sa prom niyan?
"Mr. Aspen Chris Salazar and Ms. Lexi Rose Castillo" sabi ni miss habang nakatingin sa isang bondpaper na puno ng nga magiging pair.

"Next pair are Mr. Cayden Jae Davies and Ms.Emma Lay Flores"
Okk

"Mr.John de Guzman and Ms. Alexa Fawn Primavera are the next partners moving on to Mr.Noah Dane Villanueva and Ms.Amelia Fern Mercado" magpa-partners parin tong mga bestfriends natoh except kay Lexa at Emma dahil pinagpartner sila samin.

Pinagpatuloy ang pag pair sa 1st and 2nd section hanggang sa matapos kami ng recess kaya't sinabi ni Sir.Axel na pagkatapos kumain dumiresto dito para magsimula na ang practice.

*Alexa's POV*

Kasalukuyan kaming kumakain ng ibring up ni Emma ang prom partners nang umalis si Lexi para bumili ng tubig.

"Oh Noah ayos kalang? Kanina kapa tahimik diyan" panunukso ni Em.

"Em hayaan moyan sad daw dahil kay Chris" tukso ko rin.
"Oh bakit ako? dahil ba kay Lexi nanaman?" Kilalang kilala namin tong lalaking ito pagganyan selos tignan mo naman nakapout pa ngayon parang bata na ewan.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon