Mahilig ka ba makipag chat?
VIDEO-CHAT?
Araw-araw?
Maya-maya?
Gabi-gabi?
Kahit madaling araw inaabot ka?
Hindi ba't napakagaling dahil naimbento ang Skype?
Dahil NAKIKITA at NAKAKAUSAP mo ang taong malayo sa iyo.
Pero dahil sa kaadikan mo sa pakikipag-chat..
Paano na lang isang gabi..
Di mo alam,
IBA NA PALA KAUSAP MO?
_____________________
Ako si Reka Galvan.
Mahilig ako makipag chat. Ay hindi. Adik na pala.
Gabi-gabi ako online sa Skype.
At kung minsan, kapag maraming online ay inaabot ako ng madaling araw.
Iba't ibang tao na ang nakakachat ko. Pero taga-Western ang madalas kong nakakausap.
Oo mahirap.
Ang hirap nilang kausap dahil hindi mo sila masyadong maintindihan pero sanay na ko jan.
Sa papakipag-usap sa ibang tao nae-enhance ang pag e-english ko.
Sil---
"Uy Reka! Tulala ka na naman jan. Bangag ka na naman?" si Ysa pala. Ang bestfriend ko.