AN: Continue ko lang. Hehehe. Di na 'to connect sa Skype. Gagawin ko na lang tong... 'Collections of Horror Stories' :))
Si Reka ang gagawin kong bida kahit na ako o yung mga kakilala ko ang nakaranas. True story talaga. Pero meron ding hindi totoo. Isip-isip ko lang. Tulad ng "SKYPE". Sasabihin ko naman kung True story o hindi. ^_______^V
Remember: Si Reka ang magkkwento. Sa kanyang POV. :)
Let's Start...
______________
REKA'S POV
Bakasyon noon at nandun kami sa Resort ng Tito ko. Wala sila doon dahil may sari-sarili silang inaasikaso. Kaming magpipinsan lang ang natira sa Resort na yon. Ang mga guests ay kakaunti lamang at nandoon sa kani-kanilang kwartong inarkila.
Anim kaming magpipinsan na tahimik na nanonood ng palabas sa T.V. Nandoon kami sa kwarto sa may itaas.
Nagbiruan. Tawanan at kung anong kalokohan ang mga ginawa namin.
Bigla naman kaming napatahimik dahil may biglang nagring ang telepono sa ibaba. Nandoon iyon sa tapat ng hagdan na kung saan pagkababa mo ay makikita mo na dahil nakadikit naman iyon sa pader.
Magdadalawang beses na ng nagring uli ang telepono sa ibaba.
"Reka, ikaw na sumagot baka importante yon." sabi sakin ng pinsan ko.
"Oo nga. Bilisan mo na." sabi pa sakin ng isa kong pinsa.
"Eh! Ayoko nga. Walang tao sa baba. Samahan niyo ko!" angal ko sa kanila.
"Nanonood kami oh! Ikaw naman ang pinakamatanda, ikaw na ang sumagot." pilit pa sakin ng isa kong pinsan.
"Dali na. Atsaka, wala kaming alam kung anong isasagot namin dun!"
"Tsk. Ge na nga!"
Dahil no choice ako. Bumaba na ko ng kama at naglakad palabas ng kwarto.
Nakatungo akong bumaba ng hagdan.
Nagri-ring pa rin ang telepono. Buti di naiinip yung tumatawag.
Nakaka-limang hakbang palang ako sa hagdan nang tignan ko ang telepono sa pinakababa.
Nagulat ako dahil yung telepono...
NAKALUTANG!
Patuloy pa rin itong nagri-ring at parang may taong invisible na hawak-hawak ang telepono.
Ilang segundo akong nanigas sa kinatatayuan at nang matauhan ay tumakbo ako pabalik ng kwarto.
Nagtaka ang mga pinsan ko nun dahil ang bilis ko naman daw. Pagkadating ng mga tito ko ay dun ko lang kinuwento sa kanila ang nakakatakot na nanyari sakin ng Tanghaling tapat!
_________
TOTOO PO TALAGA! AS IN! Yun lang. :)