WTF? (true story)

224 13 3
                                    

AN: WTF? Hindi yan What the Fvck ha? Hehehehehehehehe. It's 'WHERE'S THE FACE'

Laptrip lang. XD Pero totoo po ito. Yung pinsan ko ang nakakita. >:P

POV pa rin ni Reka. Same place but different time.

_________________

REKA's POV

Gabi noon. May kasayahang na gaganap sa Resort ng Tito ko. Lahat ay masaya doon sa Pool Area. Nagkakantahan, sayawan at kainan. May mga naliligo din.

Lahat sila nandoon. Walang tao sa loob ng pinakabahay ng Resort. Tahimik ang loob samantalang nagkaka-ingayan sa labas.

Nasa gilid ako ng Pool Area at tahimik na kumakain. Sila Mama at Papa ay nag-iinuman. Ang mga pinsan ko naman ay nagsimula ng magswimming.

At dahil don ay nainggit ako. Bored na rin naman ako nun.

Naisip kong magpalit na ng damit pampaligo.

Naalala ko nasa loob ng bahay ang banyo. May mga banyo din naman sa tabi ng pool area pero walang bakante dahil sa mga bisitang gumagamit.

Nakita ko ang isa kong pinsan na naglalakad.

"Ate Mae, samahan mo naman ako sa loob oh. Magpapalit lang ako." sabi ko sa kanya.

"Yoko nga. Ikaw na lang. Hinahanap ko pa si Tito. May mga tao naman dun eh. Ge." sabi niya tapos ay umalis na.

Ang sabi niya may mga tao naman daw sa loob. Kaya tinapangan ko ang sarili ko at naglakad na papasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok ko ay tahimik naman sa loob. Walang tao.

Ay hindi. Meron. Nasa gilid nga lang. Dun sa may dirty kitchen. Yun yung mga katulong na naglilinis. Medyo malapit din naman yung banyo dun. Mga 15 steps.

Nilakasan ko ang loob ko at pumasok na sa banyo.

Malaki ang banyo dito. May malaking bath tub sa gilid. Isang malaking salamin at yung bowl na malapit lang sa Bath tub. Tumaliko ako at sa may pinto humarap. Ayokong humarap sa may salamin. Natatakot ako. Alam mo na.

Tapos na kong magpalit ng makaramdam naman ako ng pag-ihi. (hehe)

Umupo ako sa bowl at umihi.

Sunod na nangyari ay nakaramdam naman ako ng hangin. Malamig.

Kinakabahan ako dahil paano magkakaroon ng hangin dun?

Agad akong tumayo at sinuot ang pambaba.

Ifa-flash ko na sana nang mapatingin ako sa Bath tub.

MAY NAKITA AKONG BABAE!

NAKAUPO SIYA SA BATH TUB AT NAKATINGIN NG DIRETSO SA DINGDING!

Piniklit ko ang mga mata ko at sa pagdilat ko'y nakatingin na sakin ang babae.

Nanlaki ang mga mata ko nun dahil WALA SIYANG MUKHA!!!

Tumakbo na ko nun palabas dahil baka may kung anong mangyari pang iba.

______________

AN: Burado daw. As in WALA! Parang blur na ewan. Yun ang sabi ng pinsan ko. At ang sabi pa niya, duguan daw yung katawan pati yung tubig. Yung buhok naman, gulo-gulo pero nasa gilid lang. ALAM NIYO YUN? Yung parang white lady?

May nabasa din akong True Horror story dito eh. Nakakita rin daw siya ng White Lady pero WALANG MUKHA! So baka, wala nga talagang mukha ang mga PUTING BABAE. Kaya kapag nakakita kayo ng may mukha. Trip lang yon! Jusme. XD

PS: TOTOO PO YAN!

SKYPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon