"Kimmy samahan mo naman ako sa registrar oh" pagpupumilit ko sa kanya habang hinihila ko ang kamay niya, para tumayo na siya sa upuan niya.
"Dyan lets wait Ms. Cruz for a minute, baka bigla siyang dumating"sabi niya
"4:35 na, 35 minutes ng late si Ma'am hindi na dadating yun, dali na Kimmy" pagpupumilit na sagot ko sa kanya. Base on our Handbook pag 30 minutes ng late ang professor pwede ng umalis ng classroom. Twelve Student na lang din ang natitira dito sa classroom, most of my blockmates umalis na nagdota at nagmall na lang sila. Tapos itong si Kimmy sa registrar lang ako sasamahan ayaw pa. Ibang klase talaga tong kaibigan ko mukhang hihintayin niya hanggang matapos ang oras ni ma'am.
"Ok fine, ako na lang mag isa, Itext mo na lang ako pagdumating si Ma'am" sabi ko sa kanya at nag Ok sign lang siya habang nagbabasa. WEIRD. "sa registrar lang naman kasi ayaw pa kong samahan" pabulong ko habang palayo sa pwesto niya.
Paglabas ko ng classroom nakita ko si Nathan naglalakad ng sobrang bagal at nakayuko. Ano naman kaya ang nangyari dito? Binilisan ko mag lakad para sadyaing bangain siya.
*Boogsh*
Hindi naman malakas ang pagbungo ko sa kanya pero bakit napatumba siya. Nilapitan ko siya "Uy Nathan ano nangyayari sayo?" inabot ko sa kanya ang kamay ko para tumayo "Hindi naman ganun kalakas ang pagbungo ko sayo para matumba ka ah? Bakit may problema ba ang bestfriend kong Medtech?"sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"wala, naka itlog lang ako sa quiz namin" malungkot na sagot niya
"sus, yan lang naman ang na zero mo, at ang iba halos perfect mo na, oks lang yan alam kong makakabawi ka. Ikaw pa ba ?" sabay palo ko ng mahina sa braso niya. Pero ang weird din ha, halos lahat ng quizzes and exam niya almost perfect niya na.
"saan ka nga pala pupunta? wala ka bang class?" pagtatanong niya
"wala prof namin eh, pupunta kong registrar mag inquire ako for Senior High si Jake kasi gusto niya dito."
"gusto mo samahan kita ?"
"hindi wag na, papamukha ko kay Kimmy na kaya kong pumunta mag isa sa registrar hahaha" pagtangi ko sa kanya
"baliw ka talaga, sige kung yan ang gusto mo, balik na ko sa klase"sabi niya ng nakangiti
"timang ka may class ka pala, tapos sasamahan mo ko, gusto mo lang ata magcutting eh" tinaasan ko siya ng boses na parang nagagalit na ina. loko kasi
"sige na, pumunta ka na sa registrar" habang tinutulak ako
"oo na ito na, bye bye"pagpapaalam ko sa kanya, at ayun nag hiwalay na kami.
Habang naglalakad nakikita ko yung mga athletes na nagtetraining sa quad, may nagsesepak, may nag bebase ball, may nagjojogging ay jusme sa tirik na araw. Iba talaga tong mga athletes pano nila na gagawa yan? Pero mamimiss ko tong view na to. Ang popogi kaya ng mga athletes namin dito sa school kahit masunog na sila sa kakatraining. Ilang buwan na lang din kasi gagraduate na kami ni Kimmy, si Nathan naman may one year pa siya.
*boogsh*
putsha ang sakit nun ah, lumingon ako sa likod dahil may bumanga sa akin tatarayan ko sana pero
"Mianhae , Mianhae, Mianhae" ano daw? sa bawat bigkas niya nun yuko siya ng yuko, korean ba to oh nilamon lang ng Kdrama?
"Sorry talaga ate"pagpapaumanhin niya at tumayo na siya ng maayos.
"Hindi ka naman koreana Gail" sabi ko sa kanya, siya si Gail High School student kapatid ni Nathan.
"hala ikaw pala yan ate Dyan, sorry nag mamadali kasi akong pumunta ng Med building pupuntahan ko kasi si kuya nasa kanya yung baon ko, nakalimutan ko kasi sa bahay" sabi niya sa akin.