**Wherever you are, I'll always make you smileWherever you are, I'm always by your side
Whatever you say, kimi wo omou kimochi
I promise you "forever" right now ~
** Wherever you are, I'll never make you cry
Wherever you are, I'll never say goodbye
Whatever you say, kimi wo omou kimochi
I promise you "forever" right now ~
"HOY! DYAN BUMANGON KA NA AT MALALATE KA NA, 7:30 NA!!!" hindi ko alam kung bakit bigla kong narinig ang sigaw ng nanay ko, at hindi ko rin alam kung bakit basa ang dami------
napabangon ako bigla "oh shit shit!" sabi ko sa sarili ko
"bakit mo ko ginising ma?! dapat di mo na ko ginisng, panira ka naman ng magandang panaginip eh"pagrereklamo ko sa nanay kong nakatayo sa gilid ng kama ko na siyang sumirang ng panaginip ko
"WALANGYA KANG BATA KA! GUSTO MONG MATULOG AT HUWAG NANG MAGISING?!" sigaw sa akin ng mabait kong ina.
"ito na babangon na" tumayo na ko sa hinihigaan ko at kinuha ang towel ko tyka dumeretso sa banyo para maligo.
"mag almusal ka muna bago ka pumasok" aya sa akin ng nanay ko pag baba ko galing sa itaas.
"hindi na, malalate na ko, major subject pa first class ko" sabi ko sa kanya tyka ko siya hinalikan sa pisngi at uminom ng tubig na katabi ng nakahain na pagkain
"bye ma, alis na ko" pag paalam ko bago lumabas ng pintuan ng bahay namin
"mag ingat ka sa pagbyahe" pagpapaalala niya
tumakbo na ko para makasakay ng tricycle sa kanto namin para makalabas sa village, buti na lang at naabutan ko tong tricycle na dalawa na lang ang kaylangan at aalis na. Habang nag aantay ng isa pang pasahero na makakatabi ko sa backride, nilabas ko muna ang cellphone ko para mag laro ng sims mobile. Hahaha nag eenjoy akong laruin ang game na ito dahil ang character ko dito ay may jowang nag ngangalang Dylan, pero syempre pinalitan ko ang last name nito, alam na para hindi masyadong halata. Dahil ang dalawang character ay mag kasama sa iisang bubong pinag flirt ko muna sila, hahaha ang landi ko, eh bakit ba. Habang nakikipag flirt ang aking dalawang character sa Sims, may biglang umupo sa tabi ko
"Oops" ani ko ng bigla ding tumakbo ang tricycle na sinsakyan ko kaya muntik na kong mahulog. Buti na lang nahawakan agad ako ng katabi ko kung hindi ewan ko na lang
" thank you" paglingon ko sa kanya habang hawak niya pa ang isang braso ko at ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa hawakan.
Hindi ko alam kung ano pwedeng mangyari sa akin ngayon, kung matutunaw ba ko o mag papakain sa lupa o baka nasa langit na ko dahil sa ganda ng ngiting isinagot sa akin ng taong mahal ko. Mukhang kaylangan kong magpasalamat sa aking ina na ginising ako para pumasok. Kung hindi baka na missed ko ang magandang pagkakataon na ito. Ang taong limang taon ko ng hinahangan ay ang taong katabi ko ngayon. Hayy gentleman nga siya hindi niya ko pinabayaan mahulog. Pinabayaan ko lang ang sarili ko na mahulog sa kanya.
Paglabas ng tricycle sa village pumara agad ako ng jeep dahil 10 mins na lang ang titira sa akin at malalate na ko. Pero hindi ko expected na sasakay din dito ang si Dylan, puno na ito though pwede pa ang dalawang tao sa mag kabilang upuan yun nga lang kalahati ng pwet mo na ang nakaupo.
"bayad po" pag abot ko ng pera sa linya ng kinauupuan ko, pero ibis na sila ang kumuha si Dylan na nahihirapan sa pag upo ang umabot nito. Mga walang kwentang katabi to, yung taong nahihirapan pa talaga ang pinag abot. Pero ok lang kinilig kaya ako HA HA HA HA.