NATHAN's Pov
Nagpunta ko sa building nila Dyan, dahil sa kagustuhan kong makasabay siyang maglunch. Tinext ko si Kimmy na gusto kong makasabay si Dyan mag lunch paganun alam na niya kung anong move ang gagawin. Nakita ko si Dyan na lumabas na ng room, normal lang paglakad ko at hindi ko ipinakita na naeexcite akong makita siya.
"Nate napadpad ka dito?"tanong niya sa akin. sa tuwing nag kakalapit kami, bumibilis ang tibok ng puso ko. Dati pag gantong bumibilis ang tibok ng puso ko namumutla ako kaya akala nila may sakit ako, pero ang totoo niyan kinakabahan ako sa tuwing kasama ko siya. Five years, sa loob ng limang taon siya ang laman ng puso ko corny pakingan pero ganun talaga. Pero sa Five years na yun, ibang tao ang ang laging bukang bibig niya, si Dylan.
"pupuntahan kasi talaga kita, teka wala na kayong klase?" honest na sagot ko sa kanya
"wala si Ms. Cruz, eh bakit mo pala ko pupuntahan?" pag sagot at tanong niya naman sa akin
"ah may gusto sana kong sabihin" na matagal na kitang mahal. Pero syempre joke lang gusto ko lang siya ayain mag lunch na. Papayag naman siya, kahit nag sabi sa kanya si Kimmy na mag sabay sila. Sinabihan ko din ang kapatid ko na mag sasabay kani ng ate Dyan niya, madalas kasi nag sasabay kaming kumain ni Gail.
"ano ba yun? samahan mo na lang muna ko sa registrar" pag aya niya sa akin
" ano gagawin mo dun?" tanong ko naman sa kanya
"mag inquire ako for senior high gusto kasi lumipat ni Jake dito" sagot niya, kapatid niya si Jake pero wala siya dito sa manila, sa probinsya siya ang aaral ngayon.
"ok sige tara" pag aya ko sa kanya
kaso paalis na kami sa kinatatayuan namin ng biglang lumapit ang mga kagroup ko sa Bio.
"Group leader sabi na nga ba andito ka lang eh, may kailangan ka pang idiscuss sa amin" sabi ni Paul tropa ko, hype din to eh hindi mo alam kung naninira ng diskarte alam na alam kung saan ako hahanapin, hindi ba marunong makiramdam.
"Ha? meron ba? sabi ko mamaya na tayo mag meeting di ba?" sagot ko kay Nathan na medyo ng gigil. Hype ka makiramdam ka naman.
" sorry Nathan, hindi kasi kami pwede mamaya, may gagawin pa kami." sabi naman ni Richard na kagroup namin
"hinanap ka nanamin kasi hindi ka sumasagot sa group chat, eh sabi naman ni Paul naka break ka ngayon, so na isip namin na ngayon nalang sonce halos lahat busy na mamaya" pag papaliwanag naman ni Marites. Oh God please help me na maunawaan naman nila oh.
"oh sige na Nathan, mag grouping na muna kayo, mamaya na tayo mag usap" tsk. nalintikan na wala na kong magagawa nito kung di mag meeting kami ngayon.
"sige sige kita na lang tayo mamaya" sagot ko sa kanya
"sure sa inyo mamaya, babye" sabi niya tyka umalis
"tera sa lib" pag aya ko sa kanila, at hinila ko si Paul at inakbayan
"King ama ka naman pre, panira ka ng diskarte eh" sabi ko kay Paul at medyo sinakal ko siya sa pagkakaakbay ko.
"Sorry na par, sila kasi wala daw time mamaya" pangangatwiran niya
"hayaan mo na, nangyari na eh" sabi ko sa kanya
Pagdating namin sa Library kumuha kami ng Discussion room para kami kami lang ang mag kakarinigan. Sa loob ng discussion room may 6 chair, 1 table na circle at white board and pentel pen.
'RUIN' sinulat ko yan sa board since ako ang group leader ako mag didikta kung may meeting o wala.
"alam niyo ba kung ano ang connect ng word na yan sa Bio project natin?" tanong ko sa kanila ng kala mo eh konektado ang salita ito sa project namin. At sila naman ay seryosong nakatingin sa akin na akala talaga eh related pa yan. Ang laki kasi ng tiwa nila sa akin dahil ako daw ang laging nag totop sa quiz, exam at departamental exams namin. Ewan ko pero ganun na yung mga mindset nila, hindi man lang nila bigyan ng pagkakataon ang sarili nila na mag lead din.