" Congrats ate Dyan" bati sa akin ni Gail at inabot niya sa akin ang isang boquet ng bulaklak.
Graduation day namin ngayon, expected ko na magiging masaya ang araw na ito dahil sa wakas tapos na kami sa pagiging estudyante at mag sisimula ulit kaming buuin ang panibagong pahina ng kwento ng aming buhay. Pero hindi lang pala kami masaya, malungkot din. Malungkot kasi ito na ang last day namin sa school na buo ang block namin, ang solid kasi mula 1st yr hanggang 4th yr kaming 46 students ang magkakasama walang nahiwalay at walang nadagdag. Para kaming High School students dahil halos lahat kami nag iyakan dahil alam naming mamimiss namin ang isa't isa at ang mga kalokohan sa room.
"Nasan si Nate, Gail?" tanong ko.
"ayaw sumama, pinipilit ko na nga siya na pumunta pero ayaw talagang mag papilit" sagot niya
"hanggang ngayon pa rin ba?" tanong ko
"ewan ko ba dun" malungkot na sagot niya
"Dyannnnnnnnnnn" sigaw ni Kimmy na papalapit sa amin ni Gail
"Class picture daw tayo dun" pag inform niya sa akin
"ok sige" sagot ko sa kanya "Gail, punta lang ako dun. Kita na lang tayo sa bahay yayain mo kuya mo ha, sabihin mo naghanda sila Mama" sabi ko sa kanya
"Sige ate, Congrats ulit" at nag paalam na kami sa isa't isa.
"Nasan nga pala sila Tita?" tanong naman ni Kimmy sa akin habang naglalakad kami papuntang Auditorium.
"Umuwi na after ng ceremony, kaya si Gail ang kasama ko kanina" sagot ko na naman "Eh sila Mama mo?" balik na tanong ko sa kanya.
"Inaantay ako sa may gate, kakain daw kami. Eh bigla akong tinawag ni Jason na mag pipicture daw kaya ito" sagot niya
tumungo ako " Hoy mamaya ah, sa bahay magpaalam ka na kela Tita!" pag papaalala ko sa kanya.
"Yup, nakapagpaalam na ko at pinayagan ako" sabi niya naman.
"Hoy! Kim, Dy! daliaan niyo naman mag lakad kayo na lang inaantay dito oh, aalis na!!" pagbibiro ni Syd
"kala ata nila nasa moon sila kaya ganyan mag lakad" gatong naman naman ni Kate
"ito na oh" sagot ni Kimmy, sabay takbo namin sa stage at pumwesto.
"Oh sino mag pipicture?" tanong ni Harold oh di ba ready na daw pero wala palang photographer.
"ito na ito na ang mag pipicture" hila hila naman ni Gord ang professor namin sa Management. Oh diba lakas ng tama ng isang to gawin daw bang photographer ang prof namin.
Hindi ko mabilang kung ilang shots at pose ang ginawa namin. Basta alam ko may formal, may wacky at kung ano ano pang shots na ang gulo gulo namin at puro tawa lang. At pinanindigan ng prof namin ang pagiging photographer. Mamimiss ko talaga sila.
"Congrats pamangkin" bati sa akin ng tito ko nakapatid ni mama