Minsan nung umalis kaming magkakaklase nagkayayaan kaming uminom. Dahil di naman
Ako ganon kacheap alam ko naman na kahit manganak ng kalabaw ang kambing eh babae padin ako
Kaya hindi ako nagpakalasing. Medyo lasing na sila Clarence kaya nag aya nakong umuwi.
“Clarence! Tama nayan. Lasing na kayo baka din a kayo maka uwi niyan?”
“Sige tara na!” Sagot ni Clarence pero hindi na siya makatayo sa kalasingan. Ang weak niya! Di naman ganun kasama ugali ko kaya I decided na akayin si Clarence.
“Mikhail! Alam mo saying ka e?” lasing na lasing si Clarence nang sabihin niya sakin yun.
“HA? Anong pinagsasabe mo? Lasing kana uy.” Sagot ko sakanya.
“Ano bang kulang?” naluluha si Clarence nang tanungin niya ko.
“Ano? Alam mo tumigil kanalang sa mga sinasabe mo. You’re drunk.”
“Pogi namn ako diba? Haha.”
“Oo na sige na”
“Oh, Eh abkit di mo ko magustuhan?”
“Pare alam mo naming di tayo talo.”
“Alam mo, yun yung T*ngnang masakit don. I’m fallin’ for you.”
“Nako Clarence . naparami na talaga yata yung inom mo.”
“Di moko naiintindihan Mikhail e. masakit eh.”
“Bakit naman ha?”
“Kase sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko,ako yung hinahabol ako yung nang-iiwan, nagpapaiyak. Pero ikaw iba eh. BullSh*t!”
Biglang umulan nung gabing yon. Hindi siguro alam ni Clarence ang mga sinasabe niya. Pero tinanong ko nalang siya kung bakit.
“Kase kahit gano ko sabihin yung nararamdaman ko, hindi mo maiintindihan!”
Hindi ko alam pero parang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Clarence affected ako. Bawat salita bawat luha. Nasasaktan at nadadala ako!”
“Pano kita maiintindihan Clarence? Ang labo labo mo!”
“Umaasa ako sa bagay na alam kong imposible. Alam ko Malabo. Anghirap. Nagmamahal ako. Pero ngayon pa ko dinatnan ng karma eh. Kung kelan ako seryoso dun hindi pwede. Dun madaming hadlang.”
Nabigla ako sa sinabing yun ni Clarence. Hindi ko yun inexpect, alam niya namn na yung sitwasyon ko e? Pero bakit ba ko naaapektuhan. Nakakainis pero kahit isipin ko pang tibo, tomboy, lesbian ako.parang meron akong nararamdaman na konting pagkagusto sakanya. Naihatid ko na si Clarence sa bahay nila para makapagpahinga na siya baka dala lang yun ng alak.
