Umalis na ‘ko sa covered court at dumiretso sa Garden ng school namen. Ewan ko may nagsasabi kasi sa ulo ko na pumunta ako dun. Atsaka first time ko dito kaya siguro maganda kung itour ko muna sarili ko dito. (FOREVER ALONE MODE T.T)
Ang ganda ng garden puro green makikita mo. Malaking puno atsaka may pond pa ah. Wow lang. Habang naglalakad ako, may nakita akong nakahiga sa isang malaking puno malapit sa pond. WAIT! Kilala ko yun ah! Si --- si Renz yun! Ano ba yan! Kumukulo talaga dugo kapag nakikita ko siya!
Paalis na sana ako, kaso biglang nagising si Renz . . . Putek naman >.<
“Psh. Malas naman.” Sabi niya sakin tapos tumingin siya sakin “Anong ginagawa mo dito?” ABA! Ang kapal ata neto! Sakanya tong garden? Sakanya?
“Kung makapag salita ka parang sayo yung garden!” Tapos nag roll eyes ako sakanya, pero tumitingin parin siya sakin yung tingin na parang demonyo. Wait demonyo nap ala siya. Tss. Atska anong pakelam niya gusto ko mag stay dito! >:P
“Since andito narin ako mag papahinga na rin ako dito. Wag mong isipin na gusto kitang makasama. I’m just here to rest”
“Bahala ka sa buhay mo.” Sagot naman niya sakin tapos kinuha niya yung manga niya tapos nag basa na siya. Umupo ako sa punong inuupuan ni Renz, pero dun sa kabilang side.
Ang tahimik pala dito… Kaya naman pala andito tong lalaki na to. Cinlose ko eyes ko then huminga akong malalim. Sigh…
“Kaya naman pala andito ka kasi tahimik no?” Then tumingin ako sakanya, tapos nakita ko siyang nag nod.
“Pero andito ka na kaya hindi na tahimik.”
“WHAT!?” Ano sa tingin niya sakin chatter box!? Ni d nga ako masyadong nag sasalita eh! “Kaasar ka talaga ever!” Nag sigh siya bigla tapos cinlose niya yung book niya then humiga siya sa grass.
“Tumahimik ka nalang diyan.”
“Hmpf.” SINO KAYA NAKAKA’TIIS SA LALAKING TO!?
BINABASA MO ANG
Confessions of a silent lover
Teen FictionNaniniwala ka ba sa “FOREVER?” “Trust?” “At sunshine?” Paano kung naka’kulong ka na sa didlim at hindi maka’takas? Maniniwala ka pa bang lalaya ka at sasaya ka pa? Maniniwala ka pa ba mahahanap ang sunshine? Hahanapin mo ba to o mag papaka’tanga nal...