Habang busy na nag aaral si kevin para sa kanilang paparating na quizbee, bigla siyang tinawag ng kanyang Yaya
"Kevin, may naghahanap sayo" salita mula sa pintuan
"po? sino naman po?"
"yung kaibigan mo"
"Kaibigan?" bigla namang nanlaki ang mata ni Kevin "si Maxine??"
"Oo. babae kasi, at maganda. dalian mo na diyan at hinihintay ka niya dito"
bigla namang napakamot si Kevin sa pagdating ni Maxine. Dahil ngayon lang ulit na may magpunta sa kanilang bahay
bumaba na si kevin patungo sa sala at nakita niya si Maxine na nilalabas na nito ang mga gamit mula sa kanyang bag
"Maxine? anong ginagawa mo dito?"
"malamang mag aaral" sagot nito habang busy sa kanyang ginagawa
"pero bakit dito pa?"
"ito naman napakadamot! dito nalang muna ako sa ninyo, ingay kasi sa bahay eh. Syaka.. "ngumiti ito kay Kevin "ito nalang ang libre mo sakin. Halika, mag group study tayo!"
"nako naman!" sabay kamot ng ulo
"nga pala, may pinapabigay si Mama. ALam niya kasi na pupunta ako dito kaya nagluto siya ng pansit at ipinadala para kay Tita. pansit yan"
"Salamat kamo kay Tita"
"Madam!" biglang salita ng yaya ng biglang bumaba ang kanyang Amo
"Ma!" inalalayan ng dalawa ang Ina pababa ng hagdan
napatingin naman ang Ina ni Kevin kay MAxine
"Ah ma, kaibigan ko po pala. Si Maxine po" pagpapakilala ni Kevin
"maupo ka"
"salamat po. ah, Tita pinapabigay po pala ni mama para po sa inyo. Pansit po" nakangiting saad nito
"salamat"
"mabuti pa, ihain ko nalang muna to para makain na. Maiiwan ko muna kayo ha" at nagtungo na siya sa kusina dala ang pagkain
"ang ganda ng kaibigan mo ah" saad naman ng Yaya
"tingin ko po?"
"at syaka ang kulit kulit. tingin ko bagay kayong dalawa. ganyan ka nung bata ka eh"
"Manang naman"
"bakit? totoo naman eh. Sinusuportahan lang kita"
"Manang magkaibigan lang po kami ni Maxine okay? at hanggang dun lang po yun"
"aysus kunyari ka pa"
"mabuti pa po manang, ihatid nalang natin to"
Papalapit na sana ang dalawa kina Maxine ng biglang mapatigil si kevin sa kanyang paglalakad, kaya naman napahinto din ang yaya nito
"Alam mo ba, nung nabubuhay pa ang anak kong si Ivan, sobrang talino nun, napakagaling, napakasipag, makulit. Ang kaso eh nawala na lang siya sa isang iglap. Miss na miss ko na nga ang anak ko eh. Sobra. napakahirap talaga para sa isang Ina ang mawalan ng pinakamamahal na anak" sambit ng Ina habang kausap ang kaibigan ni Kevin
"wag po kayong mawalan ng pag asa tita, at wag po kayong panghinaan ng loob. Nandyan pa po ang isa niyong anak oh"
"h-hindi siya ang kailangan ko. tandaan mong iba sya sa anak ko. iba sya. Mas magaling ang anak ko na iyon, mas kailangan ko siya. si Ivan ang kailangan ko.."
"pero tita, magaling din naman po si Kevin eh, sa katotohanan nga po niyan kami po ang pinanglaban sa ibang school para sa paparating namin na quizbee"
"hindi ko tinatanong iyan. at wala akong pakialam. Ang kailangan ko, si Ivan"
"Pero kasi Tita---"
"Nandito na ang pagkain. kumain muna kayo"
"wala akong gana.." sabi ng Ina at tumayo sa pagkakaupo
"sige na, dyan muna kayong dalawa. ako na ang bahala sa Mama mo" at inalalayan ang Amo pabalik sa kwarto
"Tara na, simulan na nating mag review, kailangan mo pang umuwi ng maaga"
"grabe ka naman, di pa nga ako nakaka-kalahati sa kinakain ko pinapauwi mo na kagad ako"
"Maxine hapon na. anong oras kana kayang pumunta dito hindi ka pwedeng gabihin dahil baka pagalitan ka pa"
"ang sabihin mo. Concern ka sakin diba? diba?" pangungutya nito
"ewan ko sayo.magsimula na tayo"
"magsimulang alin?"nakangiting tanong nito
"Maxine"
"hays oo na"
Nagsimula ng ngang mag aral ang dalawa. halos mag tatatlong oras na silag nag aral at halatang nag eenjoy ang mga ito sa kanilang pag aaral
"anong oras na Maxine, kailangan mo ng umuwi"
"hala oo nga" at niligpit na ang mga gamit tinulungan naman siya ni Kevin
"halika, ihahatid na kita sa labas"
"uy~ ang sweet naman ng kaibigan ko. Tara na hatid mo na ako"
Pagkadating sa gate
"paano ba yan, nandyan na sundo ko. kita nalang tayo bukas" pagpapaalam nito at sumakay na sa loob
"ingat"
pagkaalis ay pumasok na si Kevin sa loob at agad na niligpit ang mga gamit. napaupo naman si Kevin at napahinga ng malalim
"alam kong hindi mo nagustuhan ang mga narinig mo kanina. WAg kang mag alala anak, konting tiis nalang malay mo kinabukasan o baka sa susunod paglutuin ka ng masarap na ulam ng Mama mo diba?"
"hindi ko alam Manang. hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa mararansan to. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa pagtitiisan ang walang atensyon at pagmamahal ni Mama sakin. Manang, miss ko na po ang dati. Miss ko na yung laging nandyan si Mama sakin, sa tabi ko . Kaso nung nawala si Kuya Ivan, parang patay na rin ako kay Mama. Parang hindi niya ako anak at nawala na lang bigla lahat"
"ssh...wag kang magsalita ng ganyan. Alam kong mahal na mahal ka ng Mama mo. at alam mo yan sa sarili mo. kaya lang naman ganun ang mama mo ay dahil nangungulila pa din siya. Ganyan talaga ang mga Ina, mahirap tanggapin ang pagkawala ng minamahal nila. Lalo na ang anak. Kaya pag ikaw nag asawa, mararamdaman mo din kung ano ang nararamdaman ng isang tunay na Ina, kagaya ng mama mo. Kaya wag ka dapat nag iisip ng kung ano ano ha? tandaan mong nandito ako sa tabi mo at ang kaibigan mo. At wag na wag kang mawawalan ng pag asa dahil lahat ng bagay ay may imposible na mangyari. Nandito lang si Manang okay? "at niyakap si Kevin at pinunasan ang luha nito
"salamat Manang. lagi kang nandyan para sakin, halos ikaw na ang tumayo kong pangalawang Ina"
"walang anuman. sa tagal ko ba naman na pag aalaga sayo eh. wag ka ng umiyak. hindi bagay sa kagwapuhan mo. ang gwapo gwapo eh"
"manang naman eh" sabay yakap dito