Lumipas ang ilang araw, nakalaya din si Kevin sa kulungan. Napatunayan kasi nito at ng DNA test na hindi nga talaga nag ttake ng drugs si Kevin. Hindi man niya napatunayan sa pulisya na sya ay nadamay lang sa pangyayari ngunit nakulong naman o naiwan sa kulungan ang apat na magbabarkada. Kaya laking pasasalamat nalang din ni Kevin sa tulong mula sa kanyang Manang
Gayunpaman, nang siya ay makalaya mula sa tulong ng kanyang Manang ay hindi pa din naiibabalik ang dating pagtingin at tiwala ng kanyang mga magulang sa kanya. Hindi siya nito pinapansin ng Ina at ng kanyang Ama sa kanilang bahay na parang hindi nila kilala ang isa't - isa. Tungkol naman kay Maxine, hindi na siya nito pinapansin o na man hindi na sila nagkakausap pa simula ng dumating ang problema sa dalawa.
At dahil tapos na ang pangyayari siya ay nakalaya na, naisip nito na pumasok na sa paaralan dahil matagal tagal na din siyang hindi nakakapasok. At matagal niya na ding hindi nakikita ang kaibigan niya na si Maxine.
Pumasok si Kevin sa paaralan at kanyang napansin na siya ay pinagtitinginan ng kanyang mga kamag-aral sa loob, naririnig pa nitong siya ay pinagbubulungan at pinaparinggan at kung ano ano pang salita ang kanyang naririnig patungkol sa kanya
Hindi ba sya yung nakulong?
Oo. Sya nga. Ang sabi nagddrugs daw yan
Layuan natin sya baka mapano pa tayo
Pero napatunayan na daw na hindi naman talaga sya gumagamit ng droga diba?
hays. Sayang. Sya pa naman ang may malaking kuha ng average sa campus.
Nalungkot si Kevin sa mga naririnig niyang salita sa iba, Hindi niya alam kung paano niya pa ba ito malalagpasan dahil nawawalan na ito ng pag asa na maibabalik pa ang dating masayang buhay niya bilang normal na estudyante. Napaupo nalang sya sa isang sulok at doon ibinuhos ang kanina pang pinipigilang luha.
Habang tinitignan nito ang litrato kasama ang buong pamilya, naantig ang kanyang puso at pilit na nagbabagsakan ang kanyang mga luha. Napansin din nito ang isang bracelet na naka-kabit sa kamay nito kaya naman naalala niya ang kanyang kaibigan na si Maxine
"Kevin.." boses ng babae na kanyang matagal ng hindi naririnig. Tinignan ni Kevin kung sino iyon at ng kanyang tignan ay
"Maxine?" tawag sa kanyang kaibigan "a-anong ginagawa mo dito? l-lumayo ka, b-baka pati ikaw makarinig ng hindi maganda---" hindi na natuloy pa ni kevin ang kanyang sasabihin ng bigla siyang yakapin ni Maxine na kanyang ikinagulat "Maxine.."
humagulgol naman ang babae habang yakap yakap nito ang kaibigan "I'm sorry Kevin. Sorry kung hindi ako naniwala sayo nung araw na yon. Patawarin mo ko Kevin kung yung sarili mong kaibigan hindi ka natulungan. At ako yun.I'm sorry.." humiwalay si kevin sa pagkakayakap ng babae
"kung alam mo lang, ang sakit at hirap na pinagdadaanan ko, Maxine. Kinailangan kita dahil alam kong ikaw lang ang makakaintindi sakin. Pero hindi. Kinamuhian mo ko. Iniwan mo ko."
"Pero bakit kailangan mong maglihim?! Bakit hindi mo kagad sinabi sakin ang totoong ginawa nila sayo?! Magkakampi tayo dito diba? Diba?!"
"tinago ko yun dahil sa inyo! Para maprotektahan ko kayo dahil pag nagsabi ako, madadamay kayo! Pag sinabi ko, Hindi lang ako ang mamamatay kundi kayo! Dinamay nila kayo sakin. Kaya wala na akong choice kundi ang manahimik nalang!" sigaw nito na siyang ikinatigil ng babae
Napatigil si Maxine sa kanyang mga narinig
"Ayokong pati kayo madamay. Pero alam mo, kahit pala anong gawin ko, wala din. Ginawa ko lang naman ang tama eh. Tinago ko yun para lang maprotektahan kayo, pero wala. Kahit pala anong gawin ko hindi pa din nila ako mamahalin. Kasi kahit sila hindi ako pinaniwalaan, hindi nyo ko pinaniwalaan! Sarili kong Magulang?! Kaibigan?! haha--" umiiyak niyang saad. Hindi niya na natuloy pa ang kanyang sasabihin ng yakapin siya ng kaibigan