THE PRODIGAL SEVEN - DON'T ME

8 1 0
                                    

Nasa isang warehouse ngayon ang magbabarkada kasama si Kevin

"alam mo, buti nalang talaga umalis na yung babaeng yon, dahil kung hindi baka napatulan ko na sya" saad ng isa habang sila ay nagiinuman

"mabuti na rin yung umalis siya, dahil kung hindi baka sa kakasunod sunod niya dyan kay Kevin, nahuli na tayo" saad naman ni Gian habang naninigarilyo

" hayaan mo na yon tol, mabuti pa mag inom nalang tayo"

"Oh kevin, kanina ka pa tulala diyan. baka gusto mo namang uminom?" inabutan niya si Kevin ng isang maliit na basong alak pero hindi niya iyon ginalaw. Nakaupo lang ito at walang imik "wala kabang balak na inumin yan? inom na" kinuha nito ang baso at pinilit na iniabot iyon kay kevin para inumin "inom na!"

"ayoko"

"dalina tol, ngayon lang ulit to" at muling inalok si kevin

"Inom na! wala namang mangyayari kung hindi mo ulit susubukan eh. at syaka, okay naman nung nakaraang uminom ka diba?" natatawang sambit nito

"Dalina!" abot nito ngunit hindi iyon pinansin ni Kevin "bakit ba ayaw mo? ha?! dahil ba yan sa kaibigan mong babae ha? sa Maxine na yan?? eh wala naman yan eh! "

hindi naman nakapagpigil si Kevin sa mga nasabi ng mga magbabarkada kaya hindi na niya napigilan pang magsalita "Wag niyo syang idamay dito! Napag usapan na din natin to hindi ba?! Wala kayong idadamay ni-sino man na malalapit sakin!"

" bakit? Natatakot ka ba na baka--" hindi na natuloy ang sasabihin ng bigla syang suntukin ni Kevin susuntukin din sana sya pabalik ni Gian ngunit napatigil ito sa sinabi niya

"Sige, ituloy mo. Baka nakakalimutan mo, hawak ko ang magiging kulungan ninyo. At nakikisama lang ako dito" pagbanta nito

"Baka ikaw ang nakakalimot. Damay damay tayo dito. At buhay ng tao ang nakasalalay sating lahat. Lalo kana. Kevin Montevero" pagbalik naman ni Gian at natahimik naman si Kevin sa nasabi nito "Kaya kung ako sayo, uminom kana lang at magpakasaya"

Maya maya may dumating na mga lalaki at sila ang mga lalaking nakita ni Kevin O ang boss ng apat

"mukhang nagkakasiyahan kayo dito ah"

"boss. bakit hindi mo sinabing dadating ka pala?" pag iiba nito

"wala lang. gusto ko lang kayong isupresa"

"bakit boss? anong meroon?"

May ilapag ang lalaki sa lamesa ng isang bag. mukhang malaki ang laman nito. Binuksan ni Ash ang bag at nang kanilang makita ang laman nito, lahat sila ay nagulat. nang tignan ni Kevin kung ano iyon, napatigil siya

"boss, saan galing tong perang to?? ang laking pera nito boss!" natutuwang saad ni Jon

"Alam kong nabigla kayo, yang perang yan, nakaw lang yan at pinapabigay yan ng lider natin. Para sa inyo yan, paghati-hatian niyo nalang"

"talagaboss?" hindi makapaniwalng tanong nito

"Seryoso ako. mahigit ilang milyon yan, malaking pera yan para sa inyo, kaya pagbutihin niyo pa ang pag tatrabaho ninyo dahil hindi lang yan ang pwede niyong makuha. milyon milyon pa." nakangiting saad ng boss nila

"Salamat dito boss--"

"hindi ako papayag" biglang saad niya" ibalik niyo na yang perang yan sa pinagkuhanan niyo. Masyado niyo na silang iniimpluwensyahan! kaya pwede ba, tigilan niyo na yan!"

"hoy bata, matagal ko ng hawak yang mga kaibigan mo. Wag kang magpakabayani diyan na mababago mo pa yang mga yan, matagal na silang na sakin. Kung ayaw mo ng pera ko, tumahimik kana lang!"

"Ayusin niyo yan ha!"  pagkatapos ay, nagpaalam na ang lalaki kina Gian at umalis na atsyaka naman pinaghati hatian ng mga magbabarkada ang pera. wala namang nagawa si Kevin

.........

"Maxine! maxine!" saad nito habang hinahabol si Maxine

"ano bang kailangan mo!?"

"can we talk? please? "

"wait.hindi ba friendship over na tayo? so, bakit lumalapit ka pa sakin?"

"Maxine, what are you saying? syempre ikaw pa din ang kaibigan ko-- "

"Stop. Please stop it Kevin. Sila na ang pinili mo kaysa sakin. and if i'm your friend talaga, you'll choose me over them. Pero hindi. mas pinili mo sila kaysa sakin. Well if that so, then you're not my friend anymore" at pagkatapos non ay iniwan niya na ang lalaki

"Maxine! Maxine!"

..........

"hindi na tama ang ginagawa nila Gian, pag ako nagtagal pa, maaari na akong masama kanila. lalo akong madadamay at lalong lalala ang problema ko kapag nagtagal pa ako sa kanila. kailangan kong gumawa ng paraan para na rin sa Mama at Papa ko, at pati na rin kay Maxine"

 Napansinng yaya na tahimik si Kevin na nakaupo sa labas ng kanilang bahay, at malalimang iniiisip kaya naman pinuntahan niya ito

"Mukhang malalim yata ang iniisip mo ah. Gabina, bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?"

" Wala po Manang, may iniisip lang po ako" sagot nito

"baka gusto mong sabihin yan sakin?"

"Nothing Manang. it's just about Maxine."

" bakit?nag katampuhan na naman ba kayong dalawa?" tumango naman si Kevin

" wagkang mag alala, mag kaayos din kayo nun. Sa tagal ko ba naman na nakikitakayong nag aaway bati, imposible namang ngayon pa kayo hindi magkaayos diba?tiwala lang anak, magkakabati din kayo nun"

"sana nga po Manang" malungkot na saad ng lalaki

......





THE PRODIGALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon