Ilang araw na ang nakalipas ng hindi magpansinan ang dalawang magkaibigan, nagkakatinginan na lamang ang dalawa. minsan naman ay, hindi na nakakapasok sa eskwela si Kevin dahil sa kanyang pakikipagbarkada. kahit ayaw nito, wala syang ibang choice dahil pinipilit siya nina Gian. Napapadalas na din ang kanyang hindi tamang paguwi nito sa tamang oras sa kanilang bahay kaya naman nagtataka ang Yaya nito sa kanya
Gabi na at wala pa din si Kevin sa kanilang tahanan at habang busy na naglilinis si Manang may biglang kumatok sa pintuan, akala nito ay si Kevin ang kumakatok ngunit ng kanyang buksan ito ay bigla siyang kinabahan na Ama pala iyon ni kevin
"Oh? Manang, para ka naman yata nakakita ng multo niyan"
"Sir, h-hindi nyo manlang po sinabing uuwi na po pala kayo" kinakabahan na saad ni Manang sa kadadating na Ama ni Kevin
"Why? kailangan bang pasurprise? Anyway, where's Kristina and Kevin?" tanong ng Ama
"SiMadam po sir, nagpapahinga po sa kwarto niya. si Kevin naman po.." kinakabahan na saad
"what? where is he? " tanong ng ama
"ano po kasi sir...."
"what?"
"Eh k-kasi po sir, yun. yun na nga po, h-hindi ko po alam kung nasaan siya" nakayuko at kinakabahang saad ni Manang
"what?! baka naman nasa school pa siya or baka naman nasa bahay ng classmate niya or what. Go, call him"
"Eh sir, yun nga po, nanditodin po ang mga gamit niya, malamang hindi pumasok yun. nag alala nga po ako ke-aga aga sir, wala kagad siya sa kwarto niya kanina gigisingin ko po sana siya"
"then where did he go??" nagtatakang saad ng ama
"hindi ko din po alam sir eh, napapansin ko nga po na napapadalas na po na gabi na siya umuuwi. kaya nag aalala ako baka mapano po sya"
...........
kasama ng magbabarkada ngayon si Kevin sa isang warehouse. maya maya may nagsidatingan na mga lalaking mga nag aadik din at nag abot ng tig iisang sashey ng shabu
"magaling ka..." inautan ni Gian ang lalaki ng pera bilang bayad nito "malaki laki yan, sayo na yan"
"ge, salamat dito" at sila ay nagsi-alisan na
"hanggang kailan niyo ba balak tigilan yan? hindi ba kayo nagsasawa? hindi bakayo natatakot? pwede kayong makulong sa ginagawa niyong yan!" sigaw ni Kevin ng makaalis ang mga lalaki
"alam mo, ang kulit mo talaga eh no? ano ba! ilang araw ka na nang nandito, kaya malamang pag nakulong kami, kasama ka. damay ka. at kasabwat kana din namin! kaya kung ayaw mong may mangyaring masama, itikom mo ang bibig mo!" may binibigay na pera si Gian sa kanya "Tanggapin mo nalang yan!"
"Hindiko kailangan ng pera mo, ang kailangan ko, ang kalayaan ko, ang dating tahimikng buhay ko! at hindi to!" parang maluluhang saad ni kevin
" sige! umalis ka! tignan nalang natin kung anong mangyayari sayo " sigang pahiwatig nito
Maya maya ay dumating si Ash at hingal na hingal ito
"Oh?anong nangyari sayo? hingal na hingal ah"
" Maynakapagsabi sakin, may paparating daw na mga pulis dito. Kailangan na natingumalis" saad ni Ash
Madali nilang inihanda ang mga gamit nila sa loob ng isang warehouse. bago sila umalis, sinigurado muna nilang wala silang maiiwan sa loob atsa sobrang taranta at hindi na alam ang gagawin ni Kevin, hindi nito alam na nahulog nito at naiwan ang bracelet ng kanyangkaibigan na ibinigay sa kanya
Hindi na nakita pa ni kevin ang apat na magbabarkada kaya naman tumakbo na ito papauwi sa kanilang bahay.
Hingal na hingal si kevin ng siya ay makarating, at sobrang natataranta sa mga nangyayari. Pagbukasniya ng kanilang pintuan, dali niya itong isinara at hindi niya alam, na nasalikod niya ang ama na kanina pang naghihintay sa kanya
"saan ka galing?" seryosong tanong ng Ama habang diretsyahang nakatayo sa harap ng binata
"Pa..." biglang kinabahan
"SAAN KA GALING?!"
"d-dyanlang po Pa-- "hindi na natapos pa ang kanyang sasabihin ng bigla syang sampalin ng ama sa kanyang pisngi ng malakas
"Pa..." pagtawag nito
"Nagpunta ako sa school mo kanina at wala ka don! Sinabi sa akin ng teacher mo na hindi kana pumapasok, at ang bababa na daw ng mga marka mo! ano? nakikipagbarkada kana? ha? kaya ba pinagpalit mo na ang kaibigan mo dyan sa mga barkada mo at sumama kana?! sumagot ka!" pag sigaw nito
" h-hindi Pa.. w-wala akong ginagawang masama okay? hindi ko po pinapabayaan ang pag aaral ko."
"hindi? ha? hindi? *may hinagis ang ama sa kanya na isang card at ang laman ng mga iyon ay ang grades niya, pati ang mga test papers nito na hindi niya nakuha noong siya ay absent "tignan mo. tignan mo! sige, nasaan diyan ang sinasabi mong hindi mo pinapabayaan ang pag aaral mo? ha?! hindi ka talaga maaasahan. wala.kang silbe!" bigla namang nanakit ang dibdib ng Ama kaya naman inalalayan siya ng kanyang kakababang asawa dahil narinig nito ang sugaw mula sa taas ""nagtrabaho ako para sayo, tapos ganito lang ang gagawin mo?! kabalastugan?!" alam mo, kung nabubuhay lang sana ang kuya mo at siya ang nasa posisyon mo, hindi ako magkakaganto dahil sayo!" sigaw ng ama
Bigla namang napatingin si Kevin sa kanyang Ama. at ang nasa isip lamang nito ay ang kapakapanan na kanyang ginagawa para lang sa kanila. Ngunit sa nararamdaman ni Kevin ngayon ay wala ng ibang nasabi ang kanyang mga magulang kundi ang pagkakamali niya at hindi ang dahilan kung bakit niya ginagawa iyon.
Pinunasan ni Kevin ang kanyang luha at nagsalita "Okay fine! sige. ako nalang. ako nalang lagi ang walang silbe, walang kwenta, at hindi niyo maasahan na anak. Tutal mas magaling naman si kuya diba, bakit nga ba hindi nalang ako yung nawala? bakit nga ba ako pa yung nabuhay saming dalawa? ---"
"K-kevin, anak" pagtawag ni manang
"Ako nalang lagi! ako nalang lagi ang masama,ako nalang ang laging walang kwenta sa paningin niyo! Diba Ma? Tama ako? Wala na kayong ibang bukang bibig kundi si Kuya at ang pagiging useless ko bilang tao. Bilang anak niyo. Pwede bang ako naman? Pwede bang pagkatiwalaan niyo naman ako kahit minsan lang? kahit isang beses lang? Pwede bang sakin nyo naman ibigay atensyon niyo kahit ngayon lang? Ginagawa ko naman lahat eh. Pero wala, wala pa din ako pagdating sa inyo. In the end, si kuya pa rin ang hinahanap hanap niyo kahit patay na sya. Andito ako, kung sakaling hindi niyo ako nakikita. Buhay na buhay akong nakatayo sa harapan ninyo. Please Ma, Pa kahit ngayon lang oh, kailangan ko kayo eh, pero kung hindi niyo yon mabibigay, kakayanin ko nalang tumayo mag isa" at iniwan niya ang kanyang mga magulang, sinundan naman sya ng kanyang yaya
Hindi mapigilan ni Kevin ang pagpatak ng kanyang mga luha, nakaupo sya ngayon sa kanyang higaan sunod naman ay pumasok si Manang
"Anak, Kevin...." naglakad ito papunta kay Kevin "Nak, alam ko ang nararamdaman mo, alam ko angdahilan kung bakit mo nagawa iyon, pero hindi pa din tama ang ginawa mongpagsagot ng ganun lang sa harap ng mga magulang mo"
" I'msorry Manang. Hindi na nakayanan ng galit kong hindi magsalita eh. I justcan't. Tingin ko, yun na din ang tamang oras na magsabi ako. Manang, ang hirap. H-hindi ko alam kung kakayanin ko pa" pailing iling nitong saad
"Wag kang magsabi ng ganyan. Malakas ka hindi ba? lakasan mo ang loob mo, wag kang mag alala anak, habang nabubuhay ako,tandaan mo sasamahan kita ano mang -mangyari. ha?" naiiyak na saad ni Manang. Niyakap niya ng mahigpit si Kevin
"salamat Manang. salamat dahil lagi kang nandyan at hindi mo ko pinabayaan"
"syempre ikaw pa ba? Eh baby kita eh" nakangiting saad ni Manang at niyakap nalang ng mahigpit si kevin