"Halika nga apo, bigyan mo naman ang lola mo ng masarap na yakap" saad ni lola Andrea na 69 years old pa lamang sa apo niya na si Athena.
Kasalukuyan na nagbabakasyon ang nag iisang anak ni Lola Andrea na si Glory kasama ang asawa nito na si Melanio at dalawang anak na si Athena at Eros.
Si Athena ay pitong taon gulang at si Eros naman ay halos isang taon lamang.
Tumayo si Athena sa pagkakaupo dahil siya ay naglalaro sa may hardin at papalapit sa kanyang Lola Andrea para ibigay ang hiling nito.
Patakbo na pumunta si Athena sa kanyang lola hahang nakangiti naman ang lola nito na sasalubungin ang yakap ng kanyang apo.
Nang magkayakap na sila nagsalita ang kanyang lola sa kanya.
"Alam mo apo pakiramdam ko paglaki mo dito mo matatagpuan ang una at tunay mo na pagibig sa tamang panahon" saad nito habang nakangiti sa kanya.
"Sa di inaasahan pagkakataon, sa paglipas ng panahon hindi mo aakalain na ang bahay na ito na minana ko pa sa ninuno natin ang magiging dahilan ng iyong unang tunay na pag-ibig."
Nakatingin lamang si Athena sa kanyang Lola Andrea habang nagsasalita wari'y iniintindi ang sinasabi nito.
"Alam ko hindi mo pa maiintindihan ang aking sinasabi dahil bata ka pa pero alam ko na darating ang panahon at mangyayari ito" titig na titig na saad ni Lola Andrea sa kanyang apo.
"Hihintayin ko ang pagbabalik mo at pagtatagpo niyo........."
BINABASA MO ANG
Time Travel Love
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa alaala ko noong ako'y bata pa. Pag ibig na natagpuan sa unang panahon na karugtong ng kasalukuyan. Samahan niyo ko namnamin ang ala-ala ko na ito at mag time travel sa pag iibigan nila.... Athena at Leandro.... ( PS: f...