Kabanata Tres

7 0 0
                                    

Ang lalaki sa larawan....



Hindi makapaniwala si Athena sa kanyang nakikita.

Napanganga na lang siya ng magsalita ito bigla.

"Sino ka binibini? Ano ang iyong ginagawa dito sa aking silid? Tanong ng estranghero sakanya.

"Ah... Eh... Ano... Kase..." nauutal na salita ng dalaga.

Hindi niya din kasi alam kung ano ang sasabihin sa tanong ng taong nasa harap niya.

Napatayo na din siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama.

"Ano ang iyong suot? Bakit ganyan ang iyong pananamit binibini?" Sabi nito sakanya sabay talikod.

Hindi mapigilan ni Athena ang magtaka sa sinabi nito.

Napatingin tuloy siya sa sarili niyang suot.

"Anong masama sa suot ko?" Balik tanong niya sa lalaking nakatalikod na sakanya ngayon.

"Nakikita ko ang karamihan saiyong balat binibini at hindi nararapat." Sagot nito sakanya nang nakatalikod pa din.

"Anong pinagsasabi ng taong to? Baliw ba siya? Natural makikita talaga balat ko kase naka sleeveless ako at nakapekpek short, ang init kaya sa pinas lalo na at bakasyon" saad niya sa sarili.

"Masamang magsuot nang ganyan ang isang binibini na gaya mo. Baka ika'y pagsamantalahan ng mga kastila o masamang lalaki kapag may nakakita saiyo." Dagdag pa nito.

"Siraulo nga ata talaga to. May nalalaman pang kastila eh matagal ng walang kastila sa panahon na to." Sabi niya ulit sa sarili.

"Wait lang kuya ha. Nawiwindang ako sa mga hanash mo eh. Walang masama sa suot ko kase uso to ngayon. Hindi lang naman ako nagsusuot ng ganito. Ang dami kaya sa kalsada nagsusuot ng ganito. Tsaka correction wala ng mga kastila ngayon, 2015 na. Kalurkey ka!" Natatawang sabi niya sa lalaki.

Biglang napaharap sakanya ang binata at nakita niya ang expression ng mukha nito.

Doon lang niya sinuyod ng tingin ang lalaki na mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo...

Matangkad... feeling ko mas matangkad siya sa akin... moreno din gaya nila daddy at Eros... yung katawan niya sakto lang pero mukha may mga muscles-muscles sa loob! Hihihi! At ang.....

Gwapo...

Kahit medyo madumi ang suot nito na para sa magsasaka hindi pa din naapektuhan yung pagiging gwapings niya.

Alon alon na buhok.
Mga mata na may mahabang pilik-mata.
Makapal na kilay.
Matangos na ilong.
At labi....

Na parang ang sarap halikan dahil mapula pula ito.

"Walangya ka Athena pinagnasahan mo pa yung nasa harap mo. Hindi ka naman ganyan ha! Magtigil ka ngang babae ka!" Suway niya kuno sa sarili.

"Ano ang iyong mga salitang binanggit? Hindi ko ito maintindihan? Anong lengguwahe ito binibini? Tanging espanyol lamang ang aking kayang intindihin na ibang lengguwahe."

"Sabi ko wala naman kastila sa panahon ngayon 2015 matagal nang silang wala kaya baka kako nababaliw kana" tatawa-tawa pa na sabi ni Athena.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time Travel LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon