Gabi na ng marating ni Athena ang bahay ng kanyang Lola Andrea.
Pagbaba ng kotse ay sinalubong siya ng kasambahay ni Lola Andrea na si Aling Nene at ang hardinero na asawa nito na si Mang Pablo.
"Magandang gabi po, ako po si Athena ang apo ni Lola Andrea." Pagpapakilala ni Athena sa dalawang matanda.
"Magandang gabi din iha. Sa wakas nakabalik ka din dito. Napakatagal na panahon ng huli kitang nakita sa tingin ko ay nasa pitong taon gulang ka lamang noon" wika ni Aling Nene habang nakangiti pa.
"Oo nga iha. Hindi namin alam kung kami'y naaalala mo pa" saad din ni Mang Pablo.
"Ehhh.. pasensya na po kayo medyo hindi ko na po kayo maalala kase po batang bata pa po ako noon huling punta ko dito" nahihiyang sagot ni Athena sa dalawa.
"Dibale maaalala mo din kami ineng. Gabi na, pumasok na tayo nang makakain ka at makapagpahinga. Ang lola mo ay nasa kwarto niya at hinihintay ka. Pagpasok mo ng bahay may makikita kana kwarto sa kaliwa nandoon ang iyong lola."
"Sige po Aling Nene mauuna na po ako pumasok."
Pagpasok ni Athena ay dumeretso agad siya sa kwarto na nabanggit sa kanya ni Aling Nene para makausap ang kanyang lola.
Kumatok muna ng tatlong beses si Athena bago tuluyang pumasok sa kwarto.
Nilibot niya kanyang paningin para hanapin ang kanyang Lola Andrea.
Ang kwarto ay malaki. Pero mapapansin mo na luma na ang mga gamit sa loob ng kwarto.
Nakita ni Athena si Lola Andrea na nakaupo sa tapat ng bintana nito.
Matanda na si Lola Andrea. Pero malakas pa din ito. Bakas pa din ang kagandahan ng kanyang lola kahit matanda na ito. May lahi kasi na kastila ang pamilya ng kanyang ina kaya hindi nakakapagtaka na maganda din ang kanyang ina. Matagal ng patay ang kanyang Lolo Emil bata pa lamang siya. Tanging ang lola na lamang niya ang nagpalaki sa kanyang ina. May kaya naman ang pamilya ng kanyang Mommy Glory kaya lumaki pa din itong maayos kahit wala ng nakagisnan na ama.
"Lola... ako po ito, si Athena."
Nilingon ni Lola Andrea si Athena at sinalubong ito ng ngiti. Tumayo ito para yakapin ang nag iisa niyang apo na babae.
"Maligayang pagbabalik apo. Kumusta kana? Ang dami nang nagbago sa iyong itsura pero isa pa din ang hindi nagbabago na natatandaan ko sayo noong bata ka pa" nakangiting saad ni Lola Andrea.
"Ano po iyon Lola?" Nagtatakang tanong ni Athena sa matanda.
"Ang iyong angkin kagandahan na magpapaibig sa una at tunay mo na pagibig." Deretsong sabi ng matanda sa kanyang apo.
"Hehehe. Kayo talaga Lola masyadong mapagbiro" nakatawang sagot ni Athena.
Ngiti lang ang isinagot sa kanya ng kanyang lola.
"O siya, halika na at tayo'y maghapunan. Alam ko na pagod ka sa byahe at gusto mo ng magpahinga. Bukas na kita ililibot dito sa mansion at sa paborito mong lugar ."
"Ang hardin..." nakangiting tugon ng matanda kay Athena.
Nagising si Athena sa pagtunog ng alarm clock ng kanyang cellphone.
Pupungas-pungas na inabot niya ang kanyang cellphone.
6 am. Tuesday. February 6, 2015. Nakita niya sa kanyang screen.
BINABASA MO ANG
Time Travel Love
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa alaala ko noong ako'y bata pa. Pag ibig na natagpuan sa unang panahon na karugtong ng kasalukuyan. Samahan niyo ko namnamin ang ala-ala ko na ito at mag time travel sa pag iibigan nila.... Athena at Leandro.... ( PS: f...