"Madame baka naman maawardan ka nanaman ng Employee of the Year dahil busy na busy ka jan, anong oras na ateng!" Pangungulit ni Myleth sa bestfriend niya.
Si Athena Reyes...
27 years old.
Morena, may sapat na tangkad, balingkinitan, may alon-alon na mahabang buhok na mas lalong nagpabagay sa maliit at maganda niyang mukha.
Kasalukuyan General Manager si Athena sa isang kilalang kumpanya sa Pilipinas at si Myleth naman ay isa sa mga Department Manager ng parehong kumpanya.
Mag bestfriend sila since first year high school hangang ngayon.
"Halika na! Mag-out na tayo at may date pa kami ni Itchan!" Kinikilig na pangungulit nito sa kaibigan.
"Mauna kana, tatapusin ko pa ang mga ito." Nakayukong tugon nito sa kaibigan. Ni hindi man lang pinag aksayan ni Athena tingnan ang kaibigan sa sobrang abala niya.
"Ano ka ba naman." Napaupo na ito sa couch sa kanyang opisina.
"Wala ka ng ginawa kundi magpaka workaholic nagpapayaman ka ba ng sobra kaya ka nag oot? Daig mo pa may asawa eh ni boyfriend wala ka nga!" Tumatawang sabi nito.
"Hoy Emelita Valdez! Wag mo nga pinupuna love life ko! Busy lang talaga ako at nag eenjoy kaya wala akong oras sa pag-ibig na yan." Tuluyan ng napukaw ang kanyang atensyon at iniwan ang mga papeles na hawak niya ng hinarap ang kaibigan.
Tumayo na din siya at tumabi sa kaibigan na nasa couch.
"Parang hindi mo naman ako kilala kapag may inumpisahan ako gusto ko matatapos din ito."
"Tsaka mas gusto ko umuwi ng late kase alam mo na diba?"
"Kinukulit ako ni Mommy and Daddy na makipagdate doon sa anak ng family friend namin. Feeling ko may something pa eh kase halos everyday na nila ako kulitin di ako tinatantanan." saad ni Athena na pailing-iling pa.
"Eh kase naman bestfriend, baka napapansin nila Tito at Tita na masyado ka nagpapakabusy sa trabaho at gusto ka lang nila bigyan ng iba pa pagkakaabalahan bukod sa trabaho".
"Hay nako... masaya naman ako sa ginagawa ko eh. Tsaka anong gagawin ko eh hindi naman talaga ako interesado?" Nakasimangot na tugon ni Athena sa kaibigan.
"Pano ka magkakaroon ng interes eh hindi mo pa nga sinusubukan?" Nakangising balik tanong ni Myleth.
"Ayoko nga subukan, ayoko mag aksaya ng oras sa mga bagay na wala naman kasiguraduhan" pagsusungit ni Athena.
"Alam mo bestfriend may mga bagay na worth it pag-aksayahan ng oras. Gaya ng love.... pag nagmahal ka minsan talaga wala kasiguraduhan ito, pero pag natagpuan mo ang tunay na pag-ibig napakasarap sa pakiramdam at di mo talaga makakalimutan. Baka nga hanap hanapin mo pa yung pakiramdam na iyon kapag natagpuan mo." Nakangiting sagot ni Myleth sa kaibigan.
Kitang-kita ni Athena ang pagkislap ng mga mata ng kaibigan habang sinasabi ang mga salita na iyon.
Aminin man niya sa hindi, nakaramdam siya ng inggit dahil hindi niya pa nga nararamdaman ang ganoon bagay. Nagkaboyfriend naman siya kahit noon high school pa pero di niya masasabi na natagpuan na nga niya ang tunay na pagibig.
BINABASA MO ANG
Time Travel Love
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa alaala ko noong ako'y bata pa. Pag ibig na natagpuan sa unang panahon na karugtong ng kasalukuyan. Samahan niyo ko namnamin ang ala-ala ko na ito at mag time travel sa pag iibigan nila.... Athena at Leandro.... ( PS: f...