Chapter Two

3.3K 63 3
                                    

Zack and Acky were both born on the same date, at the same place, and almost at the same time. Their real names almost sounded the same. She was named "Ackerly" while he was named "Zackary." Sa iisang ospital sa San Diego, California nagkakilala ang mga magulang ni Zack at ang mga magulang ni Acky dahil sa iisang kuwarto lang na-confine ang mga ina nila noong araw na ipinanganak sila.

Madalas silang mapagkamalang kambal noon ng mga kaklase nila. Both of them had amber hair and fair skin but, unlike him who had light blue eyes, Acky got the hazel eyes of her father. Bukod sa madalas silang magkasama mula nang apat na taong gulang sila ay marami din silang pagkakapareho sa iba't ibang bagay na nakahiligan nila. Madalas din na sabay nilang ipinagdiriwang ang kaarawan nila ngunit nang magkaroon na sila ng kanya-kanyang trabaho ay bihira na silang magkita o magkasama. Gayunman, hindi nalilimutan ni Zack na regaluhan ang dalaga sa araw ng kaarawan nila.

Matagal nang hindi naghahanda si Acky tuwing kaarawan nila. Samantalang si Zack napipilitang dumalo sa party na pinaghandaan talaga ng mga kasamahan niya sa trabaho. Bilang parte ng industriyang pinagtatrabahuhan ni Zack ay hindi maiiwasan na tratuhin siya ng mga tao na parang isang artista.

He was a television network executive and the son of the new owner of Welsh Broadcasting Network or WBN. Nagsisimula nang makilala ang kompanya nila. Binigyan nila ng bagong bihis ang lumang istasyon at ngayon ay nakikipagsabayan na iyon sa mga kilala at malalaking network.

Nahikayat ang mga magulang ni Zack na manirahan na lang din sa Pilipinas—kasama sina Acky sa iisang lugar—dahil ayon na rin sa mga magulang nila ay mas magandang kalakihan nila ang kultura sa Pilipinas.

Pero may nangyari noon na naging dahilan kung bakit madalas na mapag-isa si Acky; lalo at kakahiwalay lang ng mga magulang nito. Ang sabi ni Acky kay Zack ay hindi ito naapektuhan sa paghihiwalay ng mga magulang nito. Nagulat lamang si Acky sa mga nalaman nitong sekreto ng pamilya nito.

Nalaman ni Acky na ang dahilan pala kaya nais ng ama nito na manirahan sa Pilipinas ay para hanapin ang mag-ina nito. Nagkaanak pala si Felix Ross sa isang Filipina bago pa man nito pakasalan ang unang asawa nito na ina ni Acky.

Hindi umiyak si Acky sa harap ni Zack pero sigurado si Zack umiiyak si Acky kapag mag-isa lang ito sa kuwarto nito. Mula noon ay tila nagkaroon na ng pagitan kay Acky at sa pamilya nito. Hindi lang iyon napuna ng mga kapamilya ni Acky dahil hindi nagrebelde si Acky. Madalas ay tahimik lang si Acky noon.

Ngunit nang makilala ni Acky ang kapatid nito sa ama ay nagkaroon uli ng pagbabago rito. Ang hula ni Zack ay nagkasundo agad ang magkapatid dahil hindi ipinaramdam ni Clint kay Acky na nais nitong agawin ang pamilya nito. Sinabi ni Clint na hindi ito interesado na maging parte ng pamilya Ross o ang magkaroon ng parte sa kayamanan ng mga ito.

Hindi naniwala si Zack noong una kaya nang makilala niya si Clint sa Bow and Arrow ay ininis niya si Clint para lumabas ang totoong ugali nito. Pero hindi pinatulan ni Clint ang mga pang-aasar ni Zack. Hanggang sa nalaman din niya mula kay Acky na may pinoproblema si Clint na babae. He decided to help Clint by giving him advice. He couldn't help it. He was a born romantic. So he suggested a flower shop where he could buy the perfect blue rose Clint could give to Elise.

Kung mayroon man silang pagkakaiba ni Acky, iyon ay ang paniniwala nila sa salitang "love." Lumaki si Zack na nakita niyang nanatiling malambing ang kanyang mga magulang sa isa't isa. Maging ang lola ni Zack na matagal nang namayapa ay patuloy pa rin na dinadalaw ng lolo niya para alayan ng bulaklak. Being faithful ran in their blood.

Ngunit may ilang dahilan si Zack kung bakit siya nakikipaghiwalay sa mga nakarelasyon niya noon. Maaari siyang sabihan ng mga tao ng kung ano-anong rason o dahilan kung bakit masasabing wala siyang kuwentang nobyo kung minsan. Aminado si Zack na madalas ay nawawalan siya ng panahon sa nobya niya o kaya ay nagiging makakalimutin sa mga okasyon kaya nakakalimutan niyang batiin ang isang tao.

Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon