Chapter Three

2.6K 57 0
                                    

"Hi! my name is Zackary Welsh." Hirap man sa paghinga ay pinilit pa rin ni Zack na huminga nang malalim para kalmahin ang sarili. "I know you probably don't remember me but..." he cleared his throat and held back his emotions. "This isn't the first time we met. Una tayong nagkita sa restaurant na pinagtatrabahuhan mo dati. Gusto sana kitang kausapin kaya lang iniwan mo agad ako."

"Hindi mo naman siguro inaasahang sasagot siya, 'di ba?" tanong ni Acky.

Pareho silang nakatayo sa tapat ng puntod ng babaeng mahal niya. Gustuhin man ni Zack na umiyak ay mas pinili niyang sabihin ang mga bagay na matagal na niyang gustong sabihin kay Daphne.

Lumuhod si Zack at hinaplos ang lapida. Hindi niya akalain na sa ganoong paraan uli niya makikita si Daphne. Ang sabi ni Acky ay kasama ito sa aksidenteng naganap noong nakaraang linggo na naibalita sa telebisyon. Kinompirma ni Acky kung si Daphne nga ang isa sa mga pasaherong kasama sa nasabing aksidente at nang malaman ni Acky ang totoo ay tinawagan agad siya nito.

Sinabi na rin ni Acky ang mga detalye kay Zack pero hindi pa rin makapaniwala si Zack. Ayon sa napag-alaman ni Acky, lumaki si Daphne sa isang bahay-ampunan. At madalas na iba't ibang trabaho ang pinapasukan nito. Inilibing agad si Daphne dahil wala itong mga kamag-anak at iilang kaibigan lang ang nag-asikaso sa labî nito.

Nang magsimulang umulan ay niyaya na si Zack ni Acky na umalis doon ngunit hindi siya tuminag kahit hinihila na siya ni Acky. Hindi siya makapag-isip nang maayos dala marahil ng sobrang kalungkutan at pagkabigla. Lumakas nang lumakas ang ulan at hindi na nila nagawang sumilong.

"For God's sake, let's go home, Zack! Tapos na ang paghahanap natin kay Daphne. Kung may dapat man tayong gawin, 'yon ay ang ipagpatuloy na ang kanya-kanyang buhay natin."

Umiling si Zack. "I can't."

"Oh, come on! Move on just like what you did with your past girlfriends!"

"But that's the problem. I don't think I'll be able to move on just like I did before, because she didn't become my girlfriend in the first place."

Bakas sa mukha ni Acky ang inis kaya napilitan si Zack na magpaliwanag.

"This isn't easy. Mahihirapan akong huwag siyang isipin dahil hindi naman talaga ako nabigyan ng pagkakataon na masabi kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. I will always find myself asking, what if I didn't give up on following her on the very first day I saw her? What if I begged for the manager to tell me all about Daphne's personal information? Won't it change what has happened now?"

"We did our best, Zack," mariing sagot ni Acky.

"But still not enough," malungkot na tugon ni Zack. Kahit paano ay nagpasalamat na rin siya na malakas na ang ulan dahil kasabay niyon ay ang pagpatak ng mga luha niya na noon lang niya pinakawalan. Ayaw niyang kaawaan siya ni Acky.

Napailing na lang si Acky bago ito yumuko. Mukhang galit na rin ito at nagtitimpi lang na sapakin siya. Hindi siya magagalit kung sakaling gagawin nga ni Acky iyon. Naiintindihan ni Zack kung bakit ganoon ang reaksiyon nito. Apektado si Acky sa nararamdaman niya nang mga sandaling iyon dahil nag-aalala rin ito para sa kanya.

Nalungkot si Zack sa kaalamang wala na si Daphne at wala na siyang pagkakataon upang makilala pa ito nang lubusan. Pero tama rin si Acky, kailangan niyang malampasan ang kalungkutang iyon. Nang tingnan ni Zack ang kababata niya ay sambakol na ang mukha nito. Hindi niya sigurado kung umiiyak na rin itong tulad niya.

"Love isn't meant for everyone, Zack. Hindi puwedeng lahat ng tao may makakatuluyan. Do you know why some things are better left unsaid? Because those things are better left undone." Pagkasabi niyon ay tinalikuran siya ni Acky.

Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon