Kabanata 1

18 0 0
                                    

Kabanata Isa

Alessia PoV.

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock. Hindi kaagad ako bumangon sa kadahilanang tinatamad pa ako. Muli kong narinig ang malakas na pagtunog ng alarm clock, at dahil sa iritasyon agad ko itong pinatay. Napagdesisyonan kong bumangon na upang maiwasan ang pagkahuli ko sa 'king klase.
Agad na nagtungo ako sa aking kabinet at kinuha ang aking mga susuotin. Pagkatapos kong kuhanin ang aking mga kailangan ay agad akong bumaba at dumiretso sa banyo. Habang nasa loob ng banyo, ginawa ko ang aking morning ritual. Pagkatapos, muli akong umakyat at tumungo sa aking kwarto upang ayusin ang magulong gamit na aking naiwan sa pagaaral kagabi. Habang inaayos ko ang mga ito, napadako ang aking tingin sa isang salamin na nakapatong sa aking study table. Napansin ko agad aking bughaw na mga mata.

Nakakaakit ang mga ito. Nakakamangha napakaganda nila, minsan naitanong ko sa aking ina kung kanino ko ito namana. "Sa iyong ama", yan palagi ang isinasagot nya tuwing tinatanong ko siya. Nakakalungkot, paulit ulit kong hinihiling na sana man lang ay nakita ko din ang napakaganda at nakakaakit na mata ng aking ama. Bata pa lamang ako ay hindi na agad ako nabigyan ng pagkakataon na makilala siya. Tanging si mama lang ang nag palaki at nag alaga sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Masakit isipin na hindi man lang nasaksihan ng aking ama ang aking paglaki.

"Alessia, bumaba ka na diyan." sigaw ni mama na nakapagpatigil sa aking muling pababalik alala sa aking ama na hindi ko man lamang nakilala. Dali dali ko namang tinapos ang aking ginagawa at iwinaksi ang mga alaalang nagbalik. Pagkatapos ay sinunod ko ang utos ni mama, bumaba na ako.

"Ma, hindi na po ako maguumagahan." sabi ko sa kanya. Palabas na ako ng bahay nung tinawag niya ako.

"Alessia!" agad naman akon napalingon sa pagtawag sa akin ni mama. "Magiingat ka anak."

"Opo ma." nakangiting sagot ko.

Tuluyan na akong umalis pagkatapos kong sabihin iyon kay mama.

***School***

"Alessia" Masiglang salubong sa akin ni zarha. Ang aking pinsan/bestfriend. Katulad ko mayroon din siyang nakakaakit at napakagandang mata. Kung ang sa akin ay bughaw ang sa kanya naman ay kulay kayumanggi. Ang ganda ng mga mata nya, para itong nang hihipnotismo. Ang mga mata nyang kapag tinititigan ay nakakapang-akit. May lahi ata kami. Hahahahahaha!

"Zarha, napa aga ka ata ngayon ah."5 minutes bago magsimula ng klase tsaka siya dumadating, bruha talaga.

"Ha? hindi mo ba natanggap text ko." umiling ako bilang sagot. Kinuha nya ung cellphone niya at parang may tinitingnan.

"Shit! Hindi pala nag send." Napagtanto niyang sagot. Sabi sa inyo beauty lang meron itong pinsan ko. Hindi kasi siya nagmana sa akin.

Aba! Beauty with brains ata ito! Running for humans!

Bakit? Eh zombie ako e. Hahahaha rawr!

"Bakit tungkol ba saan yung text na dapat mong isesend?" tanong ko na mababakas ang kuryosidad.

"Pinapupunta tayo sa guidance office later." Ang sagot nyang iyon ang nakapagpatigil sa akin sa paglalakad.

Ano daw? Guidance Office? Nagbibiro ba siya? Ni wala nga akong ginagawang kasalanan, tapos pinapupunta ako sa guidance office? Are they out of their mind?!

"WHAT!?" Agad na tinakpan ni insan ang bibig ko. Naiirita ako, tawa siya ng tawa pagkatapos nyang tanggalin ang kamay niya sa bibig ko. At ang nakakainis, may pag hawak pa sa tiyan ang bruha! Tsk.

"Stop it zarha! As if, this kind of thing is funny. It is a serious matter zarha." nakasimangot kong saad.

"Kasi naman insan napaka-oa mo." natatawa niya pa ring saad. Hindi niya siguro balak tumigil ano? Tsk.

Enchanted Academy: The School of MajesticWhere stories live. Discover now