Kabanata Dalawa
Alessia Pov.
Napakunot ang noo ko sa sinasabi ni Mrs. Eve. Ito namang katabi ko ay halatang naguguluhan.
"Mrs. Eve, what are you talking about?" seryosong sabi ni Zarha. Sa pagkaka-alam ko pag nag salita na yan ng English isa lang ang ibig sabihin nun galit na siya o kaya naman ay naiinis. At sa mga oras na ito alam kong naiinis na yan.
"Can you tell us what you really want to say..." walang gana kong sabi.
"I just want to say na starting tomorrow ay hindi na kayo estudyante ng paaralang ito" mataray na sabi nito
"WHAT?" Sabay nasabi namin ni Zarha.Nagulat ako sa sinabi ni Mrs. Eve. Paano nangyari yun? Wala naman akong nilabag na rules dito. Ewan ko lang dito sa katabi ko.
"Per-" hindi na natapos ni Zahra ang sasabihin niya dahil pinutol na ito ni Mrs. Eve.
"No buts,Ms. Zarha Salazar" ma-awtoridad na sabi nito kay Zarha."Alam na ito ng mga magulang niyo,sila ang may gusto na lumipat kayo ng school"
Wala na kaming naisagot sa kanya dahil hindi matanggap ng utak namin ang mga sinabi ni Mrs. Eve.
"if you have nothing else to say you can go." sabi ni Mrs. Eve.
Lumabas na kami sa Guidance Office ng hindi nag paalam kay Mrs. Eve. Hindi na ako makapag isip na matino dahil sa mga nalaman ko. Kailangan na naming umuwi.
Habang naglalakad kami ni Zarha pauwi walang nagsasalita sa amin dalawa dala siguro ng pagod at pag kabigla. Kahit sino naman siguro maguguluhan at mabibigla. Ikaw ba naman sabihan na hindi ka nababagay sa mundong 'to.
"Insan,magkita na lang tayo mamayang gabi diyan sa may park.Balitaan mo ako." buti naman nag salita na si insan.Akala ko habang buhay na siyang mananahimik eh!
"Sige insan..Text mo na lang ako pag papunta ka na. Siguraduhin mong mag sesend yan ha!" sabi ko sa kanya habang tumatawa. Tumawa na lang din siya bilang sagot.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa bahay.
****Bahay****
Pagkapasok na pag kapasok ko sa loob ng bahay ay hinanap ko na agad si Mama.
"Ma." tawag ko sa kanya. "Ma, bakit kailangan na lumipat pa kami ni Zarha ng School?"
"Anak, hindi yun ang paaralang nababagay sa inyo. Hindi kayo nabibilang sa mundong ito." sabi ni mama habang seryosong nakatingin sa akin.
"Ma, ano ba ang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." nagtatakang tanong ko.
"Malapit na anak, malapit niyo ng maintindihan" sabi ni mama sa akin.
"Hintayin mo ako dito may kukunin lang ako sa taas." tumango na lang ako bilang sagot. Tumayo naman si mama at umakyat na sa taas.
Malapit na daw naming maintindihan, ang alin? Tsaka ano ba ang sinasabi ni mama. Na hindi daw kami nababagay dito. Saan ba kami nababagay?
Nag hintay lang ako ng ilang minuto sa salas at naramdaman ko na napapalapit na si Mama kaya naman ay umayos ako ng upo.
Napansin ko agad na may dala-dala siyang box "Ano po ang laman niyan." tanong ko sa kanya
"Isa itong kwintas, bigay ito ng papa mo sa akin noon." sabi niya habang binubuksan niya ang kahon.
Pagkabukas nito ay bumungad sa amin ang isang napakandang kwintas. Isang amulet, nakakamangha ang kulay nito. Kulay asul ito na may kasamang kulay berde, brown at pula. Pero mas nangingibabaw ang kulay na asul.
YOU ARE READING
Enchanted Academy: The School of Majestic
FantasiSa Mundong puno ng kasinungalingan kanino nga ba nila mahahanap ang tunay na pagmamahal Sa isang mundong hindi sila kabilang makaha-hanap nga ba sila ng isang taong tatanggap sa kanila Paano sila makikisalamuha sa mga taong hindi sila kauri Malala...