Panimula
3rd person
Sa isang kwarto naroon sina Camia at Athena. Parehong namimilipit sila sa sakit na nararamdaman.
"Manganganak na ata ako" nahihirapang saad nina camia at athena.
Kasalukuyang nasa isang pagpupulong ang magkaibigang si Francis at Damian. Dahil sa kanilang misyong kailangang mapag-tagumpayan.
"Hindi pa ba sila uuwi?" natatarantan tanong ni athena.
"Aaaa-aaaahhhh lalabas na ang anak ko Athena" pumutok na ang panubigan ni Camia. Habang si Athena naman ay nananatili paring namimilipit sa sakit.
Humiga si Camia sa isang malapit na kama, at dahil hindi na niya makayanan ang sakit. Namutawi ang sigaw ni Camia sa loob ng silid.
"Aaaaahhhhh" malakas at nahihirapang sigaw ni Camia. Ilang sandali lamang ay lumabas na ang isang sanggol babae sa kanyang sinapupunan.
"B-babae ang anak mo Camia-aaahhhhh" Saad ni Athena ngunit ilang sandali pa lamang ay sigaw naman ni athena ang namutawi sa loob ng silid.
"Kaya mo yan Athena! Malapit na ring lumabas ang bunga ng pagmamahalan ninyo ni Francis" masayang sad niya sa kaibigan niyang si Athena.
"A-aaaaaaaaah araaaaa-ayyy!" malakas at hirap na sigaw ni Athena. Habang nanganganak si Athena ay biglang pumasok ang magkaibigang Francis at Damian.
Pagkapasok ng magkaibigan ay tumambad sa kanila ang isang babae na katatapos lang manganak. Kasama ang kaniyang sanggol na babae na balot na balot ng dugo. At isang babae na nahihirapang ilabas ang buhay na nasa loob ng sinapupunan niya.
Napagtanto ni Damian na ang kanyang pinakamamahal na babae na si Camia ay nagsilang ng isang napakaganda at napakalusog na batang babae.
Habang sa isang parte ng silid ay makikita ang pagdamay ni Francis sa kaniyang pinakamamahal na asawa na si Athena habang ito'y nagluluwal ng sanggol sa kaniyang sinapupunan
"Kaya mo yan mahal ko, makakayanan mo yan" nag-aalalang sabi ng Francis sa kanyang mahal.
"Ahhhhh" sigaw ng babae habang nahihirapan sa panganganak.
Tanging ang sigaw ni Athena at iyak ng sanggol na hawak ni Camia ang naririnig sa kabuoan ng silid. Ilang sandali pa ang lumipas ay lumabas na ang batang nakatakda na magmana sa kapangyarihan ng mga ninuno ng kanyang ama.
Dahil sa pagod ay nawalan ng malay si Athena. "Magpahinga ka muna mahal ko" sambit ni Francis at humalik sa noo ng babae.
"Babae rin ang anak mo Francis" mas lalong lumaki ang ngiti ng kaibigang si Damian ng makita ang anak ni Francis.
Ngayon ang parehas na nag papahinga sina Athena at Camia. Habang ang dalawang kalalakihan ay nagbabantay sa kanilang minamahal na anak.
"Tutuloy pa ba tayo sa misyon na naiatas sa atin" seryosong pagtatanong ni Damian sa kanyang matalik na kaibigan.
"Ngayon pang dalawa na ang dahilan ko upang hindi tumuloy sa misyon na yan" seryosong pagkakasabi ni Francis sa kaibigan habang nakatingin sa kanyang mag-ina.
"Ngunit alam mo ang kaparusahan pag hindi natin naisagawa ang misyon" nag-aalalang sabi ni Damian.
"Ngunit anong gusto mong gawin natin? Sumama sa misyon na 'yon? Damian, walang kasiguraduhan kung makakabalik pa tayo. Dalawa na ang maghihintay sa atin." tugon ni Franci. Mababakas sa mukha niya ang pag-alala sa maaaring mangyayari sa kanila.
"Tatanggapin ko kung ano man ang parusang naghihintay sa akin. Basta kasama ko ang mag-ina ko ay masaya na ako." dagdag na sabi nito.
*Kinabukasan*

YOU ARE READING
Enchanted Academy: The School of Majestic
FantasiSa Mundong puno ng kasinungalingan kanino nga ba nila mahahanap ang tunay na pagmamahal Sa isang mundong hindi sila kabilang makaha-hanap nga ba sila ng isang taong tatanggap sa kanila Paano sila makikisalamuha sa mga taong hindi sila kauri Malala...