PAGOD NA PAGOD na umuwi si Midnight. Ang daming kailangan na papeles na dapat pirmahan, board meetings at iba pa.Kaya sobrang saya niya ng malaman na sabado bukas. Sa wakas ay makakapag pahinga siya ng tatlong araw. Tuwing Lunes ay hindi talaga siya napasok sa hindi malamang dahilan.
Pabagsak na humiga siya sa kaniyang kama at dumiretso sa banyo para mag half-bath upang kahit papaano ay maging presko siya bago matulog.
Saktong kakalabas lang niya ng banyo
at nag-ring ang cellphone niya.Rose calling.....
Sinagot niya ang pagtawag ng isa sa mga kaibigan niya.
"Hello?"
[ "Uy, Midnight! Puntahan mo kami dito sa Bar. Di mo ba naalala? 26th Birthday ngayon ni Francheska. Nagtatampo na nga oh." ]
Agad niyang tinignan ang kalendaryo.
'Shit!'
Today is February 11! Today is Francheska's Birthday. Nagmamadali siyang nagpaalam at kumaripas ng takbo papuntang Banyo para muling maligo. Jusko! Magkakasakit na yata ako sa kakaligo.
Natapos siyang maligo ng Dalawang minuto lamang at dumiretso sa kaniyang Walk-in close at humahap ng Magarang damit.
Pagkatapos niyang magbihis at humrap sa salamin para maglagay ng kolorete sa kaniyang mukha.
Pagkatapos niyang mag-ayos ay lumabas siya agad sa kaniyang condo at dumiretso sa parking lot.
MAKALIPAS ang labing-limang minuto ay nasa loob na siya ng bar na ginaganapan ng birthday ng kaibigsn niya. Minsan ay napapaisip nalang siya kung bakit ba ang hilig nilang dito mag-celebrate instead na sa mga sariling bahay nila? Ano yun? Para less Gastos? Less hugasin? Edi wow.
Agad niyang nabungaran ang mga kaibigan niya na sila Rose, Klea, at ang birthday girl na si-----Francheska.
Pumunta siya sa table nila na punong puno ng cocktails at cupcakes na may candles. Napa-iling nalang siya sa kabaliwan ng mga kaibigan niya.
"Happy birthday, Cheska! Happy birthday, Happy birthday! Happy birthday, Cheska!" Sabay-sabay na bati ng mga kaibigan niya.
"Blow mo na yung candle dili!" Excited na sigaw ni Klea. Ang pinakaisip bata sakanilang lahat.
Kung tutuusin, ay magaganda silang lahat. In a different way.
Si Rose---matangkad, medyo morena, may pagka-maroon ang mata.
Si Klea---medyo maliit, maputi, at kulay green ang mata.
Si Francheska---tama lang ang height,maputi, at kulay hazelnut ang mata.
"Hi!"
Napatingin naman silang lahat saken at tinitigan lang nila ako, nakakailang.
"WAAAAA! Midnight!" Sigaw ni Cheska.
Napangiti nalang ako at nakipag-beso sakanilang tatlo.
Umupo ako. "Happy Birthday, Cheska!"
"Thank youuuuuuuuuu!"
"Bakit mo nga pala nakalimutan ang birthday netong babaitang ito ha?"
Napa-iling nalang ako, sabi ko na nga ba eh. Tatanungin at tatanungin nila ito. "Ahh, kasi.. masyado akong naging busy, masyado maraming papeles at partnerships and...... something unexpected happened yesterday and today."
"Did you meet your ex?" Si Klea.
O____O
Pano niya nahulaan? Am I that obvious?

YOU ARE READING
Painful Intimacy
Romance"Past is Past, but you still can't deny the fact, that the past of us has a lot of memories. Memories that needs to be vanished."- Midnight