capítulo uno

59 5 0
                                    


Isang malamig na simoy ng hangin na galing sa hampas ng alon ang naramdaman ko ng lumabas ako sa bahay ko. Alas kwatro palang ng madaling araw, sa ganitong oras tulog pa ang ibang kababaihan dito sa isla namin. Ngunit hindi tulad ng lahat, ako at ang mga iba ko pang kasama ay kailangan ng magtrabaho para sa ikabubuhay namin. Kung hindi kami kikilos, sino ang magpapabuhay sa amin?

Sinigurado ko munang nakasarado ang pinto ng bahay, kahit na kilala ako dito sa isla at alam nilang walang makukuha sa akin, kailangan pa rin manigurado. Mahirap na lalo na sa panahon ngayon, marami ng taksil na akala mo ay mapagkakatiwalaan pero hindi naman pala.

Pumunta ako sa daungan kung saan ko palaging nakikita ang pinakamatanda sa amin na si Mang Isko kasama si Mang Gardo na naghahanda para sa gagamitin namin sa pangingisda. Nang makalapit ako ay tinulungan ko na si Mang Isko, halata sa itsura niyang pagod na pagod na siya at kailangan niya ng magpahinga pero para sa pamilya niya ay kailangan niya itong gawin.

Hindi tulad ko, ulilang lubos na ako at nagtatrabaho na lamang ako para sa sarili ko. Ayoko namang magkapamilya dahil ayokong maranasan ng magiging anak ko ang hirap ng buhay kaya mas gusto kong mamuhay mag-isa kaysa magkaroon ng pamilya.

Sa edad kong bente-uno ay wala pa akong nagiging nobyo, may mga nag tangka pero hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sa kanila, ayoko ng problema dahil problema lang ang minsan dulot ng mga lalaki at napatunayan ko iyon dahil sa aking ama.

"Ano, Anna? Wala pa ba ang mga kaibigan mo?" Tanong ni Mang Gardo, nagsisidatingan na ang iba pa naming mga kasama pero wala pa sina Kim, Lhea, at Rosel.

Tulad ko, ulila na rin si Kim at sarili niya lang rin ang binubuhay niya hindi tulad ni Lhea na may anak na at si Rosel na may dalawa pang kapatid.

"Unting minuto pa po, Mang Gardo." Sagot ko na lang, tumango naman siya at pumunta sa iba pa naming kasama.

Ako naman ay tumingin-tingin sa paligid kung nariyan naba ang tatlo at maya-maya lang ay nakita ko na silang tumatakbo patungo rito.

"Anna! Pasensya na at natagalan kami!" Sigaw niya ng makita ako. Napailing naman sa kanila ang iba pa naming kasama.

"Oh, siya siya, tayo na at kailangan na nating umalis." Sabi pa ni Mang Isko kaya naman ay inayos na naming lahat-lahat at pagkatapos non ay pumalaot na kami.

Ilang minuto pa kaming naririto, walang masyadong mahuli sa panahon ngayon kaya nahirapan kami, ako ay sumisid na at ang iba naman ay nag aabang na lang na biglang magkaroon ng himala.

"Oh, ayan na, Manang Kising!" Habol hininga kong ibinigay sa kanya ang timbang puno ng mga isda, tinignan niya pa iyon at tsaka inabot sa akin ang bayad.

"Oh, ayan na, Anna. Naku! Napakasipag mo talagang babae! Kung sinagot mo na lang kasi yung anak ni Gardo ay hayahay ang buhay mo. Baka nga nakapag tapos kapang kolehiyo ay!" Sabi niya pa habang binibilang ko naman ang mga benteng ibinayad niya.

"Sakto na yan, Anna, wag mo ng bilangin!" Sabi niya pa at humalakhak saglit, "Baka naman nagpapakipot ka pa kay Cardo kaya ka ganyan?" Usisa niya pa, kaya ayokong nagtatagal sa pwesto niya dito sa palengke eh, masyado siyang matanong.

"Alis na po ako." Paalam ko sa kanya at nginitian ko pa ito ng bahagya bago umalis na doon ng tuluyan. Hindi na ako lumingon pa at itinakbo ko na ang daanan hanggang sa makaalis ako. Sa di kalayuan ay nakikita ko na sina Kim.

"Anna! Tara na," Tawag sa akin ni Kim ng makita niya ko at nagpunta na sa isa pa naming pinagtatrabahuhan.

"Uy, may chika ako sa inyo!" Sabi pa ni Kim sa amin. Napatingin naman sina Rosel at Lhea kay Kim habang ako ay tinatahi ang mga tela pang basahan, maya maya naman ay gagawa ako ng bracelet at saka ibebenta sa bayan.

He Wasn't MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon