Kinabukasan maaga akong nagising, tinignan ko pa muna ang sarili ko sa maliit kong salamin kung may muta paba ako, pagkatapos kung ayusin ang sarili naglagay na rin akong bra dahil nakakahiya naman sa bisita, tuwing gabi hinuhubad ko ito at kung minsan ay hindi na ako nagbabra sa bahay dahil mag-isa naman ako pero ngayon kahit sa bahay kailangan ko itong suotin dahil nga sa may bisita.Matapos tignan kung ayos na ba ako ay lumabas ako ng aking kwarto para magluto na nang agahan, alas Dos palang pala ng umaga kaya baka tulog pa ito, pagkalabas ko tama nga ang hinala kong tulog pa ito kaya naman pinagisipan ko pa kung magluluto muna ako o maliligo pero sa huli pinili ko na lang ang maligo. Lumapit ako sa kanya upang tignan kung bumaba naba ang lagnat niya dahil mamaya hindi muna ako pupunta sa pangalawa kong trabaho, dadalhin ko siya sa isang maliit na clinic doon sa bayan at ipatignan kung kailan naba ito makakaalala.
Pinalandas ko ang aking palad sa kanyang noo pababa sa leeg niya, medyo hindi na siya mainit, bumuntong hininga ako, buti naman.
Natigil ako sa ginagawa ng maisipan kong titigan na muna siya, ano ba talaga ang nangyare sayo? Paano ka ba napadpad dito? Lucas ba talaga ang pangalan mo? Habang nagtatanong ay bigla itong gumalaw ng pwesto kaya naman mas maayos ko pa siyang natignan, nakakamangha naman ang kagwapuhan nito.
Tumayo na ako at dala ang tuwalya ay nagpunta na ko sa banyo, habang naliligo naisip ko kung mamili na rin akong damit para sa kanya, walang lalaking tumira dito sa bahay kaya naman wala akong maipapasoot sa kanya, kung meron man ay hindi kasya sa kanya dahil sa laki ng kanyang pangangatawan. Iniisip ko rin kung ano pa ba ang kakailanganin niya? Siguro kaunting damit lang muna at kahit paulit ulit pwede naman itong labhan, siguro naman ay sandali lang siya dito mukha itong mayaman kaya naman ipapahanap naman siguro ito ng mga kasamahan niya.
Nang matapos maligo duon ko lang naisip na nakalimutan kong dalhin ang aking mga damit! Maikli lang ang aking tuwalya at ayokong lumabas ng nakaganito lang!
Tulog siya ng pumasok ako sa banyo siguro naman ay tulog pa rin ito hanggang sa makalabas ako diba?
Saglit pa kong nagisip at napag desisyonan ko ng lumabas, pagka-bukas ko ng pintuan agad tumambad sa akin si Tope na tulala sa kanyang harap sa gulat ko ay tatalikod sana ako para bumalik sa banyo kaya lang dumapo kaagad sa akin ang kanyang paningin at pinagmasdan ang akin buong katawan agad akong ginapangan ng mumunting kilabot sa katawan at nakaramdam ng hiya kaya tumungo ako at sinarado na lang ang pintuan ng banyo, pagkasara ay binalik ko muli ang paningin sa kanya at nakita ko ang kanyang mga matang nagdidilim at ano mang oras ay baka itapon ako sa sarili kong pamamahay.
Nagtitigan pa kami ng saglit kaya naman nagsalita na ako. "B-bakit?" Nauutal kong sambit, kinakabahan ako dahil sa mga titig niya, hindi kaya rapist 'to? Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa akin, siguro ay hindi niya naiintindihan ang mga salita ko kaya muli akong nagsalita. "Tagalog ang lenggwahe namin dito kaya ayun sana ang gamitin mo." Salita ko muli, nanatiling madilim ang kanyang ekspresyon sa akin, kinakabahan akong maglakad sa harap niya dahil sa kanyang mga titig.
"Bakit hindi kapa nagbibihis?" Tanong niya kaya naman umarko naman ang kilay ko sa kabila ng kaba ay nagpakita akong tila hindi kinakabahan. "Magbihis kana." Pagkatapos n'on ay iniwas niya ang kanyang paningin at nakita ko ang kanyang panga na umiigting narinig ko pa siyang bumuntong hininga at ipinikit muli ang mga mata.
Agad akong naglakad patungo sa aking silid, agad ko rin itong sinarado at duon nagpakawala ng kaba.
Saglit pa at duon ako natauhan, nagbihis na ako at nag-ayos na ng sarili saglit pinunasan ang buhok para matuyo at ng medyo tuyo na ay lumabas na ako ng silid at dumiretso sa aking mumunting kusina na katabi lang ng sala at banyo.
BINABASA MO ANG
He Wasn't Mine
RomanceMaayos na namumuhay mag-isa si Annalete Santos ng mapadpad sa isla na tinitirahan niya ang lalaking hindi niya aakalaing makakasama niya sa buhay niya. He was broken, and she fixed him. He was hopeless and she helped him. He can't remember anything...