A/N:
Hey, guys! Naks, may author's note kala mo talaga may nagbabasa. So last chapter, first year hs na sila serenity and fire! Gusto ko lang ipaalam na may mga chapters na malaki yung time jump meron din naman na maliit lang. Naisipan ko lang na ilagay to baka kasi malito kayo hehe. Unang story ko to and gusto ko lang talaga siyang ilabas na sa utak ko. Ayun lang sana ituloy niyo lang ang pagbasa. Salamat!
---
"Sese, gutom na ako", sabi nitong katabi ko habang naka-puppy eyes kuno.
Minsan talaga iniisip ko na lang kung pinapakain ba ito sa kanila. Mayaman naman pamilya niya? Eh bakit patay gutom etong isang to?
"Fire, kakatapos lang ng recess natin two hours ago. Nagkanin ka na rin kanina? Wala ka bang kabusugan?" Sabi ko sa kanya.
"Eh kanina pa yun, sese!" Hays.
"Psst. Gusto mo iyo na lang to?" Sabi ng babae na nasa likuran namin. Hawak niya ang isang pack ng oreo na agad naman kinuha ni fire. Wala ba namang kahihiyan.
"Uy, salamat ah! Buti ka pa di tulad ng iba diyan!" Aba!!
"Ako nga pala si Lucas. Etong katabi ko si Sese. Bago ka lang ba?" Tanong ni fire.
"Andrea, pero andy na lang. Walang anuman! Di naman ako gutom eh" sabi niya.
Hindi na siya pinansin ni Fire pagkatapos nuon. Nakakahiya talaga. Nginitian ko na lang siya at humingi ng sorry dahil sa katabi ko. Buti na lang mukhang mabait etong si andy. Mukha kasi siyang bata. Siguro nasa 5 ft ang height niya, mas maliit siya sakin. 5'8 kasi ako, mas matangkad talaga ako sa ibang babae na ka-edad ko. At dahil busy pa rin kumain tong katabi ko, siya na lang kinausap ko. First day pa lang naman kaya bahala na!
Habang naguusap kami may biglang pumasok sa room na isang blonde na babae.
"I'm sorry, We're late ma'am." Sabi nito. May kasama rin siyang dalawa pang lalake na hindi nalalayo sa itsura. Yung isa ay naka-cap pa. Waw, init ba?
"Young man, kindly take off your cap while inside the classrom." Sabi ng teacher namin, pagtanggal niya ng cap namin lahat kami napanganga na lang. Pati ata si fire na kumakain nabilaukan. Pano ba naman kasi, eh nakita ko na yan sa t.v anak ng isang senador.
"Yung isa nilang kasama yung anak sa labas ng asawa ni senator." Bulong ng isa namin, na halos parang hindi nga bulong dahil narinig ko, at narinig din ng tatlong nasa harapan. Tinitigan lang siya ng masa nung babae na blonde. Mukhang may sasabihin ata siya ng ako na ang nagsalita.
"Hoy, pwede ba? Wag kang chismosa diyan. Aga aga." Sabi ko.
Pinaupo na rin sila ni ma'am. Yung babae na blonde sa tabi ni andy umupo, na sa likuran lang namin ni Fire. Yung dalawang lalake naman sa likuran nila.
"I want to thank you pala, sa kanina" oh shet. English spokening.
"Wala yun. Saka chismosa din talaga yung isang yun." Sabi ko.
"I'm chloe, by the way." Pagpapakilala niya.
"I'm serenity. Sese na lang." Tapos nakipagshake hands pa ko sa kanya. Napakapormal naman ng babaeng to.
"Eto nga pala si lucas" turo ko kay fire. Kumakain padin siya hanggang ngayon. "Eto naman si andy" nginitian naman siya ni andy. Cutie talaga!
"Nice to meet you! This are my cousins. Cloud and Troy." Si cloud yung anak ng senator. Ang gwapo niya..
Nginitian lang kami ni Troy, si Cloud naman ay tumango lang. Medyo mailap siya. Siguro ganun talaga since tatay niya big time sa politika.
"Yung sinabi kanina... totoo ba?" Sabi ni andy.
"Na anak ako sa labas? Yup." Sabi ni troy na parang wala lang sa kanya. Si cloud naman sinamaan ng tingin si andy. "Tsk." mukha tulog napahiya si andy. "No, it's okay. Wala lang yun sakin. Don't worry about it" sabay ngiti, napangiti rin tuloy ako sa ngiti niya, kaso may bumatok sakin.
"Aray!" Sino pa ba? Sa tingin niyo sino??
"Makangiti ka, wagas ah!" Sabi ni fire.
"Luh? Ginagawa ko sayo? Kumain ka na nga lang diyan! Di mo ba nakikitang nakikipagkaibigan ako dito?" Sabi ko naman.
"Bakit sawa ka na sakin?" Tanong niya.
"Eh kung araw araw ko ba naman makita yang pagmumukha mo eh!" Sabi ko.
"Wow! Ganda mo ah? Hindi ko rin gusto makita mukha mo no!" Banat naman niya.
"Huh! Baka akala mo maraming may gustong makakita ng kagandahan ko!" Banat ko pabalik.
"Oo! Mga tricycle at truck driver siguro!" Aba!
***
Habang nagbabangayan ang dalawa, di nila napapansin na tumigil na ang kanilang guro sa pagtuturo at nakatingin na lang sa kanilang dalawa. Ngunit, parang wala lang ito sa kaniya. Sapagka't simula elementary eh ganito na ang dalawang ito. Bangayan dito, bangayan duon.
"They're weird." Wika ni cloud.
"I like them!" Sabi naman ni troy.
"Oo nga, looks like makakasundo naman natin sila. Oo nga pala andy, pagpasensyahan mo na si cloud ah? Masungit lang talaga siya sa topic na yun. Pero mabait naman yan" sabi ni chloe. Napairap naman si cloud sa sinabi ng pinsan nito.
"Hehe, okay lang. Masyado rin ako sumobra sa linya. Pasensya na." Sabi naman ni andy habang nakatingin kay cloud na nakasimangot parin ang mga mata. Magkamukha sina cloud at troy, nagkaiba lang sila sa kulay ng mata. Ang maga kasi ni cloud may pagka-bluish, at halatang may lahing amerikano. Si troy naman, pinoy na pinoy ang itsura. Hindi katulad nina cloud at chloe na mestizo at mestiza. Nang narealizs ni Andy na masyado na siyang nakatitig kay cloud ay pumula ang mga pisnge nito, na hindi rin nakatakas sa mata ni cloud, hindi lang niya binigyan pansin.
Sina sese at fire naman tuloy parin ang banatan, buong klase na ang nakikinig sa kanila ngunit parang wala lang sa kanila. Natatawa na lang din sa kanila sina andy, chloe, troy at cloud.
"KAYONG ANIM SA LIKOD, DETENTION!"