First Day

81 1 0
                                    

Grade 6: Graduation Day

"Fire Lucas Russo"

At ayun na nga si green-eyed monster turned into bestfriend ko, na nakangiti habang naglalakad paakyat sa stage. Tuwang-tuwa pa siya na kinuha yung certificate niya kahit na elementary pa lang naman ang natapos namin, akala mo kolehiya na kung makaasta siya.

"Serenity Morales" narinig ko naman na pangalan ko na ang tinawag. Ako kasi ang panghuli na aakyat kasi isasabay ko na rin yung farewell speech ko. Valedictorian kasi ako, oha!

"Ang dami kong natutunan nitong mga nakaraan na taon na sigurado ako dadalhin ko hanggang sa paglaki ko. Hindi lang mga lessons na galing sa aming mga guro, pati na rin ang mga pinagsamahan namin ng mga kaklase ko, natin... tayo." sabi ko sabay tingin kay lucas. Nginitian ko siya, at ngumiti rin siya sakin pabalik.

"Yung ilang beses tayong bumalik ng guidance councelor dahil sa mga ginawa nating mga pranks, nung sobrang curious natin na pindutin yung fire alarm, kaya pinindot natin at lahat tayo umuwi ng basang basa! Yung hindi makukumpleto ang school year natin hanggang wala tayong napapaiyak na teacher. Nakakamiss, mamimiss ko iyon, ko kayong lahat." tinignan ko isa-isa lahat ng mga naging guro ko, mga naging kaklase ko, mga naging kaibigan, at lahat nang nang nang-agaw ng baon ko nung grade 1, charot. "Thank you for the memories, Salvatore Elemntary, and hello, Salvatore High!"

Bumaba na ako sa stage at nagulat ako nung may biglang yumakap sakin. Akala ko mga magulang ko, o kapatid ko, pero si Lucas pala. "Oh? Kung makayakap ka, parang mawawala na ako!"ani ko.

"Nagpapaiyak ka kasi! Ako lang pwede gumawa nun!" sabi naman niya. Nararamdamn ko na medyo basa na ang balikat ko. Wow, umiiyak pala ang green-eyed monster. Ako pa lang ata gumagawa nun. Hinarap niya ako at saka sinabing, "Promise me, na kahit mag-highschool na tayo, ako pa din ang best friend mo ha? Tayo palagi ang magkasama, tayo ang magkakampi, bawal mo ko palitan!" para siyang batang humihingi ng candy pero ayaw pagbigyan ng magulang. Natawa na lang ako.

"Wag kang choosy ano!" sabi niya.

"Oo naman, wala akong titignan na iba kundi ikaw." at niyakap niya ako uli.

Pagkatapos ng ilang buwan, pasukan na agad. Parang di ko man lang na-enjoy ang summer. Si lucas kasi sa italy sila nagsummer nang family niya. Ako naman duon sa isla namin sa Siargao.

"Pasukan na namaaaaaan!!" Sabi ko, pagbaba ko sa may dining area namin. Nandun na sina papa at kuya, umiinom ng kape habang si mama naman ay nagaasikaso ng breakfast.

"Goodmorning ma, pa, and kuya!" sabi ko sabay halik sa mga pisngi nila.

"So, excited ka na ba sa first day mo?" tanong sakin ni papa. Sumimangot naman ako, kasi sa totoo lang natatakot ako. Pano pag walang gustong makipagkaibigan sakin? Paano kung hindi na ako yung maging valedictorian? Paano kung lahat magbabago pagtapak ko sa highschool?

"Cheer up, princess! Everything's gonna be alright! Salvatore high rin naman si Lucas, diba?" kinindatan pa ako ni mommy nung binanggit niya pangalan ni Lucas. Mama talaga oh!

"Oy! Oy! Ano meron sa inyo ni Lucas ha?" Tanong sakin ni kuya, pati si papa nakatingin na rin sa akin.

"Mag-best friends lang kami, kuya!" pero nararamdaman ko na umiinit ang pisnge ko. Bakit ba kasi napasok dito si Lucas sa usapan?

* ding dong *

"Ako na," at tumayo na ako para tignan kung sino yung nasa labas. Ang aga-aga pa kaya. Six o'clock pa lang ng umaga.

Pagbukas ko ng gate namin, sumalubong sakin ay mga berdeng mata.

"Lucas."

Akala ko sa second week of school pa siya makakabalik. Kaya nga nalulungkot ako kanina kasi di ko siya makakasama sa first day ko.

"Suprise!" sabi niya habang ngiting-ngiti, ako naman eto. Parang na-istatwa na lang ako sa kinakatayuan ko. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa loob. Pinaalam niya ako kina mama at papa na sabay na kaming pupunta ng school ngayon at duon na raw kami kakain. Pagkatapos nun ay hatak-hatak niya pa rin ako palabas, tapos nag HHWW kami! As in, holding hands while walking, at eto parin ako namumula!

"Okay ka lang ba, sese? Nilalagnat ka ata kasi namumula ka eh," duon na ako nagkaron ng sariling malay. "Huh? Okay lang ako no! Siguro kinakabahan lang ako kasi first day eh. Hehe" sabi ko naman.

"Wag ka na kabahan. Kasama mo naman ako diba?" tumango naman ako sa sinabi niya at ngumiti. Habang naglalakad kami papuntang school, nagasaran lang kami buong lakad, at ang layo nun ah! Worth it naman kasi hawak niya kamay ko hanggang sa nagsimula na yung first lesson, ng school year namin.

I loved you, first.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon