Simula

162 1 0
                                    




20 years ago...


Unang araw ko sa bago kong school nuon.

Lumaki ako sa tabing-dagat. Mayroon kasing hotel ang pamilya ko nuon sa isang isla, sa Siargao. Napakasariwa ng hangin, walang bahid ng usok di katulad dito sa siyudad sa Manila. Gusto kasi ng mga magulang ko na dito na ako mag-aral, dahil mas maganda raw rito, pero kuntento naman na ako sa maliit kong iskuwelahan dun sa isla.

Ang bago ko kasing school ay kasing laki na halos nung isla, mas malaki pa ata. Meron itong iba't ibang mga gusali para sa elementary, highschool, at college, puno rin ito ng iba't ibang restaurants at may mall rin ito sa loob, mayroon rin kaming dalawang park sa loob, isang malaking library, at tatlong swimming pool.

Dahil diyan hindi ko na alam kung saan ang classrom ko. Magpapasama sana ako sa mama at papa ko ngayon kasi unang araw naman, kaso busy sila sa trabaho kaya naiwan ako kasama ang driver namin. Eh hindi naman siya pwede pumasok.

Buti na lang at may nakita akong malaking screen na halos kasing tangkad ko na nakalagay information. Para itong cellphone, na pwede mong i-type kung ano hinahanap mo at ipapakita nito ito sayo. Ang galing! Tinype ko "elementary building" at pinakita nito ang isang mapa at kung saan dapat ako pupunta. Sinundan ko yung sinabi sa screen at nakarating narin ako sa classroom namin.

Meron na ring mga tao sa loob, mukhang hinatid sila ng mga magulang nila kasi maraming matatanda ang nasa labas lang ng room. Buti pa sila. Pumasok na rin ako sa loob at umupo sa likuran. Mukhang magkakakilala na rin sila. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana pansamantala. Tanaw pala sa room namin yung park.

"Hi, may nakaupo na ba dito?" lumingon ako at nakita ko ang isang batang lalake, mas matangkad siya sakin, kung tutuusin siya na ata ang pinakamatangkad sa klase namin, pero ang nakaagaw talaga ng pansin ko ay ang mga berde niyang mata. Ang ganda! Ngayon pa lang ako nakakita ng may berdeng mata. Siguro may lahi siya.

"Weirdo." sabi nito at umupo sa tabi ko.


"Hoy! Hindi ako weird no!" sabi ko sa kanya. Sino siya para sabihan ako ng weirdo? Eh baka nga siya ang weirdo!

"Eh, bat nakatitig ka sa akin? Sabi ng mommy ko, gwapo daw ako, kaya naiintindihan ko kung bakit ka tulala sakin." sabay ngisi niya. Aba! Sino ba to??


"Excuse me! Hindi ka gwapo no! Gwapo si edward collins!"

"Weirdo nga talaga. Eh ang panget panget nun! Bamirang maputla." sabi niya at yumuko na lang sa kanyang upuan.


"May bampira bang namumula? Hmp." bulong ko naman.

Simula nuong araw na yun, tuwing umaga may nang-aasar sakin, may kumukuha ng chuckie ko sa baunan, may nangongopya sakin, may nagkukuwento ng kung ano-ano tapos sa huli ako naman yung mapapagalitan, may nakakainis, mayroon ang sarap sabunutan, ang sarap kurutin...


Isang kaibigan.


At ang pinakaimportante nuong araw na iyon, may nahanap akong kaibigan na masarap mahalin.

I loved you, first.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon