Chapter 20

7.8K 163 5
                                    

"SABIHIN mo, wala ako," malamig na sagot ni Gladys kay Anne nang sabihin nitong nasa labas ng boardinghouse si Zephyr.

"Isang linggo mo na siyang pinagtataguan," sagot nito.

"He needs time to be away from me," aniya, saka muling itinuon sa laptop ang atensiyon. Ayaw na niyang maguluhan pa si Zephyr.

Three days ago, she was ready to talk to him and ask him if he had made his decision. Ngunit nabigla siya sa eksenang nasaksihan niya. Napapikit siya sa muling pag-ukilkil ng alaala sa isip niya...

Nakakailang pindot na si Gladys sa doorbell ng bahay ni Zepyhr ngunit wala pa ring lumalabas mula roon. Nang mapagtanto niyang nakabukas ang gate ay nagpasya siya na pumasok sa loob. Maging ang front door ay hindi naka-lock.

Pagpasok niya sa sala ay agad niyang inilibot ang kanyang paningin. Wala roon si Zephyr. Umupo siya sa sofa. Imposibleng walang tao roon dahil nakabukas ang gate at front door ng bahay. Baka may ginagawa lang ang binata sa kuwarto. Hihintayin na lang niya ito na magtungo sa sala.

Isang linggo na ang nakalilipas mula nang magkausap sila ni Zephyr. Ang akala niya ay okay lang sa kanya na hindi ito makita kahit kailan. Ngunit nagkamali siya. Miss na miss na niya ito. Kung kinakailangang ibaba niya ang pride niya ay gagawin niya. Siya na ang gagawa ng unang hakbang para magkausap sila. Lilinawin niya kung ano ang estado ng relasyon nila.

Ilang minuto pa ang lumipas bago nagpasya si Gladys na hanapin si Zephyr sa buong kabahayan. Nang hindi pa rin niya ito nakita ay nagtungo siya sa likod-bahay. Ganoon na lamang ang gulat niya sa naabutang eksena roon: Zephyr was with Candice and they were kissing!

Tila piniga ng kamay na bakal ang puso niya. Pinigil niyang mapaiyak. Tahimik siyang naglakad palabas ng bahay. So, this was really good-bye. Hindi na siya aasa. There was nothing to hope for anyway. Alam na niya ang isasagot ni Zephyr kung sakaling nagkausap sila nang araw na iyon...

"Iyon nga ba? O isinuko mo na ang pag-ibig mo? Well, girl, lumalaban pa si Zephyr para sa 'yo," sabi ni Anne na nagpabalik sa isip niya sa kasalukuyan.

"You don't know what's happening, Anne." Her voice was as cold as ice. Hindi niya alam kung bakit parang wala na siyang nararamdaman.

"Fine. Wala naman akong magagawa kundi ang igalang ang desisyon mo." Lumabas si Anne ng kuwarto niya, saka isinara ang pinto.

Tumigil siya sa pagtipa sa laptop niya. Nagpasya siyang humiga na lang sa kama para matulog. She was like that days ago. Haharap sa laptop, kakain kapag nagutom, maliligo kapag pakiramdam niya ay hindi na kaaya-aya ang amoy niya, at matutulog kapag naubusan na siya ng salita para sa nobela niya.

Napatingin siya sa cell phone niya. Ilang araw na rin bang nakapatay iyon? Mula kasi nang ma-drain ang battery ng cell phone niya ay hindi na niya pinagkaabalahang buhayin pa iyon. Hindi na rin siya nakikinig sa radyo. Bakit pa? Kapag narinig uli niya ang boses ni Zephyr ay siguradong may guguhit na namang sakit sa dibdib niya.

She had to move on. Pero tama ba ang paraan niya ng pagmo-move on? Hindi ba parang mas inilalagak lang niya sa pusali ang sarili niya? Bumangon siya mula sa pagkakahiga at sumilip sa bintana. Wala na si Zephyr.

Napabuntong-hininga siya. Bakit ba kailangan pa niyang alamin kung naroon ang binata? Muli siyang humiga sa kama. Matutulog na lang siya hanggang sa malunod na ang damdaming ni sa hinagap ay hindi niya akalaing mararamdaman niya.

In Love With A Love Guru by Andie HizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon